Chapter 18

210 9 2
                                    

"Princess," sabay may humawak sa balikat ko. Napalingon ako upang makita kung sino iyon.

"Bryan, ikaw pala. Ano palang ginagawa mo rito?"

"Naglalakad lang ako pero nakita kita kaya naisipan kong lapitan ka." Aniya dahilan upang mapatango ako.

"Don't worry. Hindi ko siya kasama," sabi niya kaya binigyan ko na lang siya ng mukhang nagtatakha.

"Si James." Aniya kaya tumango na lang akong muli. "Alam ko naman na hanggang ngayon ay galit ka pa rin sa kanya eh."

"Tama ka. Masakit talaga 'yung ginawa niya eh."

"Sorry pala, Princess ah."

"Ba't ka naman humihingi ng tawad? Hindi naman ikaw 'yung nanakit sa akin kundi si James naman."

"Yun na nga eh. Una pa lang alam ko na 'yun 'yung plano niya pero wala akong ginawa. Sinubukan ko siyang pigilan pero hindi siya nakinig sa akin. Sorry dahil wala akong nagawa para tulungan ka."

"Naiintindihan ko Bryan. Alam ko naman na hindi mo 'yun ginusto 'tsaka syempre kaibigan mo siya at ayaw mo siyang traydurin." Wika dahilan upang magulat siya.

"Ibig mong sabihin ay hindi ka galit sa akin?"

"Ba't naman ako magagalit sa'yo? Tulad nga ng sinabi ko ay hindi naman ikaw ang nanakit."

"Salamat, Princess. Huwag kang mag-alala dahil magsimula ngayon ay aalagaan na kita nang makabawi man lang ako sa mga kasalanan ni James sa'yo."

"HIndi mo naman kailangan gawin 'yun eh."

"Ano ka ba! Please, let me take care of you. Gusto kong makabawi 'tsaka isa pa, gusto ko rin maging kaibigan ka."

"Sige. Ikaw ang bahala."

"Salamat," sabi nito.

Marami-rami pa kaming napag-usapan hanggang sa makita kong magtatakip-silim na.

"Ah Bryan, sige uwi na ko at medyo maggagabi na eh."

"Sige. Hatid na kita."

" Huwag na. Malapit lang naman 'yung bahay namin eh."

"Sige na. Di ba nga sabi ko sa'yo ay aalagaan kita," wika niya dahilan upang mapangiti ako at tumango.

"Sige na nga," sabi ko at hinatid na nga niya ako sa bahay.

***
Today was another day. The sun is also smiling at me. Parang sinasabi niya na magpatuloy lang ako at lagi namang may liwanag.

"Oo nga eh. Buti na lang at nakapag advance reading ako kaya may nasagot ako kanina," sabi ni William.

"Ayan. Dapat talaga lagi tayong ready dahil hindi natin alam kung kailan magkakaroon ng surprise quiz."

"Tama ka dyan, Princess. Buti nga at masyado kang matalino."

"Hindi naman."

"Hey! Pwede bang makisama sa inyo?" sabi ni Bryan nang makalapit sa amin ni William.  Nasa canteen kasi kami ngayon.

"Bawal," agad naman na sabi ni William.

"Naku! Huwag mo ng pansinin 'yan si William. Ok lang naman, Bryan. Sige na upo ka na," sabi ko rito at umupo na siya sa harapan ko.

"Ano ka ba naman, Princess! Kaibigan 'yan ni James oh," bulong sa akin ni William.

"Huwag kang mag-alala ok naman kami ni Bryan 'tsaka isa pa ay iba naman siya kay James," bulong ko rin sa kanya.

"May problema ba?" tanong ni Bryan.

"Oo meron," sabi ni William kaya naman tiningnan ko siya ng matalim kaya naman natigil siya.

Prissy PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon