CELYN'S POV:
--
NANGGAGALAITING umuwi ako sa bahay ng mag-isa dahil sa eksenang nangyari sa elevator kanina. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Mommy na hindi ko naipasa ang audition sa malaking project na yun.That would be my scaping goat for this nonsense modeling career in my life but they all ruined because of that guy - Calvin De Chavez!
"Arrrgh!" impit na sigaw ko nang makapasok ako sa sariling kwarto at pabalibag na tinapon ang shoulder bag na dala ko.
Naiinis talaga ako dahil unang-una, he stole my first kiss, he rejected my audition and now I don't know what to do anymore.
Cancelled lahat ng appointments ko dahil sure ako na makukuha ko ang role but because of that guy everything went washed away.
Pabagsak na dumapa ako sa kama at napatili ng sobrang lakas sa ibabaw ng unan ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Mommy ang resulta ng audition nang hindi man lang ako nakapag-perform sa script na binigay nila sa akin.
Hindi yata talaga para sa akin ang pag-aartista. Masyado na akong napapagod sa mga bagay na nangyayari sa buhay ko.
Napabuntong-hininga ako bago muling bumangon sa kama ko at nagdesisyong pumunta sa parke. Gusto kong lumanghap ng sariwang hangin.
Makalipas ang ilang minuto, narating ko ang parke na malapit sa subdivision namin at umupo ako sa isang swing. Papalubog na ang araw at unti-unti nang sumisindi ang ilaw sa bawat street lights dito sa lugar.
I have a deep sigh as I slowly sway the swing.
"Ang lalim naman po nun."
Naiangat ko ang aking paningin at tumambad sa akin ang bulto ng isang batang babae at may yakap itong teddy bear habang naka tingin sa akin.
"Huh?" wala sa sariling tanong ko sa bata.
"Sabi ko po ang ganda ninyo." balik na sagot naman nito.
Napangiti ako sa tinuran ng bata bago ko itinigil ang pag swing at ginulo ko ang buhok nito.
"Wala ka bang kasama? Na saan ang parents mo?"
Nagkibit-balikat ang bata bago ito lumapit sa swing na nasa tabi ko at naupo doon.
"Busy po sila pareho." aniya.
"Hindi ka ba hahanapin sa bahay ninyo?"
"May mga bagay po na may mas inuuna ang matatanda kaysa sa kapakanan ng sarili nilang anak."
Napakunot ang noo ko sa matalinghagang kataga na binitawan ng batang babae.
"My name is Isla. I have COPD. Almost a year na po akong nakatira sa ospital to cure myself. All I want is to play with my friends until my heart's content but this illness won't allow me."
Nagulat ako sa sinabi ng bata nang mapansin ko ang mabibigat na paghinga nito. She looks healthy outside but her eyes tells me everything...she's running out of time.
Chronic obstructive pulmonary disease (COPD) is a long-term, progressive lung disease that makes trusted source breathing difficult. Chronic bronchitis and emphysema are types of COPD.
"Then why are you here alone?"
Tumingin sa kawalan ang bata at mahigpit na niyakap ang teddy bear.
"The doctor says they don't have time to cure me since my parents already gave up on me. They already got divorced while I am still in the hospital fighting my own life."
"Why are you saying this to me?"
"Kasi po I know your pain. Yung tipong gusto niyo pong kumawala sa isang bagay pero ang tadhana mismo ang ayaw. I want to grow up like an adult and do whatever I want but this illness won't allow me. Also I don't have any friends to talk to. Tumakas lang po ako sa ospital."
BINABASA MO ANG
Sky Fall
Roman d'amour[BLOODFIST SERIES 4] Celyn Alarie Bautista, a determined freelance model and aspiring actress, has long harbored dreams of joining the prestigious ranks of CDC Entertainment. When she heard the announcement of an ambitious new project, excitement su...