Chapter 19

14 0 0
                                    

𝗣𝗮𝗴𝗽𝗮𝘀𝗼𝗸 ni Andriano sa kanilang bahay ay kaagad s'yang sinalubong nina Adriano, Andreas at Andro. Si Andrius ay parang tuod lamang na nakatayo sa gilid ng sofa. Nilapitan n'ya ito at niyakap s'ya nito.

" Welcome home again. " Bati ni Andrius.

" Hi-hindi ka galit sa akin? " Napapantastikuhang tanong n'ya rito.

" Magagalit lang ako kapag hindi ka na uuwi. " Ngiting sabi nito at naiyak s'ya.

" Total kumpleto na tayo. Maglaro tayo ng langit-lupa! " Suhestyon ni Andreas and they all agreed.

" Sige ikaw na ang taya! " Sabi ni Andrius sabay tungtong sa sofa. Nagtatawanan sila habang naglalaro, sa tanang buhay n'ya ay ngayon lamang s'ya sumaya uli ng ganito.

" Ang daya n'yo, bumaba kayo d'yan sa hagdanan! " Andreas exclaimed in annoyance. " Magbibilang ako hanggang lima! "

Samantala, lihim na napangiti si Alejandro habang pinapanood ang mga insan n'ya 𝙄 𝙜𝙪𝙚𝙨𝙨 𝙩𝙝𝙚𝙮 𝙣𝙚𝙫𝙚𝙧 𝙜𝙧𝙤𝙬 𝙪𝙥. Hindi man sila nagkakasundo sa lahat ng bagay ay kailangan nila ang isa't-isa at ayaw n'yang mangyare na magkahiwalay silang magkakapatid.

Naalala n'ya ang sinabi ni Marden na aalis ito ngayong araw kaya dali-dali s'yang umuwi ng bahay at binuksan ang garahe nila. Pinaandar n'ya ang kan'yang motor at pinuntahan si Marden sa bahay nito. 𝙎𝙖𝙣𝙖 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙥𝙖 𝙨'𝙮𝙖 𝙣𝙖𝙠𝙖𝙖𝙡𝙞𝙨! 𝙆𝙖𝙞𝙣𝙞𝙨!

Huminto s'ya sa tapat ng bahay nito at kaagad na bumaba ng motor at kumatok sa pintuan. Bumukas ang pinto at bumungad sa kan'ya si manang Ivy.

" Si Marden? "

" Nakaalis na kaninang madaling araw. " Sabi nito at nanlumo s'ya.

" Alam mo ba kung saan s'ya banda nakatira sa Italy? Is he even Milano? Sicilian--- "

" Hindi ko alam. Ang alam ko lang uuwi na s'ya patungong Italy at hindi na babalik pa. " Sagot nito.

" Sige manang salamat. " Aniya at pinigilan n'ya ang kan'yang sarili na huwag magpadala sa emosyon n'ya.

Pinaandar n'ya ng mabilis ang motor n'ya at parang nawala s'ya sa katinuan. Gusto n'yang sundan ito pero hindi n'ya alam kung saang lupalop ito hahagilapin. Pinihit n'ya ng mariin ang selinyador ng motor at animo'y lilipad na s'ya sa sobrang bilis ng pagpapatakbo n'ya. Nakarating s'ya kaagad sa bahay nila at pumasok sa loob. Pabagsak ang katawan na umupo s'ya sa sofa at nagpakawala s'ya ng sunod-sunod na buntong-hininga.

" Okay ka lang ba Al? " Tanong ni Jamerson na hindi n'ya nakita o namalayang nakaupo din pala ito sa sofa. Tumango s'ya at huminga ng malalim.

" Okay lang ako, i'm just manic. Salamat. " Sagot n'ya rito.

" Talaga lang ha? " Napatda s'ya nang magsalita si Paulina na katabi lang din n'ya.

" Invisible yata tayo, hindi n'ya tayo nakita. " Sabi naman ni Rowela na nasa harapan n'ya pala at nakaupo sa pang isa pang sofa. Inilagay n'ya ang mga kamay n'ya sa mukha n'ya papunta sa ulo n'ya.

" Kumain na ba kayo? " Sabi n'ya sa mga ito.

" Kakakain lang natin kanina ah, sabay pa nga tayo ni Andriano. Ano bang nangyare sa'yo at parang nasa ibang dimension yata ang utak mo? " Sagot ni Jamerson at napailing s'ya.

" Pasensya na, sa daming problema na iniisip ko parang nababaliw na talaga ako. " Aniya sa mga ito.

" Magpahinga ka na muna kase, ba't gala ka ng gala? " Sabi ni Jamerson at tumango-tango s'ya.

Chasing The Bullet ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon