Chapter 29

14 0 0
                                    

𝗡𝗮𝗴𝗸𝗮𝗴𝘂𝗹𝗼 na sa buong CIA unit pagdating nila Alejandro at Alvarez doon.Pinagbabaril nila ang mga CIA military personnel na sumasalubong sa kanina. Nagtago sila sa sasakyan nang salubungin sila ng napakaraming kalaban. Palipat-lipat sila ng sasakyan hanggang sa nakapagtago sila sa gilid ng armoured vehicle. They were wearing a suit with a bulletproof vest, a fake hair and a mustache.

“ What are we gonna do now?! Our bullets are limited only and they are to many! Dalawa lang tayo! ” Alejandro exclaimed while catching his breath. Alvarez rolls his eyes and smirk. May dinukot ito sa kan'yang bulsa, isang kaha ng sigarilyo. Kumuha ito ng isang stick at sinindihan ito.

“ Ba-bakit ngayon mo pa naisipang manigarilyo?! Mamamatay na tayo! ” Tarantang sabi ni Alejandro at tumawa si Alvarez. Tawa ng isang taong nababaliw na tao.

“ We'll gonna die anyway so die like a real men! ” Binigyan s'ya nito ng isang stick at tinanggap naman n'ya ito. Without looking at the enemy, Alvarez aim his gun to random directions while shooting. Kahit medyo madilim at hindi nakatingin si Alvarez sa mga kalaban ay naasinta pa rin n'ya ang mga ito at isa-isang bumagsak ang mga kalaban. Hindi makapaniwala si Alejandro sa kan'yang nakita.

“ You're fucking unbelievable! ” Alejandro exclaimed in amusement.

“ Now it's your turn! Wala na akong bala. Use your fucking senses! ” Anito at tumango s'ya. Pinakinggan n'ya ang mga ingay sa paligid, mga kaluskos at yabag ng mga paa, itinaas n'ya ang kan'yang baril. Inasinta n'ya ang mga ingay na naririnig n'ya sa paligid. Sa kaliwa, sa kanan, sa likod... sa harap...Hanggang sa maubusan s'ya ng bala. Ibinuka n'ya ang kan'yang mga mata at inaninag ang mga kalaban sa paligid. Hindi s'ya gano'n kagaling dati umasinta pero natamaan n'ya lahat ng natitirang kalaban at partida, wala s'yang gaanong nakikita dahil bukod sa madilim ay medyo malabo ang paningin n'ya.

“ You impressed me! ” Sigaw nito at tumawa. “ Tara, pumasok na tayo sa loob! ” Anito at dali-dali itong tumakbo papasok at iniwan s'ya.

“ Sira-ulo ulo iniwan ako. ” Usal na sabi n'ya at sumunod rito.

Pagpasok nila sa loob ay sinalubong uli sila ng mga kalaban at nagtago sila sa isa pang kwarto na puno rin ng mga kalaban.

“ He-hello? Pwede makiki CR? ” Casual na tanong ni Alvarez at nagtinginan ang mga ito. May dinukot s'ya sa bulsa n'ya, isang maliit na pokemon figure na Pikachu. Itinapon n'ya ang Pikachu na 'yon sa sahig at sumabog ito. Hinila n'ya si Alejandro at nagtago sila sa ilalim ng mesa.

“ Now control your breath and close your eyes. ” He whispered and Alejandro nod.

Ng mabalutan ng nakakasulasok na usok ang buong kwarto ay isa-isang ginulpi nila ang mga kalaban hanggang sa bumagsak ang mga ito. May pumasok pang mga kalaban sa silid na 'yon. Pumulot si Alvarez ng baril at pinagbabaril ang mga ito. Pumulot din ng baril si Alejandro at Uzi ang napili n'ya, malapit na s'yang malagutan ng hininga pero pinipigilan pa rin n'ya ang kan'yang paghinga na para bang nasa ilalim s'ya ng dagat.

Hinila s'ya ni Alvarez papasok sa isa pang silid at nakahinga s'ya ng maluwang. Muntik na s'yang malagutan ng hininga.

“ Ayos ba? ” Nakangising sabi nito. “ Now we need to find Three and get out of here! ” Anito at umiling s'ya.

Umakyat sila sa itaas at sinalubong sila ng mga CIA personnnel, pinagbabaril nila ang mga ito hanggang sa mamatay lahat.

“ Hindi ba mauubos-ubos ang mga 'to? ” Alejandro whine and Alvarez laugh.

“ Suicide 'tong ginawa natin, hindi lang naman iisa ang CIA unit, maraming branches ito baliw at sa mga oras na 'to ay parating na ang mga kasamahan nila kaya kailangan nating makaalis kaagad rito! " Bulalas nito at nagmamadaling umakyat sa ikalawang palapag.

May nadidinig silang mga naglilipanang helicopter at fighter jet sa labas at alingawngaw ng mga patrol cars.

“ Ito na ang sinasabi ko sa'yo! ” Natatawang sabi nito at naiiling na lamang s'ya.

“ Isa 'tong kabaliwan! ” Sigaw n'ya rito.

“ Oo, sisihin mo 'yang Marden mo puta! ” Anito habang inaasinta ang mga paparating na kalaban. Nang makarating sila sa third floor ng unit ay nagkalat ang mga patay doon at sa wakas ay nakita na nila si Marden, nakatayo sa gitna ng hallway at puno ng dugo ang katawan nito. Kaagad s'yang tumakbo at niyakap ito.

“ Inang pag-ibig 'yan, mamaya na kayo magkantutan! ” Sigaw ni Alvarez. “ Let's get out of here! ”

Hinila n'ya si Marden at nagtungo sila sa fire exit. Marami ng nakaabang na mga pulis at sundalo sa baba.

“ May naisip ako! " Aniya.

Hinila nila ang tatlong bangkay ng kalaban papasok sa isang kwarto at nilock ito. Conference room pala ang napasukan nila. Dali-dali nilang hinubad ang kanilang mga damit at isinuot ang mga uniporme ng nakabulagtang CIA personnel. Hinila nila ito papasok sa banyo at nilock ito. Casual silang lumabas ng silid at nag-iwas ng tingin sa mga sundalo na nakakasalubong nila.

“ Where are you going?! Clear the area! ” Dinig nilang sabi ng isa sa CIA military personnel.

“ But Sir we are wounded Sir! ” Giit ni Alvarez at nag salute rito.

“ Okay, you can go now and seek medical attention! ” Sabi nito at lihim na napangiti si Alvarez.

“ As you order Sir! ”

Nag blend sila sa CIA military personnel na kakulay ng uniporme nila at pasimpleng bumaba at nagtungo sa labas ng gate. Sumabog ang kabuuan ng unit at kamuntik na silang mabagsakan ng dingding mabuti na lang at mabilis silang nahila ni Alvarez.

“ What the fuck! ” He exclaimed in surprised and Alvarez laugh.

****************************************************

“ Akalain mo 'yon, muntik na tayong ma toasted bread lahat! ” Natatawang sabi ni Alvarez habang nagmamaneho ng sasakyan.

“ That was madness. ” Ani Alejandro habang yakap-yakap ang ngayo'y wala ng malay na si Marden. “ I will never do that ever again! ” Aniya at tumawa si Alvarez.

“ You proved to me that you deserve him more than any women in the world. ” Ngiting sabi ni Alvarez sabay kindat. Napailing si Alejandro at ipinilig n'ya ang ulo n'ya sa braso ni Marden.

“ I guess we're just lucky. "

“ How many shots he got! ” Dali-dali n'yang hinubad ang damit nito at binilang ang tama ng bala sa katawan nito.

“ Sampo lahat! ” He exclaimed wearily at napalunok na lamang s'ya habang pinagmamasdan ang sugat nito sa katawan.

“ Konte lang 'yan! Check mo ang pulso. ” Anito at chineck n'ya ang pulso nito.

“ Mahina na ang pulso n'ya at kailangan natin s'yang madala sa hospital.” Tarantang sabi n'ya.

Natawa si Alvarez.

“ Baliw ka ba?! ” Aniya at natauhan s'ya sa sinabi n'ya. “ Ako ang bahala sa bebelabs mo. ” Nakangising sabi nito at huminga s'ya ng marahas.

“ I trust you Alvarez. ” Aniya at ngumiti ang loko. Huminto sila at lumipat sa ibang sasakyan.

Chasing The Bullet ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon