Prologue

336 5 0
                                    

TAHIMIK LAMANG SI Alejandro habang nagbabasa ng libro sa may salas sa umagang yon nang biglang bumukas ang malaking pintuan ng bahay at bumungad sa kanya si Jamerson. Tinaasan nya ito ng kilay at pinandilatan lamang sya nito. Walang paalam na nagtungo ito sa ref at kumuha ng makakain. Bumalik ito sa salas at tumabi sa kanya.

" Ano ba yang binabasa mo? " Tanong nito habang panay lamon ng sausage.

" Huwag ka ng magtanong di ka din naman mahilig magbasa ng libro. " Aniya rito.

" Saan si Rowela? " Kunot-noong tanong nito.

He close the book and put it in the center table.

" Bakit? Miss mo sya ano? " He said in a accusing tone.

" Luh hindi ,  nagtatanong lang eh. "

' Sumama kay mama sa Maynila. "

Nakahing ito ng maluwag.

" Hay salamat. " Anito at natawa sya.

"  Bakit ayaw mo sa kanya? Bagay naman kayo eh. "

" Luh gago to , basta ayoko sa kanya tapos. "

Tumango siya at ngumuso.

" Baka sya talaga ang para sayo. " Aniya rito at bumakas ang pagkadisgusto sa mukha nito.

" Luh hindi , kahit sya na lang ang natitirang babae sa mundo never ko syang papatulan. "

Natawa na lamang sya at naiiling.

" Baka mamaya , tatandang binata ka n'yan. " Aniya rito.

" E bakit ikaw? "

" O bakit ako? " Tinaasan nya ito ng kilay.

" Oo bakit wala ka pang syota? "

" I am demiromantic and almost asexual.  " Natawang sabi nya rito.

" Demiromantic? " Kunot ang noong tanong nito.

" Yup , ibig sabihin , hindi ako ma-iinlove sa isang tao kung wala kaming strong emotional connection. " Sagot nya rito.

" Ah ganon pala yon. "

" Eh yong sexual? Means kantotero? "

" Asexual yon. " Natawang sabi nya rito. " Asexual , a person that lack of sexual interest or attraction to other people. " Sagot nya rito. "

" Eh baka tatandang binata ka rin nyan , naku sayang yang itsura mo. "

Natawa sya sa sinabi nito.

" Ang pangit ko kaya. "  Naiiling na sabi nya rito.

" Pangit daw o , pa humble pa ang puta , eh  palit nalang kaya tayo ng mukha. "

Umiling sya sa sinabi nito.

" Ayoko nga , baka mamaya papatayin ako ng mga pinagkakautangan mo. " Birong sabi nya rito.

Natigilan ito saglit sa pagkain.

" May pera ka dyan? Pahiram naman ,  papalitan ko din pag nakaluwang na ako. " Anito at bumuntong-hininga sya.

" At kailan mo pa ako binayaran sa mga hiniram mong pera sakin a ver? " Natatawang sabi nya rito.

Napakamot ito sa ulo.

" Hayaan mo babawi din ako sayo. "

" Naku kahit wag na ,  aanhin mo na naman ang pera? "  Tanong nya rito at  yumuko ito.

" Magbabayad sana ng utang kay Manang Cindy. "

" Yan , nalulugi ang tindahan nya ng dahil sayo eh. Magkano ba ang utang mo sa kanya? "

Chasing The Bullet ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon