Fall 13: Meet Doc Gun...

37 5 0
                                    

CELYN'S POV:

--
NAGPASYA akong dalawin si Isla sa ospital dahil yun ang hiling ng bata. I decided to disguise myself as Loraine in the movie para hindi ako maka-attract ng crowd sa ospital lalo na't public place yun.

Suot ang isang mahabang palda, plain t-shirt, cap, sneakers, eyeglass at back pack na may lamang wallet at cellphone. Nabili ko lang ang mga ito sa bangketa sa labas ng subdivision namin.

Nang makitang ayos na ang buong get-up ko for my disguise ay agad akong lumabas ng kwarto. Nakasalubong ko pa ang isang kasambahay namin nang mapatili ito ng makita ako.

"Diyos na mahabagin, Celyn ikaw ba yan?" gulat na tanong ni Yaya Loida.

Napangiwi ako. "Sorry yaya, may pupuntahan kasi ako." paalam ko rito.

"Teka, alam ba ng Mommy mo kung saan ka pupunta?" usisa niya ng makita ang ayos ko at sinuri pa talaga kung ako nga ba si Celyn Alarie Bautista na salat sa mga mamahaling alahas at damit.

"Hindi po."

"Alam mo naman kung paano mag-hysterical ang Mommy mo pag nalamang wala ka dito sa bahay. Wala ka bang trabaho ngayon?"

"Break po ng team namin sa taping. Yung taping nila Carlson ang inaatupag po nila ngayon. Pupunta kasi ako ng ospital."

"Bakit? May sakit ka ba?" sunod-sunod na tanong ni Yaya at tinignan pa kung nilalagnat ba ako.

"Naku, Ya wala po. May dadalawin lang po tyaka pupunta na rin po ako ng bookstore."

Lagi kasi akong kinukulit ni Sinji na bilhin ang nailimbag na libro ni Saviel. At dala na rin ng curiousity, gusto kong basahin ang libro dahil trending nga siya sa twitter at facebook.

Ginagawan pa ng ranking kung sino ang pinaka sikat na character sa libro at halos patok sa netizen ang rankings ng HuPoFEL members. I got curious that's why I decided to read them immediately para naman makasabay ako sa trend hindi lang puro trabaho ang inaatupag ko.

"Siya, sige. Uuwi ka naman siguro agad diba?"

"Yaya malaki na po ako."

"Alam kong tumatanda ka na pero ang Mommy mo tumatanda ng paurong sa pag-aalala sayo."

Natawa ako sa sinabi ni Yaya Loida. Tuwing weekend lang pumupunta si Yaya sa bahay namin para maglinis dahil nga sa lagi kaming wala ni Mommy. Siya at ang kanyang pamilya ang katiwala namin dito sa bahay sa tuwing wala kami dahil sa trabaho ko.

"Sanay na po ako kay Mommy."

"Siya sige na at ika mo nga ay may pupuntahan ka." pagtataboy pa nito sa akin.

"Sige po. Uuwi po ako ng maaga Yaya, don't worry po."

Matapos kong magpaalam kay Yaya ay agad pumunta sa parking lot ng aming bahay at sumakay sa sarili kong kotse. Ginagamit ko lang ito sa tuwing lumalabas ako ng mag-isa, bukod pa rito ang personally made na van na ginagamit tuwing may taping ako. Kompleto 'yon sa gamit at hindi ko na kailangang mag-alala sa tuwing gusto kong magpahinga.

Nagkataon lang talaga na nakatulog ako sa shooting site namin hindi lang isang beses kudi maraming beses dahil sa hindi mapigtas na bangayan namin ni Calvin at dala na rin ng pagod mula sa taping.

Makalipas ang isang oras, narating ko ang L.A Hospital kung saan na roon si Isla. Bumili na rin ako ng prutas at mga healthy foods na para sa bata.

Pagkapasok ko sa hospital ay agad akong dumiretso sa reception area ng hospital.

"Isla De Guzman?" bungad ko sa nurse na nakabantay.

"Kaano-ano niyo po yung bata?" aniya habang tinitignan sa computer nito ang record ni Isla.

Sky FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon