Chapter 8

19 1 0
                                    

𝗧𝗮𝗻𝗴𝗵𝗮𝗹𝗶 na nang magising si Alejandro. Bumalikwas s'ya ng bangon at nagpunta kaagad s'ya sa banyo upang maligo. Nasapo n'ya ang kan'yang sentido ng biglang sumakit ito. Bigla n'yang naalala ang nangyare kaninang madaling araw at napailing s'ya. He turn on the shower and allow the cold water to refresh his mind and body. He close his eyes while his hands are leaning in the wall. He heave a breath while trying to control his thoughts that surging from his temporal lobe.

Pagkatapos n'yang maligo ay nagtempla kaagad s'ya ng kape. Tahimik ang kabuuan ng bahay , pagbaba n'ya ay walang katao-tao doon. Tiningnan n'ya ang mga nakatakip na pagkain sa mesa. Isa-isa n'yang binuksan ang mga takip at napakunot ang kan'yang noo. 𝙊𝙢𝙚𝙡𝙚𝙩, 𝙨𝙖𝙪𝙨𝙖𝙜𝙚, 𝙝𝙤𝙩𝙙𝙤𝙜...𝙋𝙖𝙣𝙘𝙖𝙠𝙚, 𝙘𝙞𝙣𝙣𝙖𝙢𝙤𝙣 𝙧𝙤𝙡𝙡....𝙗𝙚𝙚𝙛 𝙨𝙩𝙚𝙖𝙠..... 𝙋𝙖𝙣𝙙𝙚𝙨𝙖𝙡? Naalala n'ya kaagad ang kan'yang tita Violeta, s'ya lang naman kase ang mahilig maghanda ng gano'n karaming pagkain tuwing agahan at hapunan.

“ Kumain ka na ng agahan, isabay mo na rin ang tanghalian, pasado ala una na. Mukhang napaaga yata ang tulog mo. ” Anang pamilyar na boses sa kung saan. Lumingon s'ya sa pinanggalingan ng boses at nakita n'ya ang kan'yang tita Violeta na kakalabas lang galing sa kusina.

“ 𝑩𝒖𝒆𝒏𝒂𝒔 𝒅𝒊𝒂𝒔 𝒕𝒊𝒂, sina mama at papa ba asan? ” Tanong n'ya rito.

“ Nasa coffee shop. ” Sagot nito at tumango-tango s'ya.

“ Si James? ”

“ Aba'y ewan ko do'n umalis na, niyaya ko munang mag-agahan pero ayaw kumain. ”

“ Sina Paulina at Rowela? ”

“ Nasa farm, nagpunta kina mama. ” Anito at may bigla s'yang naalala. Dali-dali n'yang inubos ang kan'yang kape at akmang lalabas na sana s'ya ngunit....

“ Hoy, maghugas ka muna ng plato bago lumabas. ” Ma awtoridad na sabi nito at napakamot na lamang s'ya sa ulo at kapagkuwa'y nagtungo sa kusina.

“ Magbihis ka na rin bago lumabas ng bahay baka mahiya ang mga taong makakita sa'yo at hindi ikaw, nakasando ka lang at boxer 𝒕𝒐𝒏𝒕𝒐. ” Ani pa nito at tigilan s'ya. 𝙊𝙤 𝙣𝙜𝙖 𝙥𝙖𝙡𝙖 𝙯𝙚𝙢𝙗𝙚𝙧𝙜𝙪𝙚𝙣𝙨𝙖, 𝙨𝙩𝙪𝙥𝙞𝙙𝙖! Sabi n'ya sa isipan at bumuntong-hininga s'ya 𝙉𝙞𝙩𝙤𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙣𝙖𝙜𝙙𝙖𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙧𝙖𝙬 𝙥𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜 𝙙𝙞𝙨𝙩𝙤𝙧𝙩𝙚𝙙 '𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙪𝙩𝙖𝙠 𝙠𝙤 His mind is disturb by something he cannot explain. Hindi n'ya mawari kung ano ang nangyare kan'ya. 𝙏𝙝𝙞𝙨 𝙞𝙨 𝙗𝙖𝙙, 𝙧𝙚𝙖𝙡𝙡𝙮 𝙗𝙖𝙙 Sa tuwing naiisip n'ya kase ang misteryosong lalaki na 'yon ay nawawala s'ya sa katinuan. Naguguluhan s'ya sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. Naiiling na lamang s'ya habang naghuhugas ng pinggan.

Pagkatapos n'yang hugasan ang mga pinggan ay umakyat s'ya sa itaas patungo sa kwarto n'ya upang maghanap ng masusuot. Simpleng itim na t-shirt at maroon shorts lang ang napili n'yang suotin. Paglabas n'ya ng bahay ay dumiritso s'ya sa likod upang kunin si Knight, ang alaga n'yang kabayo. Inilabas n'ya ito mula sa kwadra at inayos ang renda ni Knight, dinilaan s'ya nito sa mukha at natawa s'ya

“ 𝒀𝒂 𝒗𝒂𝒔𝒕𝒂! Tumigil ka nga Knight! ” Aniya at bahagyang itinulak ang mukha nito.

. Dumukot s'ya ng panyo sa bulsa n'ya at pinunasan ang kan'yang mukha.

“ Alam kong na miss mo ako, pasensya ka na ha kung hindi kita palageng nadadalaw rito. ” Aniya rito at hinalikan n'ya ito sa noo.

Sumakay s'ya sa likuran nito at Sinipulan n'ya ito at tumakbo kaagad ito ng napakabilis.

Chasing The Bullet ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon