Chapter 3

47 1 0
                                    

Chapter 3

" 𝑮𝒖𝒔𝒕𝒐 𝒌𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒍𝒂𝒎𝒂𝒏 𝒌𝒐𝒏𝒈 𝒔𝒊𝒏𝒐 𝒕𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒔𝒂 𝒍𝒊𝒌𝒐𝒅 𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕 𝒏𝒈 𝒊𝒕𝒐? " Ani Alejandro nang makauwi na sila sa bahay. Nasa kwarto s'ya kasama sina James , Rowela at Paulina.

" Ang mga dela Vega , obvious na obvious naman eh. " Ani Jamerson. "

" Oo nga , mga meanie talaga sila. " Sabi naman ni Rowela.

" Ang ipinagtataka ko lang , burado ang lahat ng CCTV footage sa buong lugar natin. " Aniya sa mga ito. 𝑲𝒂𝒚𝒂 𝒎𝒂𝒍𝒂𝒌𝒂𝒔 𝒕𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒖𝒕𝒐𝒃 𝒌𝒐

" Kaya burado kase binura. O baka may bumura ganern. " Ani Jamerson.

" Paano binura ginamitan ng eraser? " Tanong ni Rowel

" Tumahimik nga kayong dalawa , hindi kayo nakakatulong eh. " Suway ni Paulina sa dalawa at umayos ito sa pagkakaupo.

" Nagkalat ang mga kalaban natin sa paligid at nakasasalay ang kaligtasan nating lahat dito , kaya kailangan nating mag-ingat lalo pa't hindi natin alam kung sinong kalaban sa hindi. " Makahulugang sabi n'ya sa mga ito.

" Insan natatakot ako. " Sabi ni Rowela at umismid si James.

" Ang OA mo naman , hindi naman sila pumapatay ng ingot eh. " Ani James kay Rowela.

" Mas ingot ka tanga. " Sabi ni Rowela rito.

" Mas tanga ka! " nagtagis ang bagang na sabi ni James.

" Kung may pinakatanga dito ikaw 'yon! " Gigil na sabi ni Rowela.

" Shut up the both of you! " Bulalas ni Paulina. " Okay i'm sorry if I raised my voice guys i'm so sorry. " She cleared her throat. " I mean kung hindi tayo mag-iisip ng idea o paraan kung paano natin malulutas ang problemang kinakaharap nating ito ng ating pamilya , mas lalo lang lalala ang lahat and kailangan nating gumawa o gagawa ng paraan para wala ng mapapahamak pa at ng matapos na ang lahat ng ito. " Seryosong sabi ni Paulina at tumango s'ya.

" Paulina. Let's talk in private. James at Rowela pwede bang ewan n'yo muna kami? " Ma-awtoridad na sabi n'ya sa mga ito.

" Eh bakit naman kayong dalawa lang ang magta-talk in private kaloka? Hindi ba kailangan nating malutas ang problemang kinakaharap ng ating pamilya? Parte din ako ng pamilyang ito kaya kailangan nating magtulungan. " Giit ni Rowela.

" Then act like you are a part of the family. " He retorted. Kahit na nayayamot s'ya minsan sa mga ito ay may tiwala naman s'ya sa mga ito kahit papaano. " Let's have a meeting but before we proceed , kailangan ko munang hingiin ang mga katapatan n'yo. Lahat ng pag-uusapan natin dito ay kailangang walang ibang makakaalam kundi tayo lang. " Aniya habang nakatingin sa mga ito. " Tumango ang mga ito. " Rowela at James , nagkakaintindihan ba tayo? " Sabi n'ya sa mga ito.

" Mayro'n ba tayong hindi pagkakaintindihan insan? " Seryosong sabi ni Rowela. He rolled his eyes and sigh. 𝑲𝒂𝒍𝒎𝒂 𝒊𝒏𝒔𝒂𝒏 𝒎𝒐 '𝒚𝒂𝒏

Sinipat niya ang kan'yang relong pambisig.

" Kailangang walang ibang makakaalam sa pinag-uusapan natin dito. " Sabi nya uli sa mga ito. " Alam kong mahirap paniwalaan ito but malakas ang kutob ko na may hudas sa loob ng mansyon. " Sabi niya at samot-saring reaksyon ang nakita niya sa mga mukha nito.

" Hudas? Wala naman akong kilalang nagngangalang Hudas sa pamilya natin. Wala akong maalala baka nakalimutan ko. " Sabi ni Rowela at napakamot sa ulo.

" But Leandro. " Paulina insisted . 𝑾𝒉𝒚 𝒆𝒗𝒆𝒓𝒚𝒐𝒏𝒆'𝒔 𝒂𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔 𝒄𝒂𝒍𝒍𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒆 𝑳𝒆𝒂𝒏𝒅𝒓𝒐? 𝑰𝒕 𝒘𝒂𝒔 𝒎𝒚 𝒇𝒂𝒕𝒉𝒆𝒓'𝒔 𝒏𝒂𝒎𝒆 " How could you say that? Malabong mangyare 'yon. Walang traydor sa pamilya natin. Imposible 'yang sinasabi mo. " Paulina insisted.

Chasing The Bullet ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon