Chapter 13

252 9 1
                                    

Princess' POV

Sa ngayon ay Christmas party namin. Magkakasama kami nila Ysabel at William sa party na ito dahil magkaclassmate kami, hindi tulad ni James na nasa ibang section siya eh.

" Ang hiling ng prinsesa ay panyong puti," sabi ni ma'am at nagpainunahan na  silang makapunta kay ma'am.

"Para sa finale. Ang hiling ng prinsesa ay ang unang makapagdala ng kanyang kaibigang lalake," sabi ni ma'am at pagkasabi na pagkasabi nun ni ma'am ay hinigit ko na si William palapit  kay ma'am.

"Mukhang meron na tayong winner and it is Princess! Siya nga pala Princess, bakit si William ang naisip mong dalhin dito?"

"Ah kasi po siya talaga ang kauna-unahan kong naging kaibigan ng bagong lipat pa lamang ako at nasakto namang lalake siya."

"So here's your prize."

"Thank you po," sabi ko at kinuha na ang prize. Actually ay mug ito and it was super duper cute.

***
Nang matapos na ang party ay nagkita kami ni James  sa rooftop para ibigay ang regalo namin sa isa't-isa.

"Here. Regalo ko sa'yo," sabi ko then ibinigay ko na ang box na may pulang ribbon tapos kinuha naman na niya.

"Salamat," sabi niya at binuksan na ang laman. Siya naman ay nakatitig lamang dito.

"Alam kong hindi siya ganun tulad ng mga regalo ng ibang tao na napakamahal kung magregalo. Hindi mo rin kayang bigyan man lang ng halaga dahil pagnakain mo na ay wala na rin pero the thoughts that counts naman, di ba? Wala kasi akong maisip na pwedeng i-regalo sa'yo dahil halos lahat naman ay nasa iyo na kaya naman naisipan na lang kitang ipagbake ng cupcakes."

"Ano ka ba! This is the best gift I ever recieved dahil galing 'to sa'yo at alam kong pinaghirapan mo 'to. Ni ayaw ko na nga itong kainin dahil ang kyu-kyut nila at may sentimental value pa,"  sabi niya dahilan upang mapangiti ako.

"Akala mo ikaw lang ang mayroon regalo, syempre ako rin. Pikit ka muna," sabi nito kaya naman sinunod ko na lamang siya at may naramdaman akong malamig na bagay sa leeg ko.

"Ayan. Pwede ka ng dumilat," sabi niya at dumilat na ako.

Tiningnan ko ang regalo niya at isa itong kwintas. Napakagandang kwintas. Hugis puso rin ito.

"Nagustuhan mo ba?"

Tumango ako. "Oo naman. Super duper. Pero, bakit  ito ang naisip mong regalo? I mean masyado ng cliche ang pagreregalo ng kwintas."

"Alam ko pero nung nakita ko 'yang kwintas na 'yan ay naalala kita. Hindi dahil sa mukha kang locket ah," sabi niya at parehas kaming natawa.

"Kundi dahil sa ikaw lang ang may-ari ng susi sa puso ko at ibinibigay ko na sa'yo  ang puso kong ito.  Isa pa may picture ko na rin 'yan sa loob," sabi niya kaya naman binuksan ko na ang locket at napatawa na lamang ako dahil may picture pa nga talaga siya.

"Huwag kang mag-alala dahil gwapo 'yang nandyan."

"Wow! Yabang."

Ysabel's POV

Nandito ko ngayon sa may pinto ng rooftop dahil balak ko sanang  ibigay kay James ang regalo ko sa kanya pero pagdating ko rito ay binibigyan siya ni Princess ng regalo. Ang kinasakit pa ng puso ko ay halatang masayang-masaya siya sa regalong binigay sa kanya ni Princess kahit na cupcake lamang ito. 

Binigyan niya na rin ito ng locket na kahit kailan hindi niya ako binigyan. Tumulo na ang luha ko rito habang hawak-hawak pa rin ang regalo ko sana sa kanya.

Pinahiran ko ang luha ko at umalis na roon.

Naglalakad lamang ako sa corridor at  mabuti nga't wala nang masyadong tao. Pinipigilan ko itong luha ko pero hindi ito nakikinig sa akin at patuloy pa rin sa pagtulo.

Prissy PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon