Chapter 17

239 9 3
                                    

Princess' POV

Matapos ang nangyari kahapon ay parang masyado atang na-depress si Ysabel dahil sa nalaman.

I understand her dahil napagdaanan ko na rin 'yun nang malaman ko ang  totoo.
Hindi ko siya masisi. Though, dalawa lang naman ang pwedeng kahantungan ng nangyari.

Maaring matanggap niya ang totoo at magkabati na kami pero maari rin namang mas lumala ang galit niya sa akin sa thought niya na inaagaw ko lahat sa kanya.

"Sige na, Princess. Pumasok ka na at baka ma-late ka pa," sabi ni tito

"Sige po, tito."

"Um Pricess, pwede mo ba kong tawagin....daddy?"

"Um sige po, d-daddy," sabi ko at nakita kong nagform siya ng smile sa lips niya.

"Sige po. Una na ko," sabi ko at umalis na.

Ysabel's POV

Nagmumukmok lang ako sa kwarto ko. Siguro dahil alam kong may kapatid ako sa labas at alam kong hindi na lang ako ang nag-iisang princess ni daddy.

Nandyan na si Princess ang tinuturing na prinsesa ng lahat.

Paano na lang ako?

Mawawalan na akong parte sa buhay ng mga taong mahalaga sa akin. Makakalimutan na nilang may isang nilalang na nagngangalang Ysabel ang nasa parte ng buhay nila.

Alam ko naman na walang ginagawang masama si Princess. Masyado lang kasi akong threatened sa kanya na baka maagaw niya ang lahat sa akin na obviously nangyayari na nga.

Rinig kong may kumakatok at alam kong bumukas ang pinto at sumarado rin ito.

Ramdam kong umupo siya sa may paanan ng kama ko.

"Ysabel, alam kong mahirap tanggapin lalo pa't matagal ko 'tong tinago pero sana naman matanggap mo rin," sabi ni dad kaya agad naman akong umupo sa kama.

"Dad, talagang mahirap tanggapin eh. Sa tingin mo ba hindi ko sinusubukan? I tried, dad, pero talagang mahirap."

"Alam ko, kaya naman hindi ako humihiling na tanggapin mo agad at patawarin mo ako agad pero sana naman maging maayos ang trato mo kay Princess lalo pa't nalaman mong kapatid mo siya. Wala siyang kasalanan sa mga nangyari at sa mga kasalanang nagawa ko."

"You know what, dad. Tama ka, galit nga ako sa'yo dahil ni minsan hindi ko naisip na kaya mong lokohin ako at ipagpalit si mommy. Oo nga't wala na siya pero akala ko talaga mahal mo siya but maybe I am wrong. Papatol ka na nga lang, sa may asawa pa. How pathetic! At sa mga nalaman ko, imbis na mag-vanish ang galit ko kay Princess ay mas lalo pang tumindi eh. Nice try, para pagbatiin kami but I'm sorry to say, try again next time."

"Ysabel, bakit ba ganyan ka? Natatakot ka ba na agawin ni Princess ang lahat sa'yo?"

"Oo! Natatakot nga ako dad! Takot na takot. Dahil ang ibang bagay, tao at kung ano pa man ay nagawa niyang agawin sa akin, ikaw pa kaya na ama niya rin. Buti pa dati nung hindi ko alam 'yung totoo at least alam ko kung ano ako sa buhay mo. Alam ko kung anong role ko sa buhay mo pero nung malaman ko na anak mo rin pala si Princess, mas lalo akong nagalit dahil 'yung dating sigurado ako kung ano ako sa buhay mo ay unti-unti nang naglalaho. Nakakaramdam na ako ng takot na baka balang araw, magising na lang ako na wala na akong kasama. Na mas pinili mo na siya kaysa sa akin."

"Ysabel, alam mong hindi ko magagawa 'yan. Oo, anak ko siya pero anak rin kita. Natatakot ka na baka mawala 'yung pagmamahal ko sa'yo at atensyon pero kahit kailan hinding-hindi mangyayari 'yun." Umiling siya.

"Pantay lang ang pagmamahal at atensyon ko sa inyo. 'Yun nga lang mas iniisip mo na inaagaw ni Princess ako sa'yo kaya ka nagagalit ng ganyan pero kung makikita mo ay wala siyang kinukuha. Alam niyang anak ko siya pero ni minsan hindi niya pinagpilitan ang sarili niya sa akin at ikaw naman alam mo ng kapatid mo siya pero pinagtatabuyan mo pa siya. Tayo na lang ang pamilya niya. Parehas na kayong walang ina pero nandito pa naman ako para sa inyo," sabi ni dad and after that he stormed out of my room.

Prissy PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon