Special chapter

31 1 0
                                    

Special Chapter

𝗠𝗮𝗿𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 nagulat at natuwa sa pagbalik uli ni Alejandro sa Santa Muerte. After he has been missing for many years ay nakita nila s'yang muli. Walang sinayang na sandali si Alejandro at humarap s'ya sa tito Mauricio n'ya. Natuwa ito nang makita s'yang muli pero nawala ang ngiti sa mga mukha nito nang makita nito ang kasama n'ya na walang iba kundi si Marden.

“ Tito, nais kong magpaalam sa inyo ng maayos dahil ako ay aalis na sa Baryong ito kasama si Marden at doon na kami titira sa Los Angeles. ” Pormal n'yang saad sa tito n'ya at yumuko s'ya. Nadinig n'ya ang paghinga nito ng marahas at niyakap s'ya.

“ Bueno, hindi kita mapipigilan kung 'yan ang nais mo pamangkin ko pero pwede naman kayong manirahan dito kasama 'yang.... esposo mo, sigurado ka na ba talaga d'yan sa gusto mong mangyare? " Saad nito at kumalas sa pagkakayakap sa kan'ya.

“ Salamat po tito pero buo na ang desisyon ko. ” Ngiting sabi n'ya rito at tumango ito.

“ Bueno, humayo kayo at mag-ingat kayo palage. Tanggapin mo ang munting regalo ko sa'yo pamangkin ko. ” Anito at ngumiti s'ya.

“ Ano ho 'yon? ”

“ Limang-daang bilyon. ” Anito at umiling s'ya.

“ Huwag na po tito, may sapat na pera naman po ako. ” Giit n'ya rito.

“ Tanggapin mo ito bilang regalo ko sa'yo, at sana kung saan man kayo titira, huwag n'yong kalimutang dumalaw rito paminsan-minsan. ” Anito at hinalikan s'ya sa noo.

“ Aalis na po kami tito, maramibg salamat sa lahat. ” Buong paggalang na sabi n'ya rito at hinalikan din n'ya ito sa noo.

“ Hijo. ” Tawag nito kay Marden. “ Ingatan mo sana ang pamangkin ko. ” Anito at tumango si Marden.

“ Handa kong ialay ang aking buhay para sa kan'ya tito. Patawad sana sa lahat ng nagawa kong kasalanan sa inyo. ” Buong paggalang na sabi ni Marden.

“ Ang nakaraan ay lumipas na, huwag na nating balikan ito, mamuhay tayo sa kasalukuyan at maghanda para sa kinabukasan. Pinatawad na kita Hijo. ” Ngiting sabi ni Mauricio at hinalikan ang noo ni Marden. Nag-aalangan s'yang halikan din ito.

Umalis na sila sa mansyon at nagpunta sa bahay ni Alejandeo kung saan nag-aabang ang kan'yang mga insan. Nagulat s'ya nang makitang naka impake na din ang mga ito.

“ Sasama ako. ” Sabi ni Jamerson.

“ Ako rin! ” Sabi din ni Rowela.

“ Sama na din ako. ” Sabi naman ni Julian.

“ Sama din kami! ” Sabay sabi ng limang kambal at nagulantang s'ya.

“ Te-teka! Nagpaalam na ba kayo kay tito?! ” Bulalas n'ya sa mga ito.

“ Oo! ” Sabay sabi ng lahat at umiling na lamang s'ya.

Lumabas mula sa kwarto si Violeta at may kasamang batang lalaki na kahawig n'ya.

“ Tita sino 'yan? " Takang tanong n'ya.

“ Anak mo, iniwan ni Ivory rito dahil hindi na raw n'ya kayang alagaan. Parang nag-iwan lang ng basahan dito. ” Anito at nanumbalik ang alaala n'ya kay Ivory. One of his lover. May anak pala s'ya rito at ngayon lamang n'ya nalaman.

“ 'Yan ba ang tatay ko? ” Tanong ng bata at tumango si Violeta. Tumakbo sa kan'ya ang bata at niyakap s'ya nito. Niyakap din n'ya ito at kinarga.

“ You just looks like me! ” Bulalas n'ya rito at sumimangot ito.

“ Alangan namang magmana ako kay Jamerson, ikaw ang tatay ko eh. ” Anito at natigilan s'ya.

Tawanan

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing The Bullet ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon