Chapter 20

259 12 5
                                    

Ysabel's POV

"Buti naman at magkasundo na kayo."

"Oo nga eh. Maraming salamat talaga William ah. Kung hindi dahil sa'yo ay hindi ko ma-re-realize 'yung mga pagkakamali ko."

"Ok lang 'yun."

"Oo nga naman William salamat dahil nahimasmasan na 'tong si Ysabel at nakipagbati na sa akin."

"Ano namang sabi ni tito ng malaman niyang bati na kayo?"

"Oh, magkasama kayo at nagtatawanan pa. Sabihin niyo nga sa akin, may hindi ba ako nalalaman?"

"Dad, huwag kang ma-sha-shock ah," sabi ko at tumango na lang si Princess habang nakangiti.

"Ano 'yun?"

"Bati na kami ni Princess/Ysabel," sabay na sabi namin ni Princess.

"Sandali nga. Nag-bu-buffering pa #."

"Dad naman eh," sabi ko.

"Hindi nga? Bati na talaga kayo?"

"Oo nga po. Kahit tanungin niyo pa si Princess eh."

"Princess?" tanong ni dad kaya naman tumango na lamang si Princess.

"Sabi ko sa'yo dad."

"When? How?"

"Masyadong mahabang paliwanagan dad eh. Let's just say na na-realize ko na 'yung mga mali ko."

"Buti naman. So ano hug niyo nga ako mga anak," sabi ni dad kaya naman niyakap siya namin ni Princess.

"Syempre masaya si dad dahil nagkabati na kami ni Princess."

"Sana magtuloy tuloy na 'yan at hindi na kayo mag-away."

"Syempre naman. Mahal ko kaya 'tong si Princess."

"Sus. Mahal daw." Wika ni Princess.

"Syempre mahal kita. Kapatid kita eh."

"Oo na nga."

James' POV

Nakaupo ako ngayon sa canteen at nag-is-snack kasama si Ysabel.

"Nakita ko kayo nila Princess at William na magkasama kanina."

"Then?"

"Nagtataka lang ako dahil hindi naman kayo magkasundo ni Princess 'tsaka hindi naman kayo nagpapansinan ni William."

"Well, maniwala ka man sa hindi James ay ok na kami ni William lalong-lalo na ni Princess." Nakangiti niyang sipi.

Kumunot ang noo ko. "Paano nangyari 'yun?"

"I just realize my mistakes then nakipag-ayos na ako."

"Eh kami kailan kaya kami magkakaayos."

"Duh," she rolls her eyes. "Paano kayo magkakaayos, you're not even trying to reach to her?" sabi nito dahilan upang mapatingin ako sa kanya.

"You know what James. Try to give a little effort para naman patawarin ka ng kapatid ko "

"Pero paano kung hindi niya tanggapin 'yung sorry ko."

"In life don't be afraid to take rejections, James 'tsaka isa pa ay mapapatawad ka nun. Ako ngang napakarami ng mali ang ginawa ko ay napatawad niya, ikaw pa kaya."

"Magkaiba tayo. Kapatid ka niya at ako..."

"At ikaw ang mahal niya. I-try mo lang. At least show her na nageffort ka. Ipakita mo sa kanya na you're really sorry for what you've done," sabi ni Ysabel dahilan upang mapatungo ako dahil alam kong totoo lahat ng sinabi niya.

Prissy PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon