Chapter 28

10 0 0
                                    

𝗗𝗮𝘆 1

Nasa madilim at malawak na kwarto si Alejandro habang isinasagawa ang kan'yang pagsasanay. Naka-blind fold s'ya at pakiramdam n'ya ay pinagti-tripan na naman s'ya ni Alvarez.

“ Kung gusto mong makakita ng malinaw, takpan mo ang mga mata mo at gamitin ang kamalayan mo. ” Anito at umalingawngaw ang boses nito sa kabuuan ng kwarto. “ Use your 5 basic senses, pakiramdaman mo ang paligid mo, gamitin mo ang pandinig at pang-amoy mo, e visualize mo sa isip kung ano ang mga nadidinig at naaamoy mo o kung ano ang nararamdaman mo. ” Sabi nito at nadinig n'ya ang mga yabag nito sa kalayuan. Nawala na ang mga yabag na 'yon.

“ Alvarez nasa'n ka? Huwag mo akong iiwan rito! ” Sigaw n'ya. May alingasngas s'yang nadinig mula sa tagiliran n'ya, sinunggaban n'ya ito pero nawalan lamang s'ya ng balanse at bumagsak sa lupa. Napaungol s'ya sa sakit. May nadinig na naman s'yang kaluskos sa likurang bahagi n'ya at sinunggaban na naman n'ya ito pero nabigo s'ya.

“ Baby. ” Alvarez whispered behind his back and he groans while trying to catch him, nabigo s'yang hulihin ito. Nawala ito, ni hindi man lang n'ya nadinig ang mga yabag nito. May nadinig s'yang bagay na nahulog muna sa kung saan at gumulong ito. Sa lakas ng impact nito ay mahahalintulad ito sa bowling ball. Huminto na ang bagay na 'yon sa paggulong. Biglang may sumuntok sa tagiliran n'ya at napasigaw s'ya sa sakit.

“ Focus on me. ” Umalingawngaw ang boses nito.

Naglakad s'ya papunta sa kinaroroonan ng boses. May sumipa sa t'yan n'ya at napangiwi s'ya sa sobrang sakit. 𝙋𝙖𝙥𝙖𝙩𝙖𝙮𝙞𝙣 𝙗𝙖 𝙖𝙠𝙤 𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙡𝙞𝙬 𝙣𝙖 '𝙩𝙤? “ Empty your mind. ” Nadinig na naman n'ya ito. May kalabog s'yang nadinig sa hindi kalayuan. May nadinig s'yang alingasa sa kanan n'ya at sinuntok n'ya ito pero wala s'yang natamaan. “ You almost hit me baby. ” Alvarez said and chuckle devilishly. Nawala na naman ito.

“ Now sit and relax. ” Nasa malapit lang ito pero dahil sa echo ay nahihirapan s'yang matunton ang kinaroroonan nito.

Umupo s'ya gaya ng sinabi nito at kinalma ang sarili.

“ Now, visualize me while approaching you. ” Anito at ginawa naman n'ya. Pilit n'yang vinisualize ito, ang mukha nito at ang buong katawan nito. He groans when he fail to visualize him. Alvarez kick his chest helplessly while trying to meditate and Alejandro yelp.

“ Don't make any sound or noise and control your breathing. ” Anito at tinanggal n'ya ang takip sa mga mata n'ya sa sobrang inis.

“ Are you trying to kill me?! ” Pabulyaw na sabi n'ya rito.

“ Let's do it again. ” Ma awtoridad na sabi nito at tinadyakan s'ya at napahiyaw s'ya sa sobrang sakit.

“ What the fuck is even that?! ”

“ Bakit hindi ka umilag! ” Galit na sabi nito.

“ Okay sorry pero suko na ako. ”

“ Then forget about him. ” Alvarez said in a cold voice and he is shivering in so much desperation.

“ Okay, let's do it again. ” Aniya at ngumiti ito.

“ Good. ”

𝗗𝗮𝘆 2

“ Ngayon subukan mo akong habulin. ” Nakangising sabi nito Alvarez. The room was filled with oil.

“ Okay. ” Aniya at nagsimula na itong tumakbo ng walang kahirap-hirap sa sahig na puno ng langis. Sinundan n'ya ito pero unang tapak pa lamang n'ya sa sahig ay natumba kaagad s'ya. Sinubukan n'yang tumayo pero nabigo s'ya. Pinapanood lamang s'ya ni Alvarez na natatawa. Sa sobrang inis n'ya rito ay gusto na n'ya itong sakalin. Pinilit n'yang tumayo pero nabigo pa rin s'ya.

Chasing The Bullet ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon