Chapter 11

16 0 0
                                    

𝗡𝗮𝗴𝗶𝘀𝗶𝗻𝗴 si Alejandro sa tugtog ng nakakaayang ritmo ng musika sa pandinig n'ya. Pumikit s'ya saglit at napangiti nang maalala n'ya ang sonatang 'yon, Debussy's Claire de Lune na madalas tinutugtog ng kan'yang ama tuwing nagpia-piano ito. Bigla n'yang naalala ang masaklap na sinapit nito at ng kan'yang ina. Hindi n'ya alam kung guni-guni ba lamang n'ya ang nadinig n'yang tugtugin o may nagpatugtog talaga rito. Bumalikwas s'ya ng bangon, naiwan palang nakaawang at hindi naisara ng maayos ang pintuan ng kwarto n'ya, dumungaw s'ya sa ibaba and to his surprise, nakita n'ya si Adriano na nagpia-piano, panaka-naka'y sumusulyap ito sa music sheet. Ni minsan ay hindi pa n'ya nakitang humawak ito ng kahit na anong instrumento. Bumaba s'ya at kaagad s'yang nakita nito.

“ 𝑩𝒖𝒐𝒏𝒈𝒊𝒐𝒓𝒏𝒐! ” Bati nito sa kan'ya at tumigil na ito sa pagtugtog.

“ Magandang umaga rin. ” Namamaos na sabi n'ya rito.

“ Did I wake you up? ”

“ No, not really, ang pinatugtog mo kanina ay isa sa paborito ni papa, ang Debussy kaya-----”

“ Pardon my friend. ” Adriano pleaded.

“ No, it's okay, kailan ka pa pala natutong mag-piano? ”

“ Ngayon lang. ” Casual na pagkakasabi nito na ikinagulat n'ya.

“ Seryoso ka? ” Hindi makapaniwalang sabi n'ya rito.

“ Yup, I don't know how but I just read the notes and follow the right key. ”

“ You are unbelievably genius. ” Aniya rito at umiling ito.

“ Are you okay now? ” Concern na tanong nito.

“ No uhmm, can you play the Debussy once more? ”

“ Of course! ” Anito at nagsimula uli itong tumugtog. Umupo s'ya sa tabi nito.

Habang nakikinig s'ya sa tugtugin ay naalala n'ya ang kan'yang mga magulang. Ang mga masasayang alaala n'ya sa mga ito at nagsimula na namang maglandas ang luha sa kan'yang mga mata. 𝘼𝙠𝙤 𝙣𝙖 𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙣𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙢𝙖𝙩𝙖𝙮 𝙖𝙩 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙨𝙞𝙡𝙖
Pumikit s'ya at nakikita n'ya ang masasayang sandali ng buhay n'ya kasama ang kan'yang mga magulang. every corner of the house reminds him of his beloved parents.

Dumaan pa ang mga araw, hindi pa rin maibsan ang lungkot na kan'yang nadarama. Tiningnan n'ya ang kan'yang sarili sa salamin. Parang hindi na n'ya kilala ang sarili n'ya. Pumayat s'ya ng husto at humaba ang balbas n'ya.

Bumukas ang pintuan ng kwarto at bumungad sa kan'ya sina Jamerson, Paulina at Rowela at may dalang pagkain ang mga ito. Inilapag nila ang kanilang dalang pagkain sa mini table.

“ 𝑫𝒊𝒐𝒔 𝒎𝒊𝒐 insan, anlaki na ng ipinayat mo! ” Hindi makapaniwalang sabi ni Paulina at hindi n'ya ito pinansin. ” Pinabayaan mo na talaga ang sarili mo. ” Anito at bumuntong-hininga s'ya.

“ Oo nga naman insan, tingnan mo nga 'yang mukha mo parang pinaglipasan na ng panahon. Mukha ka ng señor citizen. ” Sabi naman ni Rowela.

“ Akala mo s'ya, parang hindi gurang na sinto-sinto. ” Sabi ni Jamerson kay Rowela. Umingos si Rowela.

“ FYI, sa ganda kong 'to, pwede na akong maging isang sikat na fashion model o artista! ” Buong pagmamalaking sabi ni Rowela. As a matter of fact, Rowela is very elegant and beautiful. Kaya nagtataka ang mga tao sa paligid nila dahil wala pa itong naging kasintahan. Well the answer is, men can't handle her tantrums and childish behavior.

“ Anong sikat na fashion model? Ulol! Bagay kang modelo sa electricfan dahil ang hangin mo magsalita. ” Ani Jamerson kay Rowela.

“ Hoy lalaking asungot, ikaw naman model sa dagat, mukha kang pusit! ” Giit ni Rowela kay Jamerson.

Lihim na napangiti si Alejandro at naibsan ang sakit na kan'yang nadarama. Isa sa mga na miss n'ya sa mga ito ay ang bangayan nina Jamerson at Rowela.

“ Gwapong pusit period! ” Bulalas ni Jamerson.

Hinila ni Paulina si Alejandro palayo kina Rowela at Jamerson.

“ Kumusta na pala ang pakiramdam mo? ” Tanong ni Paulina.

Bumuntong-hininga si Alejandro.

“ Ito, masakit pa rin tanggapin na wala na sila. ” Saad ni Alejandro at umupo sa gilid ng kama at nag-iwas ng tingin kay Paulina.

“ Kumain ka na Leandro, gusto mo subuan pa kita sa pagkain kung gusto mo , kumain ka lang. ” Paulina said with a pleading eyes and hold his hands.

“ Kakain ako kung kailan ko gusto. ” Alejandro said firmly.

“ Kailan pa naging matigas 'yang kukuti mo? ”

Buntong ang hiningang tumayo si Alejandro at naglakad patungo sa mini table. Sa isang iglap lang ay naubos lahat ng pagkain na nasa mesa na ikinagulat nina Rowela.

“ Gusto mo pang kumain, dadalhan pa kita rito? ” Tanong ni Jamerson at umiling si Alejandro.

“ Iwanan n'yo na lang ako rito kung maaari. ” Saad ni Alejandro at umiling si Paulina.

“ Dito na muna kami dahil napagkasunduan naming lilinisin ang kwarto mo. ” Giit ni Paulina at tumango s'ya ng bahagya.

“ Pinakain ko na din si Knight, mukhang na miss ka nga no'n eh. ” Ani Jamerson at tumango uli s'ya.

“ Salamat sa inyo, salamat sa walang pag-intindi at pag-aalaga sa akin, hindi n'yo na dapat ginawa ang lahat ng 'to pero salamat. ” Emosyonal na pagkakasabi ni Alejandro.

“ Teka teka! Iiyak ka na naman eh! ” Bulalas ni Jamerson.

“ Nandito lang kami para sa'yo Leandro! ” Ngiting pagkakasabi ni Rowela.

” Hindi ka namin pababayaan. ” Sabi uli ni Rowela.

( Debussy's Claire de Lune is playing )

“ S'ya nga pala, Sina Julian, Victor at Lucian ay nasa baba. Ayaw nilang umakyat dahil ayaw nilang isturbuhin ka. ” Sabi pa uli ni Rowela. Alejandro just nod expressionless and lifeless.

Kumunot ang noo ni Alejandro nang madinig n'ya ang tugtugin na Balad pour Adeline. Dumungaw s'ya sa ibaba at nakita na naman n'ya si Adriano na nagpia-piano, ang bilis kumilos ng mga kamay nito na para bang sanay na sanay na ito sa kan'yang ginagawa. Mamaya pa ay ginulo ito ni Edward na kakarating pa lamang. Nakita s'ya kaagad ni Edward at kumaway ito sa kan'ya. Nakita n'ya sina Victor, Lucian at Julian na wari'y may seryosong pinag-uusapan habang nakaupo ang mga ito sa sofa. Ayaw n'yang bumaba at gusto lamang n'yang magkulong sa kan'yang kwarto.

Pumasok uli s'ya sa kan'yang kwarto at hindi pa rin tapos magbangayan sina Jamerson at Rowela at nakikisali na rin sa kanilang mainit na diskusyon si Paulina.

“ Tumahimik na nga kayo, hindi kayo nakakatulong sa problema eh. ” Suway ni Paulina kina Jamerson at Rowela. Naiiling na pumasok sa banyo si Alejandro upang maligo at ng mahimas-himasan s'ya.

Kasabay ng agos ng tubig ay ang pag-agos ng mga luha n'ya na hindi n'ya mapigilan. Pilitin man n'yang supilin ang nararamdaman n'ya ngunit kusa itong pumipintiho sa kan'ya. Sinuntok n'ya ng makailang ulit ang dingding ng banyo at dahan-dahang napaupo sa gilid habang nagpatuloy sa pag-iyak.

Chasing The Bullet ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon