CELYN'S POV:
--
ISANG buwan akong nakaratay sa ospital para pagalingin ang pasa sa mukha at katawan ko. Mabuti na lang effective ang gamot na ibinigay ni Doc Gun para mapabilis ang pagkawala ng pasa ko sa katawan.Wala rin nangyaring media conference dahil hindi ipinalabas sa publiko ang totoong nangyari dahil na rin sa tulong ni Mommy.
Binitawan na rin ni Kastiel ang pag-iimbestiga tungkol sa kidnapping na naganap habang nasa beach kami dahil hindi ako nakipag-cooperate sa kanya at pinanindigan ko na nagkaroon ako ng amnesia at trauma.
Pinakaayaw ko kasi sa lahat ay maging tampulan ako ng chismis na kesyo naging pabaya ako sa sarili ko. Hindi naman natin masisisi ang nangyari dahil hindi ko hawak ang tadhana na siyang nagdadala sa akin sa kapahamakan. Hindi ko rin kasalanan kung may mga taong patuloy na naiinggit sa mga narating ko sa buhay, at mga taong halang ang kaluluwa para gawin ang mga ganoong bagay.
Nang makalabas ako sa ospital ay agad kong hinarap ang mga pending kong trabaho kaya naman sunod-sunod ang tanong sa akin ni Peri nang mawala ako sa scene ng isang buwan.
"Ano ba talaga ang nangyari sayo at nawala ka sa tv commercials ng isang buwan?" tanong ni Peri habang inaayusan ako. Mayroon kasi akong project ng tv commercial na isang brand ng shampoo at ako ang kinuha nilang endorser.
"I took a long break Peri. You know naman what happened in the past diba?" sabi ko. Hindi ko na rin kailangang sambitin ang nangyari noon sa pagitan ni Maverick at ni Mommy nang ipull-out nito ang kontrata ko bilang model nila.
"Bakit hindi ka man lang nagtext o tumawag sa akin?" bakas ang hinanakit sa boses ni Peri.
Peri is on of my trusted friends lalo na sa modelling career na tinatahak ko. Ilang beses man akong lumagapak mula sa samut-saring batikos but Peri never give up on me, umabot pa sa puntong wala kaming maipasahod sa kanya pero nanatili pa rin si Peri sa tabi ko hindi bilang make-up artist, kundi bilang kaibigan na maaasahan at masasandalan.
"I shut myself from work Peri. I decided to have a vacation somewhere far away in Manila na walang signal. Alam mo naman how I hate toxicity."
"Hay naku! Ano pa nga ba ang magagawa ko? Ako tuloy ang kinuyog ng mga sponsors mo dahil hindi mo naman magampanan ng ayos ang work mo."
Isinawalang-bahala ko na lamang ang sinabi ni Peri. I know myself that I neglected him and my sponsors. Mas uunahin ko ang sarili ko kaysa sa ibang tao.
'Pero hindi mo kayang suwayin ang utos ng Mommy mo?'
Bulong ng aking isip.
Maraming nagsasabi mula sa paligid ko na tila isa akong robot o manika na sunod-sunuran sa gusto ng Mommy ko. At first I hate being part of modelling agency pero dahil ito ang bumubuhay sa aming mag-ina, pinili kong mahalin ang trabaho ko at hindi naman ako nagsisi doon.
"Ready na ba ang lahat for my commercial shoot?" usisa ko.
Peri got his final touches on my face before he spoke. "Kanina pa, ikaw lang ang hinihintay. Get up from your seat and do your work, nai-stress ako sa mga sponsor mo na kaliwa't-kanang tumatawag sa akin gayong hindi naman ako ang manager mo."
Hinila ako ni Peri mula sa high stool na aking kinauupuan at itinulak ako ng marahan patungon sa room kung saan gagawin ang commercial prod ko.
"Grabe, bakit tinanggap pa rin yan kung alam naman nating walang talent si Miss Bautista, eh puro pagpapa-cute lang sa camera ang alam niyan." rinig kong sabi ng isang staff na nasa technical production but I just ignore her.
Hindi na bago sa akin ang pagpaparinig ng mga taong nakakasalamuha ko sa trabaho. I came here for my work not to pleased other people. Ano bang pakialam ko sa mga side comments nila?
BINABASA MO ANG
Sky Fall
Storie d'amore[BLOODFIST SERIES 4] Celyn Alarie Bautista, a determined freelance model and aspiring actress, has long harbored dreams of joining the prestigious ranks of CDC Entertainment. When she heard the announcement of an ambitious new project, excitement su...