Chapter 12

14 0 0
                                    

𝗡𝗮𝗶𝘀𝗶𝗽𝗮𝗻 ni Alejandro na lumabas muna ng bahay alas 3 ng madaling araw para maglakad-lakad sa hindi matinong direksyon upang makapag-isip. Naisip n'yang kung palage n'yang ikukulong ang sarili sa kalungkutan ay mas lalo lamang n'yang pinahihirapan ang sitwasyon.

Sa kanyang paglalakad ay hindi n'ya namalayang may sumusunod pala sa kan'ya. Nang makaramdam si Alejandro na parang may sumusunod sa kan'ya ay napahinto s'ya, mabuti na lang at may dala s'yang baril at sa anumang sandali ay nakahanda na s'yang bumunot. Luminga-linga s'ya sa paligid. Walang ng katao-tao roon.

" Magpakita ka sa akin! " Sigaw n'ya sa hindi matinong direksyon.

May nakita s'yang anino ng tao sa kaliwang bahagi sa madilim na sulok ng daan at naalarma s'ya, wari'y nagmamasid ito at nag-aabang sa kan'ya. Binunot n'ya ang kan'yang silver baller at pinaputukan ng ilang beses ang bahaging 'yon hanggang sa maubos ang bala nito. Dahil nakalimutan n'yang magdala ng extra magazine ay itinago n'ya uli ang kan'yang baril.

" Kung sino ka man magpakita ka sa akin! Huwag kang duwag at labanan mo ako ng mano-mano! " Nagtatagis ang bagang na sigaw n'ya. " Kung gusto mo ng patayan pagbibigyan kita! "

Naglakad s'ya palapit sa kinaroroonan ng aninong nakita n'ya. Sa mga sandaling 'yon ay wala ng pakialam si Alejandro sa posibleng mangyare sa kan'ya. Hinanap n'ya ang aninong 'yon at pilit na inaaninag ng kan'yang mga mata ang kasulok-sulokan ng lugar pero nabigo s'yang hanapin ito dahil sa sobrang dilim, nakalimutan n'yang magdala ng flashlight kaya napamura na lamang s'ya sa inis at galit. Lingin sa kan'yang kaalaman na nasa malapit lang pala n'ya ang aninong sumusunod sa kan'ya , mabilis itong kumilos pero maingat, at sa anumang oras ay pwede s'ya nitong sunggaban at patayin pero nag-aalinlangan ito. Palihim itong lumayo kay Alejandro.

Ng walang nakita ay nakapagdesisyon si Alejandro na umuwi na lamang. Sa isip n'ya ay baka guni-guni lamang n'ya ang kan'yang nakita.

𝗛𝗮𝗯𝗮𝗻𝗴 pabalik sa kan'yang hide-out ang misteryosong tao ay minura n'ya ang kan'yang sarili. Nagawa na sana n'yang patayin ang lalaki kanina pero bigla s'yang nakaramdam ng awa. Hindi n'ya alam kung bakit, sanay na s'ya sa kan'yang ginagawa at hindi na mabilang sa dalire ang kan'yang napatay pero bakit ngayon lamang s'ya nakaramdam ng awa sa tanang buhay n'ya? Nagtatagis ang bagang na nagpatuloy sa paglalakad ang lalaki.

****************************************************

Humiga na lamang si Alejandro sa kama n'ya at pinilit n'yang makatulog.

Hapon na ng magising si Alejandro, masakit ang kan'yang sentido at nakaramdam s'ya ng labis na pagkagutom. Napatingin s'ya sa mini table at tulad ng dati ay may nakalagay na na mga pagkain doon. Animo'y bilanggo s'ya kung tutuusin dahil palage lamang s'yang nakakulong sa silid na iyon. Tumayo s'ya at tiningnan ang kan'yang sarili sa salamin. Ang laki na ng pinagbago ng katawan n'ya. Pumayat pa s'ya lalo at lulalim ang kan'yang mga mata dahil sa eyebugs. Mas lalong pumuti ang balat n'ya at nagmimistula na s'yang bampira dahil sa sobrang kaputian n'ya. Pumasok s'ya ng banyo upang maligo at mag-ahit na rin, makapal na kase ang balbas n'ya sa mukha. Bigla na namang sumagi sa isipan n'ya ang nangyare sa magulang n'ya. Paulit-ulit na lang sumasagi sa isipan n'ya ang coffee shop na itinayo ng mga magulang n'ya at ipinangalan sa kan'ya. Alejandro groans and gritted his teeth in so much frustration. Umupo s'ya sa sahig at sumandal sa dingding. Sumigaw s'ya ng malakas upang ilabas ang nararamdaman n'ya. Para bang nababaliw na s'ya o unti-unting nawala sa katinuan. Lumabas s'ya ng kwarto na nakahubo't-hubad at kinuha ang kan'yang baril nakalapag lamang sa sofa.

" Ako na lang sana ang namatay! " Sigaw n'ya. " Wala akong kwentang anak! " Pumikit s'ya at kinalabit ang gatilyo ng baril habang nakatutok ito sa ulo n'ya.

Mabuti na lang at wala pala itong bala kaya hindi s'ya namatay. Buo na sana ang desisyon n'yang kitlin ang buhay n'ya pero himalang nakaligtas s'ya sa tiyak na kamatayang ninanais n'ya.

Chasing The Bullet ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon