Chapter 9

16 1 0
                                    

Pababa na ng daanan ng mansyon si Alejandro ng makasalubong n'ya si Julian ang insan n'yang magaling mag magic, kaya ang bansag sa kan'ya sa lugar na ito ay " Julian the magician. "

“ Kumusta Hulyo? ” Ngiting bati n'ya rito. Ngumiti din ito at iniyuko ang ulo bilang pagbati.

“ 𝑴𝒖𝒚 𝒃𝒊𝒆𝒏! 𝒀 𝒕𝒖? " Bulalas nito at huminto ito sa harapan n'ya.

“ Ayos lang din, teka saan ka ba galing? ”

“ Ako? Galing ako sa t'yan ng nanay ko. ” Pabirong sabi nito at inikot n'ya ang kan'yang paningin.

“ Kumusta pala ang nobya mong si------” Pinutol nito ang sinabi n'ya.

Si Julian Steelhart ang isa sa pinakamatalik n'yang insan. Magkasing edad lang sila nito at pareho silang may mahaba at wavy na buhok, itim nga lang ang buhok ni Julian at kay Alejandro naman ay may pagka blond. Kulay brown ang mga mata ni Julian samantalang kay Alejandro naman ay light blue pero magkasingtangkad lamang sila. Alam ni Alejandro ang pag-uugali ni Julian at ang mga sekreto nito. Isa na do'n ay ang pakikipagrelasyon nito sa isa sa mga anak ni Emilio dela Vega, si Eliz dela Vega.

“ Okay, galing ako sa karatig bayan because I need to perform some magic. ” Ipinakita nito ang dalawang kamay nito, wala itong hawak na kahit anong bagay. Biglang lumabas sa kung saan sa kamay nito ang isang deck ng playing cards at binalasa ito ni Julian ng maayos.

“ Pick a card. ” Anito at ipinakita sa kan'ya ang lahat ng baraha. 6 of hearts ang napili n'ya. “ Okay, hawakan mo lang 'yan ng mabuti, ilabay mo sa palad mo ang card na nakatalikod. Ang gagawin ko ngayon ay kukuha din ako ng aking card at king of spade ang napili ko. Watch this. ” Inilagay ni Julian ang kan'yang napiling card sa kamay n'ya. “ Sabay nating ihaharap ang mga cards natin in 3.... 2....1 ” Sabay nilang iniharap ang kanilang mga cards at na amaze si Alejandro, ang hawak n'yang card ay napalitan na ito ng king of spade at ang baraha na hawak nito ay napalitan ng 6 of hearts.

“ Ginulat mo naman ako do'n. ” Natatawang sabi ni Alejandro. 𝘽𝙖𝙠𝙖 𝙠𝙖𝙨𝙚 𝙠𝙖𝙥𝙖𝙜 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙖𝙠𝙤 𝙣𝙖𝙜𝙠𝙪𝙣𝙬𝙖𝙧𝙚𝙣𝙜 𝙢𝙖 𝙖𝙢𝙖𝙯𝙚𝙙 𝙖𝙮 𝙢𝙖𝙜𝙩𝙖𝙩𝙖𝙢𝙥𝙤 𝙞𝙩𝙤.

“ Grabe ba? Ang galing ko talaga! ” Bulalas nito.

“ Oo naman. ” Napakagat sa pang-ibabang labing sabi n'ya rito at napasimangot ito. 𝙉𝙖𝙠𝙪 𝙡𝙖𝙜𝙤𝙩

“ Nagkunware ka lang naman na nagustuhan mo ang magic ko. ” Anito at umiling s'ya.

“ No it was good! ” Pangungumbense n'ya rito.

“ Alam ko kung kailan ka nagsasabi ng totoo at hindi. ”

Ang pagkagat ng labi labi kase ni Alejandro ay nagpapahiwatig na meron s'yang bagay na itinatago o hindi sinasabi. Nakasanayan na n'ya ito kaya alam na ni Julian kung kailan nagsisinungaling at nagsasabi ng totoo si Alejandro.

“ Hindi, maganda nga 'yong ginawa mo pero insan naman, since we're still young, ipinakita mo na sa akin lahat ng magic tricks mo. ” Napakamot sa ulong paliwanag ni Alejandro. Yumuko si Julian at bumuntong-hininga.

“ Alam ko naman, ang gusto ko lang naman ay magpasaya ng mga tao. ” Ani Julian at ngumiti s'ya.

“ Ano ka ba, makita lang kitang naging successful sa buhay, masaya na ako. ” Ani Alejandro at lumawak ang ngiti sa mga labi ni Julian.

“ Oo isa na akong professional magician! Hina-hire na ako sa iba't-jbang event o okasyon! ”

“ O kita mo na, ang layo na ng narating mo, dati tinatawanan ka pa ng iba nating insan dahil napaka-slowhands mo mag magic, pero ngayon, singbilis na yata ng kidlat ang mga kamay mo. ”

Chasing The Bullet ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon