Chapter 4

489 10 2
                                    

Princess' POV
Di ko alam kung isang compliment ba 'yun galing sa kanya. Hindi kasi ako sanay na ganito 'yung pakikitungo n'ya sa kin. Paranoid ka lang siguro ako.

"Why? May nasabi ba kong masama?"

"Nothing. I'm just happy na nagustuhan mo ito para sa kapa— I mean kay Princess."

"Oo nga, 'tsaka salamat sa compliment," sabi ko tapos siya ay nagsmile na lang.

Ysabel's POV
After she said those words nagsmile na lang ako sa kanya, a fake but sweet one and after that I look at the different direction and role my eyes. Duh, as if naman na bagay sa kanya 'yung damit. I think mas bagay 'yun sa akin than hers. Ano bang meron at binigyan ni daddy si Princess ng damit and it looks like ako, wala?

"Halika na, kain na tayo ng dinner," yaya ni daddy tapos ay pumunta na kaming tatlo  sa dining table then nagstart na kaming kumain.

"Um tito, thank you po pala dito sa regalo mo sa akin."

"Wala 'yun."

"Alam mo tito kanina may na-meet akong lalake, mabait s'ya and very approachable."

"Ah talaga. Gwapo ba 'yan?"

"Yes tito."

"So ano? Manliligaw mo?"

"Of course not. Mabait lang s'ya talaga at sa tingin ko ay magiging close kami."

Sige kayo lang mag-usap.

Kainis! Ano ko dito? Hangin?

"Anong pangalan n'ya?"

"Um... Ang pangalan n'ya ay..."

Di ko na s'ya pinatapos magsalita then I just suddenly stand up dahil nakakainis na kasi. Then I started walking away from them.

"Ysabe, are you're done eating?"

"Yes, dad. Nawalan na kasi ko ng gana," I said then give them a smile pagkatapos ay tumaas na ko. That's what I'm good at — faking a smile.

Kainis!

Simula nang dumating 'yan na Princess na 'yan sa bahay na ito, nahati na ang oras ni daddy sa akin. Minsan na nga lang kami magkita ni daddy sa isang taon at ngayon pang bumalik na s'ya dito sa Pilipinas ay pwede na namin sulitin ang oras but it is not happening.

Masaya na sana kaya lang sabit pala ang Princess na 'yan.

Urghh! Kainis!

Princess' POV

"Tito, sa tingin mo ayaw talaga sa akin ni Ysabel?"

"Of course not." He said as he smile to me.

"I hope so."

"Princess. I'm sorry."

"Sorry for what?"

"Sorry sa lahat. Sorry because I become a coward. Kasalanan ko kung bakit ka nahihirapan."

"Tito, pwede bang tumigil ka na sa ka-so-sorry mo kasi mas lalo akong nahihirapan eh? Naiisip ko kasi na parang wala kang kayang gawin para sa akin."

"Princess you know it's not true."

"Alam ko pero tito 'yun ang nararamdaman ko eh. Feeling ko ay hindi ako parte sa pamilyang 'to. Feeling ko isa lang akong malaking epal."

"Princess, bali-baliktarin man natin ang mundo ay parte ka ng pamilyang ito kaya huwag mong isipin na isa kang epal."

"Tito, anak mo lang ako pero kahit kailan hindi ko naramdaman na anak mo ko."

Napayuko siya. "I'm sorry kung 'yan ang nararamdaman mo."

Prissy PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon