CELYN'S POV:
--
SOBRANG kaba ang nararamdaman ko dahil ngayong araw gaganapin ang pinakahihintay ng lahat; ang paglabas ng Sky Fall bilang movie."Maupo ka nga Celyn Alarie." sita sa akin ni Peri nang makitang palakad-lakad ako dito sa kwarto na siyang inuukopa namin.
Kasalukuyan kaming nasa hotel na pagmamay-ari ni Cassius. Hindi na ako magtataka kung bakit sobrang yaman ng mga tao sa HuPoFEL dahil sa galing nilang humawak ng sarili nilang business. Parang gusto ko na lang rin makipagsusyo sa kanilang lahat para yumaman ako bigla, kaso naalala ko mayaman din ang kompanya ni Dad.
"Kinakabahan ako Peri." sagot ko dito.
Inirapan ako ni Peri na parang sobrang O.A ko para makaramdam ng kaba.
Wearing a black stunning gown, it features a maxi length, double lined mesh and tool ruffle skirt with a chic side slit, fitted waistband, and corseted bra cup top with adjustable straps. Pasalampak na umupo ako sa dulo ng kama nang walang alinlangan kung masira man ang make-up at damit ko.
"Hindi ka bibitayin kaya manahimik ka dyan. As if ito ang first ever major movie na pinagbidahan mo?" dugtong pa niya.
"Baka isang Calvin De Chavez ang kasama ko at mga bigating artista ng CDC? Hindi ko pa napapanuod kahit trailer man lang dahil ayokong ma spoil ang sarili ko."
"Ay ang arte!? Bat di mo tignan sa social media nang malaman mo ang resulta?"
Inirapan ko si Peri at hindi siya pinansin. Alam kong trending sa social media ang trailer ng movie namin at marami ang nagulat at nagkagulo nang makita nilang si Calvin mismo ang bibida sa nasabing movie. Kahit si Carlson ay naghakot ng fans sa trailer pero mas marami ang humanga kay Calvin, hindi dahil sa itsura nito kundi dahil sa natural ang angking galing nito sa pag-arte.
"Sana maging successful ang movie." saad ko.
Lumingon sa gawi ko si Peri at binitawan ang hawak nitong phone. "Sus! Kahit hindi mo ipagpanalangin alam kong magiging successful ang movie ninyo. Trailer pa lang nakakauhaw na, pano pa kaya kung buong movie na? Malamang maghahakot ng ga-timba na milyones ang production team unlike noong nasa ilalim ka pa ng pangangalaga ni Maverick. Puro extra ang role mo diba?"
"Yeah. Siguro nga tinadhana talaga ako na mapabilang sa CDC Entertainment?"
"Be thankful na lang girl. Sa dami ng pinagdaanan mo, natin, maraming blessings ang dumating."
Ngumiti ako.
Sumagi sa isip ko yong mga panahong namomroblema pa ako kung paano makakaalis sa anino ni Mommy, kung paano magagampanan ng maayos ang trabaho ko bilang modelo at artista at kung paanong sumabak ako sa katakot-takot na trahedya ng buhay ko.
"Bago ka pa mabaliw dyan dahil sa kaba, tumayo ka na at pupunta na tayo sa sinehan."
Hinila ni Peri ang braso ko para makatayo at inalalayan niya ako hanggang sa makalabas kami ng hotel room. Sa CDC na kasi kami magkikita ni Calvin and I do understand how his works took his time because he is always be the owner of CDC Entertainment. His responsibility isn't too easy to understand but since I love him, I'd do everything to understand his position as the owner, as part of HuPoFEL, and also a Bloodfist Elite member.
Sumakay kami ng elevator papuntang parking lot at pagkarating namin doon, si Thud ang sumalubong sa amin.
Thud smirks at me as he saw us approaching when he opened the car door for me.
"Good evening gorgeous." ani ni Thud.
"Good evening Thud." balik na bati ko rito.
"Siya lang ang gorgeous Fafa Thud? How about me naman?" mataray na wika ni Peri.
BINABASA MO ANG
Sky Fall
Roman d'amour[BLOODFIST SERIES 4] Celyn Alarie Bautista, a determined freelance model and aspiring actress, has long harbored dreams of joining the prestigious ranks of CDC Entertainment. When she heard the announcement of an ambitious new project, excitement su...