Chapter 16

17 0 0
                                    

𝗣𝗮𝗴𝗽𝗮𝘀𝗼𝗸 ni Andriano sa kan'yang bahay ay kaagad s'yang umakyat sa ikalawang palapag at nagpunta sa kwarto ni Adriano upang tingnan ito. Nakaawang ng konte ang pintuan ng kwarto nito kaya kaagad s'yang nakapasok. Nagulat s'ya nang makita n'ya si Adriano na nakagapos ang katawan nito sa silya at nakatakip ang mga mata at bibig nito.

“ 𝑪𝒉𝒊 𝒕𝒊 𝒉𝒂 𝒇𝒂𝒕𝒕𝒐 𝒒𝒖𝒆𝒔𝒕𝒐?! 𝑪𝒂𝒛𝒛𝒐 𝒔𝒕𝒂𝒊 𝒃𝒆𝒏𝒆?! ” Tarantang sabi ni Andriano at kinuha ang takip sa mga at bibig nito. Napatda s'ya nang biglanf sumara ang pintuan at nakita n'ya si Andrius na nakatayo sa pinto.

“ Ano na namang ginawa mo sa kapatid mo?! ” Galit na sabi n'ya rito.

Andrius rolls his eyes and grins.

“ Wala lang trip ko lang. ” Casual na pagkakasabi ni ni Andrius at bumunot ng baril.

“ A-anong ginagawa mo ibaba mo 'yan? ”

“ May ipapagawa ako sa'yo. ” Nakangising sabi ni Andrius.

“ Ano?! ”

“ Patayin mo ang babae ni papa. ”

“ Nababaliw ka na ba? ” Andriano said in disbelief.

“ Sige ka, papatayin ko si Adriano, kapag sinabi ko gagawin ko, kilala mo ako hindi ba? Tsaka matagal na din akong nagbabalak na patayin ang abnoy na 'to, ngayon ko lang naisip. ” Andrius said with a devilish grin.

“ Baliw ka na talaga. ”

“ Matagal na. Basta gagawin mo ang iuutos ko sa'yo, hindi ko papatayin si Adriano. ”

“ Ano bang kalokohan 'to Andrius?! Ano bang gusto mong mangyare?! ”

“ Gusto kong mamatay ang babaeng 'yon, kapag nagawa mo 'yon, bibigyan pa kita ng 50 billion bilang pabuya at palayain ko ang sinto-sinto na 'yan! ” Nakangiting sabi Andrius.

“ 50 billion? ”

“ Oo, ide-deposit ko na lang sa account mo pagkatapos. ”

“ Ano ba talaga ang gusto mong mangyare? Bakit mo pinag-iinitan si Anica? ”

“ Ayaw ko lang sa kan'ya, pangit, payatot, mahirap, tsaka hindi sila bagay ni papa. ”

“ Si-sige gagawin ko ang gusto mo, 'yon lang pala eh. ”

“ Gagawin mo within 3 hours. ” Casual na pagkakasabi ni Andrius.

“ Ba-bakit 3 hours? ”

“ May bombang nakakabit sa likod ni Adriano, 3 hours lang naman ang count nito, at kapag hindi mo pa nagawa ang iniutos ko sa'yo sa loob ng tatlong oras, sasabog ang bomba sa katawan ni Adriano at pati ang buong bahay na 'to. ” Mala-demonyong pagkakasabi ni Andrius.

“Nahihibang ka na ba?! ”

“ Oo. Kailangan 'yong naka video ha? Kung gusto mo mag vlog habang pinapatay si Anica gawin mo. ” Lumapit si Andrius kay Andriano at hinawakan ang dibdib nito.

“ Huwag kang kabahan, kaya mo 'yan. ” Nakangising sabi ni Andrius at tinapik si Andriani sa balikat.

“ Si-sige gagawin ko na. ” Tarantang sabi ni Andriano. Tumunog ang timer ng bomba na nakakakabit sa likod ni Adriano at kinabahan ng husto si Andriano. Dali-dali s'yang bumaba at lumabas ng bahay.

“ Hey, turn off the timer. ” Sabi ni Adriano.

“ Ayoko nga. ” Pabirong sabi ni Andrius.

“ What the fuck bro, do you really want to kill me? ”

Chasing The Bullet ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon