Chapter 1

929 18 3
                                    

Ysabel’ POV
Nagbabasa ako ng libro rito sa kwarto nang biglang kumatok si yaya.

“Ysabel.” Sabi ni yaya habang kumakatok.

“Yaya, bukas 'yan.” Sabi ko dahilan upang pumasok na si yaya.

“Ysabel, bumaba ka bilis.”

Kumunot ang noo ko. “Why?”

“Basta. May surpresa ko sa'yo,” nakangiting sabi ni yaya kaya bumaba na ako.

“Yaya, ano ba yung surpresa mo sa akin?” tanong ko nang may biglang may nagtakip sa aking mga mata.

“Yaya, hindi nakakatawa. Ano ba kasi 'yun?” naiinis kong tanong.

“Yaya?” tanong ng tao na nagtakip ng aking mga mata ko.

It was a voice of a man. Sandali, na-recognize ko ang boses niya, parang boses ni…

“Daddy!” sabi ko sabay harap kay daddy at yinakap siya ng mahigpit.

“Namiss kita dad.” Sabi ko tapos bumitaw na ko sa kanya.

“Ba’t di man lang kayo nagsabi na uuwi kayo para naman nakapagluto kami ni yaya?”

“Syempre. Gusto kong masurpresa ang prinsesa ko.”

“Dad naman kasi eh. Na-miss kita tapos nagtampo pa ko sa'yo kasi sabi mo di ka makakauwi ngayon.” Nagtatampo kong sabi.

“Ysabel, ang mahalaga nandito na si daddy.”

“Dad talaga.” naiiyak ko pa ring saad tapos niyakap ko ulit siya. Sobra ko kayang na-miss si daddy.

Makalipas ang ilang ay segundo tinanggal ko na ang pagkakayakap ko sa kanya.

“May isa pa kong surpresa sa'yo.” Nakangiti niyang wika.

“Ano yun?” tanong ko at may biglang pumasok na babaeng di ko naman kilala.

Who is she?

“Ysabel, siya nga pala si Princess. Anak siya ng naging kaibigan ko sa LA.” Pagpapakilala ni daddy habang nakangiti sa'kin 'yung Princess kaya ngumiti din ako sa kanya ng nag-aalangan.

Bakit pa siya dinala rito ni dad? I'm confused.

Makalipas ang ilang minuto ay nasa hapag-kainan na kami para kumain.

“Eh dad dito ba talaga siya titira sa bahay natin?”

“Ysabel, namatayan siya ng magulang kaya tulad nung pinangako ko sa mommy niya ay ako ang mag-aalaga sa kanya. Bakit ayaw mo ba sa kanya?”

“Ysabel, kung ayaw mo sa akin ok lang naman eh. Maghahanap na lang ako ng ibang mapupuntahan.” Nakangiting wika ng Princess.

Bakit ba siya laging nakangiti?

“Of course not. Sino bang nagsabi na ayaw ko sa'yo? Ang totoo na-shock lang talaga ko na dito ka titira. Di kasi ako sanay na may kasama rito sa bahay na hindi ko naman kilala.”

“Gusto ko kayong maging malapit na magkaibigan,” nakangiting sabi ni daddy.

“Oo nga naman, Ysabel. Magandang ideya 'yun, Ba’t di tayo maging magkaibigan?” Tanong niya ulit nang nakangiti.

“Of course, we can.” Sagot ko sa kanya at ngumiti ulit ng nag-aalangan.

Princess’ POV

"I have giving you everything then you just fool me, Dorothy!" Galit na sabi ni daddy kay mommy na may nakatutok na baril.

"I'm so sorry, Alberto. I didn't intend to cheat on you. Please do forgive me," pagmamakaawang sabi ni mommy pero hindi siya pinakinggan ni daddy instead he pull the trigger of his gun.

Prissy PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon