Chapter 14

15 0 0
                                    

𝗔𝘆𝗮𝘄 ni Alejandro na sumama kay Andrius pero napilitan talaga s'yang sumama dahil ayaw n'ya itong magalit na naman sa kan'ya. Lahat na lang kase ng bagay big deal para rito kaya pumayag s'ya sa kagustuhan nitong dalhin sa Club. Pagpasok nila sa club ay napapikit s'ya dahil sa nakakalulang iba't-ibang kulay ng ilaw na nagmumula sa DISCO lights at sobrang ingay sa loob na para bang masisira ang eardrums n'ya sa lakas ng music. Sumpa talaga para sa kan'ya ang pumasok sa mga gano'ng lugar dahil hindi s'ya sanay rito. Maraming nag-iinuman at nagsasayawan na halos naka hubo't-hubad, naghahalikan, gumagawa ng kahalayan, para bang walang pakialam ang mga ito sa buhay at puro kalayawan lang ang nasa isip.

𝐃𝐞𝐯𝐢𝐥'𝐬 𝐇𝐚𝐯𝐞𝐧, ang nag-iisang club sa Baryo Luna na matatagpuan sa baranggay Santa Muerte na paboritong tambayan ni Andrius at ng iba pa n'yang pinsan. Hindi na s'ya nagtataka kung bakit dahil sa mga nakikita n'ya sa paligid. Ayaw na ayaw n'yang magpunta sa mga gano'ng lugar pero wala na s'yang magagawa, nasa loob na s'ya ng makasalanang lugar na 'yon. Umupo sila sa bakanteng table at umorder ng maiinom si Andrius. Isa pa sa pinakaayaw n'ya ay ang lasa ng alak. Hindi n'ya alam kung bakit sila nag-eenjoy sa pag-inom ng alak samantalang s'ya ay diring-dire sa lasa nito. Pabagsak na inilapag ni Andrius ang isang bote ng beer sa harapan n'ya at natapon ito ng konte sa mesa.

“ Hindi ka naman galit no?! ” Sigaw n'ya rito at ngumisi ito. Nangangalahati kaagad ang bote ng hawak nito samantalang s'ya ay nagdadalawang isip pa na inumin ang bote ng alak na nasa harapan n'ya. Nakipag cheers ito at sinabayan na lang n'ya ang trip nito at uminom na rin s'ya. 𝗔𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗶𝘁 𝗴𝗿𝗮𝗯𝗲 sabi n'ya sa isipan at napangiwi s'ya. Inalok s'ya nito ng sigarilyo at labag sa loob n'yang tinanggap ito. 𝘽𝙖𝙡𝙖𝙠 𝙗𝙖 𝙖𝙠𝙤𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙩𝙖𝙮𝙞𝙣 𝙣𝙞𝙩𝙤? Isa sa pinaka hindi n'ya din gusto ay ang lasa at usok ng sigarilyo. Sinindihan n'ya ang sigarilyong hawak n'ya at humithit ng dahan-dahan. Naubo s'ya dahil aksidente n'yang nalunok ang usok. Tinawanan lamang s'ya ni Andrius. Malikot ang mga matang lihim s'yang nagmasid sa paligid dahil baka may kalaban, pakiramdam n'ya ay may mangyayareng hindi maganda. Biglang nagsigawan ang mga tao sa dance floor at nagkagulo ang mga ito, tumigil sa pagsayaw ang mga ito at pinalibutan nila ang dalawang taong nagsusuntukan. Naghihiyawan ang mga ito at nagpupustahan sa magkabilang panig. Namukhaan n'ya kaagad si Andres, isa sa mga pinsan n'ya dahil nakaharap ito habang nagpakawala ng sunod-sunod na suntok sa kan'yang kalaban. Mabilis at maliksi ang kilos ng kalaban nito at nahihirapan itong makatama rito na mas lalo pang ikinagalit nito. Umugong pa ang hiyawan ng mga tao at isinigaw ang pangalan ni Andres. Pamilyar sa kan'ya ang alindog ng lalaking kalaban ni Andres kahit nakatalikod ito.Tumayo s'ya upang masagot ang namumuong hinala sa isipan n'ya at hindi nga s'ya nagkamali. Bumilis ang tibok ng puso n'ya nang makita n'ya ang lalaking kasuntukan ni Andres. Napalunok s'ya nang napalingon ito sa kan'ya at nagtama ang kanilang paningin. 'Yon ang dahilan kung bakit hindi ito nakailag sa mga sunod-sunod na suntok na pinakawalan ni Andres at bumagsak ito sa lupa. Umugong ang sigawan ng mga taong naroon at itinaas ni Andres ang mga kamay n'ya sa ere at sumigaw din. Akmang tatayo na sana ang lalaki nang sinuntok uli ito ni Andres ng napakalakas
hanggang sa nawalan na ito ng malay. Sinipa at tinadyakan ni Andres ang mukha nito na ikinagalit n'ya sa hindi n'ya malamang kadahilanan. Hindi pa sana titigil si Andres sa pagsipa rito pero animo'y may sariling pag-iisip ang mga paa n'ya at hinarangan n'ya ang ngayo'y walang malay na lalaki at sinalag ang mga suntok ni Andres. Sinuntok n'ya ito sa mukha pero napadaing s'ya sa sakit. 𝘽𝙖𝙠𝙖𝙡 𝙗𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙪𝙠𝙝𝙖 𝙣𝙞𝙩𝙤? Akmang susuntukin na sana s'ya ni Andres pero natigilan ito.

Nagulat si Andres nang makita n'ya si Alejandro at hindi s'ya makapaniwala na makakagawa n'ya ang bagay na 'yon. Ni minsan ay hindi n'ya nakitang nakipagsuntukan ito ni kani-kanino.
“ Alejandro?! ” Gulat na sabi nito.

“ Tama na, baka mapatay mo ang taong 'yan! ” Sabi ni Alejandro at umiling s'ya.

“ Kilala mo ba ang taong 'yan?! ”

Chasing The Bullet ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon