Fall 23: Older brother?

34 6 4
                                    

CELYN'S POV:

--
IT'S been a week since I woke up and Liezel didn't leave my side even if my Mom tried to shoo her away but I didn't allow it.

"Mom walang kasalanan si Liezel sa mga nangyari sa akin kaya pwede po bang tantanan niyo ang kaibigan ko? Her and Kasti is the only treasure I have even you so please understand me, okay?" wika ko kay Mommy na tila stress na nang madatnan nito si Liezel sa kwarto ko dito sa ospital.

Okay na rin naman ako at walang bakas ng kahit anong tahi ang katawan ko. Maganda ang facility ng L.A Hospital maging ang way ng pag gagamot ni Doc Gun - sobrang high tech.

"Minsan na akong nagtiwala sa mga itinuring kong kaibigan pero sila lang rin ang nagpahamak sa akin. Tignan mo ang nangyari sa amin ng Daddy mo!?"

Tinignan ko si Mommy at ang lalaking katabi nito na pinipigilan siya sa galit nito sa kaibigan ko. Mom introduced him to me as my father at masasabi kong siya nga ang Daddy ko dahil magkahawig kaming dalawa.

"Your story and mine are different. Labas ang mga kaibigan ko sa mga nangyari sa inyo ni Dad kaya huwag mong idadamay ang kaibigan ko dahil ako ang higit na nakakakilala sa kanila. Araw-araw ba natin itong pag-aawayan Ma?" naiinis na wika ko.

Lumapit sa akin si Liezel at hinawakan ang balikat ko. "Tama na Celyn, okay lang naman ako eh. Tyaka thank you for trusting me kahit na tinataboy ako ni Tita, bestfriend pa rin tayo." ani ni Liezel.

Padabog na naglakad si Mommy palabas ng kwarto ko at hinayaan naman ito ni Dad.

"Your Mom suffered a lot because of me." panimula ni Dad bago isinuksok ang kamay nito sa sariling bulsa habang nakatingin sa amin ni Liezel.

"I do understand your situation Dad pero hindi naman pwedeng itulad ni Mommy ang mga kaibigan ko sa mga taong nakakasalamuha niya. Ngayon na lang rin kayo nagkasama ulit." sagot ko.

"You're not mad at me for leaving you behind?" bakas sa boses ni Dad ang hiya pero nanatiling seryoso ang mukha nito. He's like Calvin everytime he did that kind of gestures.

"Hindi po. Though I wanted to know behind the story of the both of you but I have lots of works to do na naiwan ko po sa CDC."

A smile formed on his lips as he sat down at the edge of my bed. "Kapag nakalabas ka na dito sa ospital, I will introduce you to the world as my daughter and the only heir of my properties. You don't have to beg of your Mom inheritance at Bautista state. I have lots of it with the help of my son."

Kumunot ang noo ko.

"May kapatid po ako?" usisa ko.

"He's years older than you though you meet him already. Hindi siya dumadalaw dito right?"

Dinamba ako ng kaba at excitement. Matagal ko ng pangarap na magkaroon ako ng kapatid and it turns out na magiging Kuya ko siya.

"When should I met him?" bakas sa boses ko ang pagka-excite.

"After your discharge. I talked to Doc Gun and he says you can go home anytime you want."

"Gusto ko na pong umuwi sa bahay Dad."

Lumapat ang kamay ni Daddy sa ibabaw ng ulo ko at ginulo ang aking buhok.

"I know. We'll be back later so fix yourself."

Tumayo na si Dad mula sa pagkakaupo sa dulo ng kama ko at naglakad palabas ng kwarto ko at kami na lang ni Liezel ang naiwan.

Napalingon ako nang biglang bumagsak sa sahig si Liezel.

"Hoy anong nangyari sayo!?" usisa ko kay Liezel at nagmamadaling bumaba ako ng kama ko para alalayan si Liezel na makatayo.

"Nakakatakot si Tita. Hindi ko alam kung bakit ang lalim ng galit niya sa amin ni Kastiel though I understand her naman kung may malalim nga siyang pinanghuhugutan." wika nito bago nagpaubayang dalhin ko siya sa kama ko at magkaharap kaming nakaupo sa ibabaw nun.

Sky FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon