Chapter 5

400 10 4
                                    

“James.”

“Hi.”

“Oh James. What are you doing here?” tanong ng isang babaeng bigla-bigla na lang sumusulpot.

“Wala. Bawal ba kitang bisitahin?” James said then he smirk.

“It’s not like that. Hindi ko kasi alam na you know kung saan ako nakatira.”

“Ano ka ba. Ako ata si super James.”

“Har har har nakakatawa.” Sarcastic na sabi ni Princess.

Umalis na ko dun. Bumalik ako sa pagbabasa ng magazine.

Naiinis ako eh!

“Oh Princess, sino 'yan na bisita mo? Ba’t di mo papasukin?”

“Ah pwede po ba tito?”

“Of course naman.”

“Sige. Pasok ka na James,” sabi ni Princess at pumasok na nga si James.

“Bless po,” sabi ni James kay daddy at pina-bless ito ni daddy.

“Gusto kita. Magalang na bata.” Nakangiting wika ni daddy.

“Salamat po,” sabi ni James. Ako naman ay kinuha ang baso para uminom.

“Manliligaw ka ba o boyfriend nito ni Princess?” tanong ni daddy habang ako naman ay nabilaukan.

“Ysabel, are you ok?”

“Yes, dad. I’m ok. Don’t worry.”

“Sure ka?” tanong ni daddy kaya tumango na lang ako

“Ano, James? Are you Princess’ suitor or her boyfriend?”

“Actually tito hindi ko po s'ya sui---,” di na natapos ni Princess ang sasabihin n'ya dahil nagsalita si James.

“Yes, sir. I’m here para humingi ng permiso na ligawan sana si Princess. So pwede ho ba?”

“Naku! Pwedeng-pwede 'tsaka isa pa, you can call me tito. 'Wag ng sir at masyadong formal.”

“Sige po, tito.”

“Um, gusto mo sumabay ka ng maglunch sa amin. Naka-ready naman na 'yung pagkain.”

“Sige po.”

Maya-maya ay nagsimula na rin kaming kumain.

“So, bakit sa lahat ng babae ay si Princess ang gusto mong ligawan?”

“She’s different. Alam ko na she will always be right by my side. Di n'ya ko paasahin at handa s'yang magtiwala sa akin at magtake risk, basta lagi kaming magkasama.”

Parang pinapatamaan ako ni James. At kung sa tingin n'ya na tinatamaan ako, pues sasabihin kong. . . TINATAMAAN nga ako.

"Kaya mo bang maghintay kay Princess?”

“Opo, I can wait. Makuha ko lang 'yung matamis n'yang oo,” sabi ni James at sa nakikita ko napa-smile si Princess sa sinabi ni James.

Umirap na lang ako ng palihim.

“Sige, goodluck sa panliligaw d'yan kay Princess.”

“Salamat po tito.”

“S'ya nga pala, James. Sa pagkakaalam ko ay parehas kayo ni Princess ng school na pinapasukan.”

“Yes po, in fact dun ko nga s'ya sa campus nakilala. Masyado po kasing clumsy 'yan na si Princess.”

“Hindi ako clumsy ah.”

Prissy PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon