Chapter 27

9 0 0
                                    

𝗗𝗮𝗵𝗮𝗻-𝗱𝗮𝗵𝗮𝗻𝗴 pumasok si Alejandro sa kwarto kung saan ginawa ang surgery, pagpasok n'ya ay namangha s'ya sa lawak at laki ng kabuuan nito. Puro puti ang kulay ng dingding, kisame at sahig ng kwartong 'yon, pati ang mga upuan at mesa. Mga dekorasyon at designs ay kulay puti din na ipinagtataka n'ya. Para bang pumasok s'ya sa pintuan patungong langit. Hinanap n'ya si Marden pero hindi n'ya ito nakita kaagad.

“ Nakalimutan ko pa lang sabihin sa'yo, this is a sort of laboratory. ” Alvarez muttered and he give him a side glance. “ Sa loob ng kwartong ito ay may mga kwarto o facilities pa. ”

“ Where is Marden? ”

“ Follow me. ”

Pumasok sila sa isa sa mga kwarto doon at nakita n'ya si Marden na walang malay habang nakahiga ito sa patient bed , may nakakabit na kung ano-anong wires at aparato sa buong katawan nito at may bendahe ito sa ulo. Payapa ang mukha nito habang natutulog. Hinaplos n'ya ang mukha nito at nagulat s'ya dahil nag spark ang kamay n'ya. May mahinang boltahe ng kuryente ang bumabalot sa katawan nito. Tumaas ang heart rate nito sa holter monitor na ikinakaba pa n'ya.

“ Huwag kang mag-alala, hindi nakakamatay ang kuryenteng 'yan. 'Yan ang patunay na may spark talaga ang pag-iibigan n'yo. ” Alvarez muttered and laugh.

“ Okay lang kaya s'ya?! ” He asked in horror while looking at Marden.

“ Oo naman, wag kang masyadong praning. ”

“ Kailan ba s'ya magigising? ”

“ God knows when. ” Anito na ikinabahala n'ya.

“ 'Yong totoo? ”

“ Ewan ko, depende 'yon. ”

“ Saan na 'yong Surgeon? ”

“ Umalis, may ibang pasyente 'yon ano ka ba. ”

“ So iniwan lang n'ya si Marden dito ng ganon-ganon lang? ”

“ May dalawang nurse naman na nagbabantay sa kan'ya, nasa monitoring room sila. ” Anito at bumuntong-hininga s'ya.

“ Pwede ko bang bantayan s'ya dito? ”

“ Okay lang. Basta wala munang kuwan ha! ” Natatawang sabi ni Alvarez at siniko n'ya ito sa dibdib at napangiwi s'ya. Kunwaring napaungol si Alvarez.

“ Bakal ba 'yang katawan n'yo?! ”

“ Hindi, mag gym ka kaya. ” Anito at pinandilatan n'ya ito.

“ Sa payat mong 'yan nag ge-gym ka? ” Hindi makapaniwalang sabi n'ya rito.

“ Oo naman, may personal training gym ako rito, nag-eensayo ako minsan kapag bored ako. ”

“ Ta-talaga? Ba-bakit hindi lumalaki ang katawan mo? ”

“ Sinadya ko talagang hindi palakihin ang katawan ko para makakakilos at makakagalaw ako ng maayos. Nag-eensayo lang ako ng mix martial arts, 'yon lang. ” Alvarez chirp.

“ Kaya pala ang galing mong makipag-away, may konteng alam ako sa taekwando at wushu kaya lang hindi na ako nag-eensayo, tamarin kase ako. ” An'ya at tumawa ito.

“ Sa pakikipaglaban, bilis, liksi at tatag ng katawan ang kailangan mo. ” Anito.

“ Kulang pa talaga ako sa karanasan pero sapat na 'yong natuto akong gumamit ng baril. Kahit ang pinakamagaling yata na martial artist ay bala lang ang katapat. ” Aniya at natawa na naman ito.

“ Talaga?! Subukan mo akong barilin. ” Anito at binigyan s'ya ng baril. Kumunot ang noo n'ya.

“ Ba-bakit ko gagawin 'yon? ”

Chasing The Bullet ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon