Chapter 10

264 9 4
                                    

Princess' POV

It's been a week since nangyari ang maladramang sagutan namin ni tito at Ysabel. Well, masasabi ko ngayon na mas lumala ang pagtrato sa akin ni Ysabel. Mas pinaparamdam niya sa akin na ayaw niya talaga sa akin. Pinagsasawalang bahala ko na lamang iyon.

Si tito naman ay hindi ko na rin siya masyadong kinakausap. Oo pa naman pero hindi na tulad ng dati ang pakikisama ko sa kanya. You cannot blame me. Nasaktan ako eh.

"Ba't ata ang lalim ng iniisip mo?"

"Ah wala lang 'to noh."

"Anong wala?"

"Um James, pwedeng tanungin kita?"

"Oh sige. Ano 'yun?"

"Paano kung isang araw malaman mo na may kapatid ka pala sa labas? Anong mararamdaman mo?"

"Kung malaman ko man 'yun matutuwa ako. Tagal ko na kayang pinangarap magkaroon ng kapatid. Siguro sa ibang tao magagalit sila, di rin naman natin sila masisi dahil 'yun naman 'yung nararamdaman nila eh. Hindi naman natin 'yun mababago. Bakit mo nga pala natanong?"

"Um 'yung binabasa ko kasing libro. 'Yung bida may half sister. Curious lang ako sa pwedeng maging reaksyon niya pag nalaman niya 'yung totoo."

"Ikaw talaga," sabi nito sabay gulo nung buhok ko.

"Huwag na nga. Nagugulo 'yung buhok ko eh."

"Sus. Kahit naman magulo 'yan eh maganda ka pa rin naman."

"Sus, bola."

"Bakit? Hindi ka ba naniniwala na maganda ka?"

"Naniniwala."

"Yun naman pala eh."

"James tanong ko lang ulit."

"Hmm?"

"Anong nagustuhan mo sa akin?"

"Simple lang. Dahil mabait ka 'tsaka iba muna ang iniisip mo bago ang sarili mo. Handa ka rin tumulong kung may maitutulong ka."

"Ganun. Hindi mo ko nagustuhan dahil maganda o matalino ako?"

"Isa 'yun sa mga factor pero konting percent lang. Bakit?"

"Yung mga suitors ko kasi dati kapag tinanong ko 'yun 'yung sagot nila."

"Princess, ibahin mo ko sa kanila dahil ako hindi panlabas na kaanyuan ang tinitingnan ko."

"Sige. Kung ganun sinasagot na kita."

"Saan?"

"Ay ang slow mo. Bahala ka na nga," sabi ko then tumayo na ko galing sa pagkakaupo ko sa grass.

"Ito naman. Di na mabiro." Sabi nito habang pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak ng braso ko.

"Sorry na. Di ko na uulitin. Na-gets ko naman. Iniinis lang kita."

"Ganun," sabi ko nung humarap na ko sa kanya,

"Pero masaya talaga ko ngayon dahil sinagot mo na ko," sabi nito sa akin ng nakangiti,

"Ako rin masaya dahil alam kong deserving ka," sabi ko rin rito ng nakangiti.

Ysabel's POV

Kitang-kita ko at rinig na rinig ko ang kanilang mga pinaguusapan. Kitang kita ko kung gaano kasaya si James ng sinagot siya ni Princess.

Hanggang kailan mo ba aagawin ang lahat sa akin?

Umalis na ko dahil hindi ko na kaya.

"Oh Ysabel. Ano ang nangyari sa''yo?"

Prissy PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon