Princess’ POV
“Ano ba naman 'yan, Princess?”
“Galing-galingan mo naman. Wala ka man lang sa kalahati ng score ko eh.”
“Pasensya na po, sir. Sa hindi ako pinagpala rito.”
“Sabagay, sabi nga nila ibigay man ng Panginoon lahat sa’yo ay meron pa ring hindi mo kayang gawin o hindi ka magaling.”
“Oo na. Kahit kailan naman talaga ay mapanglait ka eh,” sabi ko at winalkoutan ko si James.
“Princess. Sorry na. Hindi na ullit kita lalaitin,” sabi nito nang makahabol sa akin pero hindi ako umimik.
“Kausapin mo naman ako oh,” Pagpupumilit niya pero hindi ko pa rin siya kinakausap. Ang saya niya kasing pagtripan eh.
Nandito kasi kami sa world of fun ng MOA at 'yung kanina ay naglalaro kasi kami ng basketball at itong si James ay ang taas ng points at ako ay hindi man lang nagkalahati sa points niya. I mean hindi pala nag-one-fourth man lang at kung makapanglait naman siya ay nakakainis. Heto siya ngayon at pinipilit akong kausapin siya.
“Ayaw mo talaga kong kausapin ah,” sabi niya at umalis sa tabi ko.
Pumunta siya sa may karaoke at kinuha ang mike.
“Pwede bang tulungan niyo kong lahat na makumbinsi 'yung girlfriend kong kausapin ako?” Sabi nito sa mike at napatingin naman sa kanya ang mga tao.
“Ayun 'yung girlfriend ko oh,” sabi niya at tinuro ako.
“Ang ganda niya, di ba? Kaya lang hindi niya ako kinakausap kasi nilait ko raw siya. Mababa lang kasi 'yung nakuha niyang points dun sa basketball.”
“Patawarin mo na 'yan, miss,” wika ng isang babae.
“Ang swerte mo naman miss at may boyfriend kang katulad niya kaya kung ako sa’yo ay patawarin mo na siya.”
“Bagay pa naman kayo kaya patawarin mo na 'yang boyfriend mo.”
Ilan lamang 'yan sa mga naririnig kong sinabi nila.
Nakita kong bumaba na siya at lumakad papunta sa akin.
He smirked at me. “Paano ba 'yan? Lahat sila gusto na nilang patawarin mo na ko kaya please kausapin mo na ko 'tsaka 'yung kanina ay panlalambing ko lang naman 'yun sa’yo. Kaya huwag ka ng magtampo,” sabi niya nang makalapit na sa akin.
“Oo na. Panalo ka na. Hindi naman talaga ako galit sa’yo eh.”
“Sus. Gusto mo lang namang gawin ko 'yung ginawa ko sa’yo kanina eh.” Panunukso niya pa.
“Feeling ka ah. Hindi kaya,” sabi ko at pinalo ko pa siya.
“Sige, hindi na kung hindi.”
Tumango ako. “Good.”
“Um James laro tayo roon oh,” sabi ko at tinuro ko naman ang dance revo.
“Naku, Princess! Ikaw na lang. Promise hindi naman kita iiwan eh.”
“Sige na nga,” sabi ko at tumungo na ako dun sa dance revo at nagsimula ng sumayaw.
Ang saya talaga nito. Grabe! Ka-enjoy naman nito.
James’ POV
Pinagmamasdan ko lang siya habang sumasayaw siya. Halatang-halata sa kanya na nageenjoy siya kaya't napapangiti na lamang ako sa nakikita ko.
“Tingnan mo pare oh.”
“Alin?”
“Yung babaeng sumasayaw dun sa dance revo. Ang ganda niya 'tsaka sexy.”
“Oo nga eh.”
“Pormahan ko kaya,” sabi nung lalakeng kakapassok pa lang dito.
Napakuyom na lang ang kamay ko dun sa narinig ko. Akmang pupuntahan na niya si Princess kaya naman hinigit ko siya.
“Bakit ba?” iritang tanong nito.
“Sana naman tol pumili ka naman ng popormahan mo.”
“Bakit ba? Kaano-ano mo ba magandang babaeng 'yun?” Tanong nito habang tinuturo si Princess.
“Girlfriend ko lang naman siya kaya kung ako sa’yo a lubayan mo siya.”
“Pasensya na pero syota mo pa lang naman hindi pa asawa kaya pwede pa.”
“Aba’t gago ka ah!” sabi ko at sinuntok siya.
“James,” rinig kong sigaw ni Princess at pinuntahan ako.
“Tarantado ka ah!” Sabi nito at kwinelyohan ako.
“Naku, sir! Tama na po. James, halika na,” sabi ni Princess habang hinigit ako pero hindi matinag ang masamang tingin namin nung lalake sa isa’t-isa hanggang sa mahigit na ako ni Princess palabas dun.
“Ano ka ba naman at nakikipag-away ka dun!” Wika ni Princess habang nakapamaywang.
“Sa gusto ka pa atang pormahan nung lalakeng 'yun eh.”
Nagbuntong hininga siya. “Sana hindi mo na lang sinuntok.”
“Sa badtrip ako sa kanya eh.”
Umiling siya. “Ewan ko sa’yo.”
Ysabel’s POV
Nandito ko sa MOA dahil may bibili na akong pangregalo para sa Christmas party namin. At pangregalo na rin sa mga taong malapit sa akin tulad nila William, James at dad. Kahit naman nag-aaway kami ni dad ay mahal ko pa rin naman siya.
Naglalakad-lakad ako nang may makita akong couple at halatang ang saya-saya nila.
Magkasama si Princess at James at hakatang ang saya-saya nila habang pumipili ng mga bibilin. Parang nawala lahat ng saya ko at napalitan ng inggit at selos.Hindi ko na kaya ang nakikita ko kaya naman umalis na lang ako kaagad dun.
Naalala ko 'yung mga panahon kung saan nasasaktan ako tuwing makikita ko ang dalawa.
Princess’ POV
Gabi na kaya naman hinatid na ako ni James.
“Salamat,” sabi ko sa kanya ng nakangiti
“Salamat din.”
“Sige, bye. See you tomorrow na lang,” sabi ko with habang kumakaway sa kanya.
“Wala man lang bang kiss?” Tanong niya at nagpout pa.
“Wala. Sige umuwi ka na.”
“Aw wala na nga akong kiss pinaalis pa niya ako,” sabi niya at nag-arteng nasasaktan pa, iyong nakahawak sa dibdib.
“Sige na kasi. Alis na. Shoo shoo,” sabi ko habang tinataboy siya.
“Sige na nga. Bye,” sabi niya ng nakangiti at pumasok na sa sasakyan niya at pinaharurot na iyon.
Pagpasok na pagpasok ko ay nakasalubong ko si Ysabel. Nagkatinginan kami ng ilang seconds pero siya naman ang unang bumawi ng tingin at naglakad na paalis.
“Oh, kumusta ang date?” tanong sa akin ni tito nang nakangiti
“Okay naman po." I smiled. "Sige taas lang ako.”
“Sige na nang makapagpahinga ka na,” sabi nito at tumaas na ako.
Ang saya saya ko talaga ngayon at sana araw-araw na itong kasiyahan ko. Kung talagang in love na talaga ko kay James ay sana wala ng maging dahilan upang magkalabuan kami at sana rin matanggap na ako ni Ysabel nang masabi na ni tito ang totoo sa kanya. 'Yun lang ang Christmas wish ko. Sana matupad.
BINABASA MO ANG
Prissy Princess
Novela JuvenilYsabel Garcia grew up to get anything that she wanted. She also has almost all what a person could ask for; a loving father, natural beauty, excellent grades, fame and popularity. However, everything changes when she met Princess Monteros, a lady wh...