Chapter 18

16 0 0
                                    

𝗡𝗮𝗴𝗹𝗮𝗸𝗮𝗱-𝗹𝗮𝗸𝗮𝗱 si Alejandro sa hindi n'ya mawaring direksyon, hinayaan n'ya lamang ang kan'yang mga paa na dalhin s'ya sa kan'yang destinasyon. Habang naglalakad s'ya ay nakatingin s'ya sa kawalan at nag-iisip ng malalim. 𝘼𝙡𝙡𝙚𝙨 𝙞𝙨𝙩 𝙨𝙤 𝙨𝙘𝙝𝙣𝙚𝙡𝙡 𝙥𝙖𝙨𝙨𝙞𝙚𝙧𝙩, 𝙚𝙨 𝙛𝙪𝙝𝙡𝙩 𝙨𝙞𝙘𝙝 𝙖𝙣, 𝙖𝙡𝙨 𝙬𝙪𝙧𝙙𝙚 𝙞𝙘𝙝 𝙣𝙪𝙧 𝙚𝙞𝙣𝙚 𝙎𝙚𝙠𝙪𝙣𝙙𝙚 𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙞𝙩 𝙙𝙚𝙣 𝘼𝙪𝙜𝙚𝙣 𝙗𝙡𝙞𝙣𝙯𝙚𝙡𝙣, 𝙪𝙣𝙙 𝙬𝙚𝙣𝙣 𝙞𝙘𝙝 𝙢𝙚𝙞𝙣𝙚 𝘼𝙪𝙜𝙚𝙣 𝙤𝙛𝙛𝙣𝙚, 𝙞𝙨𝙩 𝙖𝙡𝙡𝙚𝙨 𝙚𝙞𝙣𝙛𝙖𝙘𝙝 𝙥𝙖𝙨𝙨𝙞𝙚𝙧𝙩. ( 𝘼𝙣𝙜 𝙗𝙞𝙡𝙞𝙨 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙥𝙖𝙣𝙜𝙮𝙖𝙮𝙖𝙧𝙚, 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙠𝙤𝙣𝙜 𝙥𝙪𝙢𝙞𝙠𝙞𝙩 𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙜𝙡𝙞𝙩 𝙖𝙩 𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙙𝙞𝙡𝙖𝙩 𝙠𝙤 𝙖𝙮 𝙣𝙖𝙣𝙜𝙮𝙖𝙧𝙚 𝙣𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙡𝙖𝙝𝙖𝙩. ) Napakatahimik ng paligid na para bang naninibago s'ya sa panahon. Pakiramdam n'ya tuloy ay natapos na ang gabing lumukob sa pagsikat ng araw. Na tila ba'y ngayon lamang s'ya nakaramdam ng labis na kapayapaan sa kan'yang puso at isipan.

Humalukipkip s'ya at nagpatuloy sa paglalakad at sa hindi mawaring kadahilanan ay napahinto s'ya nang mahagip sa kan'yang mga mata ang isang simple at eleganteng bahay na pagmamay-ari ni Ivy Ramirez. Meron s'yang hinanap sa paligid at hindi n'ya kaagad ito nakita. Naglakad s'ya papunta sa pintuan ng bahay at nag-aalangan na kumatok.

" Tao po. " He knock the door gently. He clears his throat and sigh. Maya-maya pa ay bumukas ang pintuan. Halatang nagulat si Ivy nang makita s'ya nito sa hindi inaasahang pagkakataon.

" A-anong kailangan mo señorito Alejandro? " Nakayukong tanong nito.

" Si Ma-marden. " Tipid na sabi n'ya na pinamulahan n'ya ng pisngi.

" Marden ba ka mo? " Takang tanong nito at tumango s'ya.

" Te-teka. Tatawagin ko muna. " Anito at kaagad na pumasok sa loob. Maya-maya ay lumabas ang lalaki na naka shorts lamang at wala itong suot na damit pang-itaas. Natigilan s'ya nang makita ang mabalahibong katawan nito. May tattoo ito sa dibdib na arabic words. Hindi s'ya nakakaintindi ng sulat na Arabic pero nakakaintindi naman s'ya sa lenggwahe nila.

" Ma-magsuot ka nga ng damit. " Napalunok na sabi n'ya rito. Kumunot ang noo nito sa sinabi n'ya at nakalimutan n'yang hindi pala ito nakakaintindi ng Tagalog.

𝑽𝒂𝒊 𝒂 𝒊𝒏𝒅𝒐𝒔𝒔𝒂𝒓𝒆 𝒍𝒂 𝒄𝒂𝒎𝒊𝒄𝒊𝒂. ( Magsuot ka ng damit. )
" Aniya rito.

" 𝑶𝒌, 𝒑𝒆𝒓𝒅𝒐𝒏𝒂𝒎𝒊. ( Okay, pasensya na. ) " Anito.

Bumalik ito sa loob at pagbalik nito ay nakasuot na ito ng itim na t-shirt. Hindi n'ya alam kung bakit nagsisi s'ya sa ginawa.

" Ca-can we talk? " Casual na pagkakasabi n'ya.

" What kind of talking do you want? " Pabalik na tanong nito sa kan'ya. Nag-isip s'ya ng isasagot pero wala s'ya talagang maisip. 𝘼𝙣𝙤 𝙣𝙜𝙖 𝙗𝙖?

" Anything that you want to. " Ngiting sabi n'ya rito.

" Okay. " Marden stare him blankly.

" So, can we go for a walk? " He said while raising his brows. 𝘼𝙣𝙤 𝙗𝙖 𝙠𝙖𝙨𝙚 𝙩𝙤𝙣𝙜 𝙜𝙞𝙣𝙖𝙜𝙖𝙬𝙖 𝙠𝙤? Naguguluhan na tumango ito.

" Fine. " Tipid na sagot nito at lihim na nagtatalon ang puso n'ya sa tuwa. Habang naglalakad sila ay katahimikan ang namayani sa kanilang pagitan. Panaka-naka'y sinusulyapan n'ya ito. Mas matangkad pala s'ya rito ng konte, kulot ang buhok nito na bumagay naman sa gwapong mukha nito na mukhang suplado.

Chasing The Bullet ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon