"So Princess, nalaman kasi namin na isa kang ballerina well not only a ballerina but a great one kaya gusto sana ni ma'am na makasali ka sa club at kung interested ka naman just tell us kailangan kasi namin makita ang performance mo bago ka makapasok eh."
Nandito ko ngayon sa kwarto ko pero kanina pa talaga iyon tumatakbo sa isip ko
Gusto kong sumali pero naisip ko si Ysabel kasali rin siya sa club na 'yun at baka magalit siya sakin lalo na't kahit di niya sabihin ay alam kong galit siya sa akin.
Pero gusto ko kasi talagang sumama kaya lang paano si Ysabel?
Hay, buhay parang life.
"Alam mo Princess, kung talagang gusto mo ay sumali ka dahil dun ka masaya eh."
Ano kaya dapat kong gawin?
****
Ngayong araw nakapagdecide na ko at sana tama ang gagawin ko.Paalis na kami ng may mapansin si tito
"Oh anong nangyari at parang malaki ang eye bugs mo Princess?"
"Ah wala po. Hindi lang ako nakatulog ng maayos kagabi"
"Ah ganun ba. Oh sige, bilisan n'yo at aalis na tayo."
***
Lunch break ko ngayon at nandito ko sa canteen. Kumakain ako ng biglang may naramdaman akong tumabi sa akin."Bakit ata parang antok na antok ka?" Tanonh ni James.
"Di ako nakatulog kagabi ng maayos."
"Let me guess, dahil sa pag-iisip mo tungkol dun sa offer ni Diane 'no?"
"Yeah."
"Pero may time ka pa naman para mag-isip."
"Gusto ko kasing mapagdesisyunan habang maaga pa at sana tama 'yung desisyon ko."
"Ibigsabihin nakapagdesisyunan ko na?"
Tumango ako. "Yeah."
"Goodluck and I hope di ka magsisi."
"Sana nga."
Ysabel's POV
Nandito ko ngayon sa ballet studio at paalis na ko ng biglang sa paglabas ko ay nakasalubong ko sila James at Princess. Tiningnan ko si Princess then James at balik kay Princess, nginitian ako ni Princess pagkatapos ay pumasok na siya at sumunod naman sa kanya si James.
What is she doing here?
Aalis na sana ko ng tuluyan kaya lang....
"Nakapagdesisyon ka na ba?"tanong ni Pres. Diane.
"Ah opo."
"Tell me na tinatanggap mo."
"Um ah."
Please say no.
"I'm accepting it."
"Good. Magpalit ka na ng damit then tatawagin ko lang si ma'am Moreno para mapanuod ka n'ya."
"Sige po."
Kainis! Bakit tinanggap niya?
Nagpapalit na siya ng damit ng bigla siyang lumabas galing sa CR at nakita ko kung gaano nakatitig si James kay Princess.
"James, ok ba ang suot ko?"
"James."
"Ha?"
"I'm asking kung ok ba itong suot ko?"
"Yeah, bagay sa'yo."
Tss.
Pumasok na si Pres. Diane at si ma'am Moreno.
BINABASA MO ANG
Prissy Princess
Teen FictionYsabel Garcia grew up to get anything that she wanted. She also has almost all what a person could ask for; a loving father, natural beauty, excellent grades, fame and popularity. However, everything changes when she met Princess Monteros, a lady wh...