Chapter 24

16 0 0
                                    

𝗛𝘂𝗺𝗶𝗻𝘁𝗼 si Alvarez sa loob ng abandonadong building.

“ Walang maligno dito o multo? " Napakurap-kurap na sabi n'ya rito at natawa ito.

“ What are you talking about? Don't you know that the creepy place is the safest place? ”

“ Hindi pa rin ako kumbinsido. ” Aniya rito at napanguso ito.

“ Tara, umakyat na tayo. ” Anyaya nito.

Tumingin s'ya sa paligid at wala talaga s'yang makita na kahit anong bakas ng ibang nilala doon. Umakyat na sila sa hagdanan papunta sa ikalawang palapag. Nakailang palapag muna sila sa pag-akyat bago sila huminto.

“ There, ando'n 'yong room ko banda. " Anito naglakad sila sa marumi at maalikabok na hallway ng ikapitong palapag ng building.

Pumasok sila sa isang silid at wala s'yang nakitang kama doon. Puro sofa lang pero malinis pa ang mga ito. Nakita n'ya ang isang maliit na maleta doon na pagmamay-ari ni Alvarez.

“ How did you find this place? " Takang tanong n'ya rito.

“ Ang una kong hinahanap kapag nasa isang misyon ako ay ang mga ganitong klaseng lugar. I don't know but gusto ko lang. ” Anito at tumango s'ya.

“ Paano tayo makakatulog rito? ”

“ Syempre sanayan lang. ” Natawang sabi nito. Kakaiba talaga si Alvarez, ito 'yong tipong may galit na pala sa iyo ng hindi mo nalalaman. Masayahin kase ito.

“ Paano tayo maliligo at kakain rito? ” Tanong uli n'ya rito.

“ Sa ngayon hindi muna tayo kakain at maliligo. ” Seryosong sabi nito at napailing s'ya. Naalala n'ya ang sinabi ni Marden na nakakaya nitong tiisin ang gutom nito ng dalawang linggo.

“ Kumain ka kaya, ang payat mo na. ” Aniya rito at natawa ito.

“ Ayoko, may rapid metabolism kase ako kaya kahit anong kain ko hindi na lalaki ang katawan ko. ” Anito.

“ Nagugutom na ako. ”

“ May pera ka ba? ”

“ Wala. ” Anito at natawa ito.

“ Bawal magutom kapag walang pera. ” Saad nito at napailing s'ya.

“ Kuripot mo. ”

“ In order to survive, you need to endure your hunger, you need to control your thoughts from wanting it. ”

“ I am not like you. I am not a superhuman or something. ”

“ Okay, since andami mong reklamo, lilipat na lang tayo sa hotel, ano masaya ka na? " Natatawang sabi nito at lihim s'yang nasiyahan sa sinabi nito.

“ Hay salamat. ”

“ Pero bayaran mo ako sa lahat ng expenses balang araw ha? Hindi ako mayaman. ” Anito at tumango s'ya.

“ Kahit doble pa. ” He said and rolls his eyes in annoyance.

“ Good! ” Alvarez exclaimed.

“ Naalala ko lang, hindi ba sabi mo dati membro ka ng gang? ”

“ Oo , membro naman talaga ako ng Black Rosary gang or Black Rose sa South California bandang Tijuana bago ako napadpad sa Pilipinas. Ang leader ng grupong 'yon ay mag-asawa, itinuring nila akong anak at kanang kamay nila. Hindi na nga ako nakakabalik do'n. Miss ko na ang mga Hermanos ko. ”

“ Ah kaya pala ang lakas ng kapit mo. ”

“ Hindi rin. ”

“ Mayayaman ba ang mga membro no'n? "

Chasing The Bullet ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon