Fall 15: Scripted or not?...

32 4 0
                                    

CELYN'S POV:

--
PAGKALABAS ko sa gate ng bahay namin, nagulat ako nang makita ang bulto ni Carlson na pormadong-pormado at may hawak itong bungkos ng pulang rosas sa kanang-kamay habang nakasandal sa dulo ng sarili nitong kotse.

'Magbubukas lang ako ng gate para mailabas ang kotse ko, bakit nandito ang asungot na ito?'

"Napadalaw ka?" patay-malisyang tanong ko kay Carlson nang makalapit ako dito. Hindi gumagana ang kaartehan ko sa kanya kasi nga hindi ko siya gusto.

"For you," aniya bago inabot sa akin ang bungkos ng bulaklak.

"Thank you, nag-abala ka pa." labas sa ilong na pagpapasalamat ko. Labag sa loob ko na makita ang bulto ni Carlson. Buti sana kung si Calvin ang sumundo sa akin matatanggap ko pa, pero ang mahangin na ito? Parang gusto ko na lang magkulong sa kwarto hanggang gabi.

"I came here to pick you up, sabay na tayo pumunta sa set." aniya.

"Ah. Kung okay lang sayo pwede naman akong sumabay. Ilalabas ko sana yung kotse ko kaso nandito ka na." naiilang na sabi ko.

Carlson smiled at me. "You don't need to use your car, I can give you a ride whenever you want. So, ready ka na?"

Tumango na lang ako sa offer ni Carlson bago isara ang main door ng bahay namin at ang gate na pinag-abalahan ko pang buksan. Inalalayan ako ni Carlson na makapasok sa loob ng kotse. Sa tabi ng driver seat ako naupo hawak ang rosas na bigay sa akin ng binata, gusto ko sanang ihampas ito sa mukha niya kaso next time na lang kapag sinipag ako.

Nang makasakay si Carlson ay agad na pinaandar nito ang kotse palayo sa bahay namin. Hindi pa man kami nakakalayo sa subdivision, biglang tumunog ang cellphone ko at nakita ko roon ang pangalan ni Kastiel kaya naman walang atubiling sinagot ko ang tawag ng walang pagtatanong ng pahintulot mula kay Carlson.

"What's up, Kasti? How are you?" masayang bungad ko kay Kastiel na nasa kabilang linya.

Kumunot ang noo ko nang marinig na sobrang ingay ng paligid ni Kastiel.

"Gaga! Ikaw ang kamusta? Ang tagal mo ng hindi nagpaparamdam sa amin ni Liezel ah!?" pasigaw na sagot naman ni Kastiel hanggang sa makarinig ako ng pagsara ng pinto at biglang tumahimik ang paligid sa kabilang linya.

Nasapo ko ang sarili kong noo nang maalala ko na hindi ko pala nasabi kay Kastiel at Liezel na busy ako sa taping.

"Oh God, I forgot to tell you na I passed sa audition ng CDC. Actually, I am part of the big project named Sky Fall and nasa kalagitnaan na kami ng shoot." nahihiyang paliwanag ko kay Kastiel.

"Ay ang galing. Kung hindi pa kita tinawagan hindi ko pa malalaman ang sitwasyon mo sa buhay!?"

"Sorry girl. Madami lang kasing nangyari these part few weeks and I forgot to call the both of you."

"Ganyan ka naman palagi, kapag may taping ka kinakalimutan mo kaming mga kaibigan mo."

"Ang drama mo ha!? Busy nga ako."

"Oo na!" rinig kong tawa ni Kastiel.

Kahit kailan talaga nagpapa-baby ang lukaret na ito. Huling balita ko kay Kastiel ay umalis na siya sa poder ng kanyang Ama at kasalukuyan itong nagtatrabaho bilang isang sekretarya ng kompanya. I don't know all the details kasi nga never na kami nakapag-get together dahil sa nag-iba-iba ang landas naming magkakaibigan.

Also, I didn't know where is Liezel right now even Kastiel didn't know where she is.

"Speaking of which, may balita ka ba kay Liezel?" tanong ko.

Natahimik bigla sa kabilang linya na siyang ipinagtaka ko. "Kasti?" tawag ko pa sa pangalan nito.

Rinig ko ang pagbuntong-hininga ni Kastiel mula sa kabilang linya. "No. I don't have any news about her after kong umalis sa tinutuluyan niya kasi nga nagw-work ako sa isang company. Don't worry about it, baka may inaasikaso lang si Liezel sa sariling buhay niya."

Sky FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon