Chapter 4

24 2 0
                                    

Chapter 4

" 𝐍𝐚 𝐬𝐜𝐚𝐦 𝐧𝐚 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐚𝐤𝐨 𝐥𝐚𝐧𝐠𝐲𝐚. Akala ko pa naman kung saan tayo pupunta dito lang pala. " Jamerson thsked habang nasa parking lot sila ng mansyon. Natawa lamang si Alejandro.

" Kapag sinabi ko ba namang dito tayo pupunta sasama ka ba? " Naiiling na sabi n'ya rito." Alam ko namang ayaw mo sa mga family gatherings. " Aniya.

" Hindi naman ako parte ng pamilya mo para sumali-sali sa mga gardenings na 'yan. Nakakahiya. " Anito habang naglalakad sila papasok ng mansyon.

" Gatherings. "

" Whatever! " Jamerson snorted. " This a crime. You turture me! "

" Anong turture? Grabe ka naman , parang hindi tayo magkaibigan n'yan. " Naiiling na sabi ni Alejandro. " Sige umuwi ka nalang kung gusto mo. Iwan mo na ako rito. Pasensya ka na sa abala. " Mahinahong sabi n'ya rito.

" Ito naman hindi mabiro. Pumasok na tayo erap. " Inakbayan s'ya nito at pumasok na sila sa loob ng mansyon.

**************************
" Pinatawag ko kayong lahat dahil gusto kong malaman na nasa mabuti kayong kalagayan. Gusto kong makatitiyak na ligtas kayong lahat. " Sabi ng matanda at isa-isa sila nitong tinitingnan. Nasa loob sila ng pribadong silid habang isinasagawa ang pagpupulong. " Bueno. Hindi na bago sa atin ang pangyayareng ito kaya naman pinaaalahanan ko ang lahat na doblehin ang inyong pag-iingat. Sa higpit ng seguridad sa mansyon na ito ay nalusutan pa rin tayo ng ating mga kaaway kaya kayong mga inutilis na mga tauhan ko , sa oras na may makapasok pa na mga 𝒑𝒆𝒏𝒅𝒆𝒋𝒐𝒔 sa mansyon na ito ay malilintikan kayo sa akin. " Sabi ng matanda habang tinitingnan ang kan'yang mga tauhan na nakatayo lamang sa gilid ng silid na iyon habang nakayuko ang mga ito. Bumalik ang paningin ng matanda sa kanila. " Huwag kayong pangunahan ng takot at panghinaan ng loob. Hindi magtatagal ay mawawatasan din natin ang suliraning ito basta magkaisa lamang tayo. "

Tumayo ang isang ginang at natuon ang atensyon ni Mauricio rito.

" Mawalang galang na Mauricio pero kailangan din nating gumawa ng hakbang o plano para matapos na ang lahat ng ito. Tutunganga na lamang ba tayo rito at hindi gagawa nang aksyon? Anumang oras ay may nakaambang panganib sa atin , anumang oras ay maaari natin itong ikapahamak at ikamatay. Buhay nating lahat ang nakasalalay dito Mauricio. "

" 𝑪𝒂𝒍𝒎𝒂 𝒎𝒊 𝒉𝒆𝒓𝒎𝒂𝒏𝒂 , alam ko ang ginagawa ko.
𝑵𝒐𝒔𝒐𝒕𝒓𝒐𝒔 𝒍𝒆𝒔 𝒅𝒆𝒔𝒕𝒓𝒖𝒊𝒓𝒆𝒎𝒐𝒔 𝒑𝒆𝒓𝒐 𝒗𝒂𝒎𝒐𝒔 𝒂 𝒋𝒖𝒈𝒂𝒓 𝒖𝒏 𝒑𝒐𝒄𝒐. " Makahulugang sabi nito sa kanila. "Bueno , kumain muna tayo ng agahan at hangga't maaari wala munang aalis sa mansyong ito hanga't hindi ko pa sinasabi. At huwag n'yong kalimutan , nasa malapit lamang ang panganib at maaring katabi mo na ito. " Nakangising sabi ni Mauricio.

" Sumusobra na talaga ang mga dela Vega na 'yan , nanahimik na tayo pero sila palage ang gumagawa ng gulo. " Edison said fuming in anger.

" Edison Edison, wala kang mapapala kung pangunahan ka ng galit at poot sa puso mo, 'yan ang lage kong sinasabi sa'yo, walang magagawa ang galit mo upang malutas ang suliraning ito. " Kalmadong sabi ni Mauricio kay Edison.

𝙋𝙖𝙖𝙣𝙤 𝙨'𝙮𝙖 𝙣𝙖𝙣𝙖𝙩𝙞𝙡𝙞𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙡𝙢𝙖𝙙𝙤 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙗𝙞𝙡𝙖 𝙣𝙜 𝙡𝙖𝙝𝙖𝙩 𝙣𝙜 𝙞𝙩𝙤? 𝙆𝙖𝙠𝙖𝙞𝙗𝙖 𝙩𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖 𝙨'𝙮𝙖. Sa isip n'ya.

" 𝑻𝒂𝒓𝒅𝒆 𝒐 𝒕𝒆𝒎𝒑𝒓𝒂𝒏𝒐. 𝑬𝒍𝒍𝒐𝒔 𝒍𝒂 𝒗𝒐𝒍𝒖𝒏𝒕𝒂𝒅 𝒑𝒂𝒈𝒂𝒓 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒖𝒔 𝒍𝒂 𝒅𝒆𝒖𝒅𝒂. Magbabayad ang lahat ng sino mang nasa likod nito. Ipapangako ko ito para sa pamilya ko at mga mahal ko sa buhay. " Mauricio grin devilishly and Edison averted his gaze on the floor. “ Sa ngayon ay kumain na muna tayo dahil alam kong nagugutom na kayo mga mahal kong kapatid, mga apo at sa lahat ng narito, inanyayahan ko kayong lahat sa pagsasalo. ” Naglakad ito palabas ng conference room na parang walang nanyare rito.

Chasing The Bullet ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon