Chapter 15

238 9 4
                                    

Ysabel's POV

"Ysabel!"

"Um James alis na muna ako ah," paalam ni Bryan at umalis na.

"Sagutin mo ang tanong ko, James?"

"Yes. Totoo lahat ng narinig mo. Ginamit ko lang si Princess para ipakita sa'yo na hindi lang ikaw ang pwedeng manakit. At ginawa ko rin 'yun para na rin ma-realize mo ang  worth ko sa sa'yo at baka maisipan mong balikan ako." Wika niya sa seryosong boses kaya mas lumapad ang ngiti ko.

 "Tama ka, James. Kung hindi mo siguro niligawan si Princess I will never know your worth to me. I will never know how special you are to me. That I really do love you."

"See. 'Yun 'yung plano ko."

"So tayo na ba?"

"I guess so," sabi ni James kaya naman napangiti talaga ako.

"You don't know how happy I am," sabi ko at niyakap siya, naramdaman ko namang yumakap rin siya pabalik sa akin.

Mga ilang segundo ay bumitaw na kami sa yakap ng isa't isa.

"So paano na si Princess?"

"Don't worry. Makikipagbreak naman na ako sa kanya eh."

Tumango ako. "Glad to hear that."

James' POV

After nung nangyari kahapon ay medyo naguilty, mali nagui-guilty talaga ako. Wala namang ginawa si Princess pero ito pa ang isusukli ko sa kanya.

"Hey! Nakikinig ka ba sa akin James?" Sa paglingon ko ay nakita ko ang mala-anghel na mukha ni Princess.

I hate to hurt her.

"Ah, oo naman. Sige ipagpatuloy mo na ang sinasabi mo."

"No. Tell me , James. May problema ka ba?"

"Problema? Wala ah."

"Eh may sakit ka ba?"

"Wala rin."

"You sure?"

"Oo naman. Bakit mo ba natanong?"

"Paano kasi parang lutang ka eh. Ano bang iniisip mo?"

"Wala 'to promise."

"Sigurado ka?"

"Oo. Promise," sabi ko tapos niyakap niya ako.

Napakasinungaling ko talaga kahit kelan. 

"Basta pag may problema ay sabihin mo agad sa akin okay?"

"Oo. Sasabihin ko na po sa'yo."

Ysabel's POV

Nakita ko na nakayakap si Princess kay James.

Ok. Huwag kang magseselos, Ysabel.  Tandaan mo, ikaw ang mahal ni James, hindi ang prissy princess na yan. Always remember that.

Sa'yo si James, Ysabel kaya huwag kang magseselos. Pero kahit anong gawin kong pagpapaunawa sa sarili ko ay nagseselos pa rin ako.

Oo nga't girl friend ako ni James pero secret naman hindi tulad ni Princess na public.

Princess' POV
Another day, the day of my birth. I should be happy. Halos lahat nang kahilingan ko ay natupad na maliban na lang sa magkaayos kami ni Ysabel at nang matanggap niya sa oras na malaman niyang magkapatid kami.

"Happy birthday, Princess," bati sa akin ni tito.

"Thanks tito," sabi ko at ngumiti.

"Mamaya ay isama mo si James nang makapagcelebrate tayo ng birthday mo."

Prissy PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon