Princess' POV
Ilang linggo na rin ang nakalipas at hindi ko pa rin pinapansin si James.
Hindi na rin ako nagpapaapi kay Ysabel. Napagod na ako na umasang matatanggap niya pa akong bilang kapatid.
Kung ayaw niya sa akin ay wala na ako dun magagawa eh di ayaw ko na rin sa kanya. Ayoko nang ipagpilitan ang sarili ko sa mga taong ayaw sa akin. Parang pinagpipilitan mong isuot ang hindi na kasyang damit sa'yo. Kung ayaw magkasya hayaan na't marami pa namang iba diyan.
Actually, nanghihinayang ako't hindi kami magkasundo ni Ysabel pero ano pang magagawa ko? Siya na mismo ang nagtutulak palayo sa akin.
"Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin mapatawad sila James?" tanong sa akin ni Bryan.
"Kaya ko naman silang patawarin pero paano ko sila mapapatawad ni sila nga ay ayaw humingi ng tawad? Ano pang magagawa ko? Alangan namang sila 'yung nagkasala ay umakto akong parang walang nangyari, na parang tulad pa rin nung dati lalo na kay James. Hindi naman ata pwede 'yun. Hindi naman pwedeng ako na lang laging kailangang magpakumbaba tapos ano? Ako pa ang lalabas na masama. Buti na ito ng sa ganun ay hindi ko na kailangan pang magproblema sa kanila," sabi ko kay Bryan at natanaw ko si James na nakatingin sa amin.
So, what?
Wala na akong pakielam sa kanya.
James' POV
Ewan ko ba sa sarili ko pero naiinis ako pagnakikita kong magkasama si Princess at Bryan.
Ano nga ba namang magagawa ko? Galit sa akin si Princess.
Alam ko naman na kaslanan ko pero anong magagawa ko? Sadyang mahal ko lang talaga si Ysabel pero ngayon, ewan ko ba pero parang nawala na 'yung nararamdaman ko kay Ysabel at parang nailipat lahat ng iyon kay Princess.
"Hey! Kanina pa kita kinakausap James. Hindi ka na naman nakikinig sa akin eh."
"Ah sorry, Ysabel. May iniisip lang ako."
"Si Princess na naman." Aniya at umikot pa ang mata niya.
"Ah sige, Ysabel. Alis na ko. My kailangan pa kasi akong tapusin eh," sabi ko at umalis na.
Ayokong saktan si Ysabel 'tsaka wala na rin akong magagawa.
Galit sa akin si Princess pero hindi naman ako maaring magalit kay Ysabel dahil sa katunayan ay ako naman talaga ang may kasalanan. Kung sana hindi ko ginamit si Princess at kung sana hindi na lang ako naghangad ng pagmamahal kay Ysabel hindi mangyayari ang lahat ng 'to.
Nagsisisi ako sa lahat ng ginawa ko pero anong magagawa ko tapos na at hindi ko na maaring ibalik ang natapos na.
Ysabel's POV
Lagi ko ngang kasama si James pero pakiramdam ko hindi naman nakatuon ang isip niya sa akin.
Malakas ang pakiramdam ko na hindi na ako ang mahal ni James at si Princess na pero ayoko iyong isipin. Nasaktan na ko dati at alam kong kasalanan ko iyon pero ngayon ayoko ng masaktan pang muli.
"Kumusta?" napatingin ako sa bumati sa akin at tumabi.
"Ok lang. Ba't kinausap mo ata ako ngayon?"
"Ysabel, ikaw 'yung best friend ko kaya hindi kita kayang tiisin. Kung iniisip mo na ipinagpalit kita kay Princess, pues, nagkakamali ka."
"Pero siya 'yung kinakampihan mo William, hindi ako."
"Wala naman akong kinakampihan. Parehas ko kayong kaibigan Ysabel hindi lang ikaw, hindi lang siya."
"Pero nakaya mo pa kong pagtaasan ng boses ng dahil sa kanya na never mo pang ginawa."
"Ysabel kung hindi ko 'yun gagawin. Iispin mong tama ang ginagawa mo. Ipagpalagay na natin na simula nung dumating siya ay feeling mo inagaw na niya sa'yo lahat ng dating sa'yo pero di mo ba naisip na maswerte ka pa nga kesa sa kanya? Oo pakiramdam mo inagaw niya 'yung atensyon ng daddy mo sa'yo pero pagbali-baliktarin pa natin ang mundo, ama niya rin ito. Buti ka pa nga alam ng mga tao na anak ka ni tito, na hindi mo kailangang magpanggap pero si Princess, kinailangan niyang magpanggap para lang hindi ka masaktan. She always thinks on what you are going to feel. She always understands that she needs to pretend. Masakit para sa kanya na mabuhay sa pagpapanggap. Nasaktan siya nung namatay 'yung mama niya at ang itinuring niya ama pero masakit rin 'yung nalaman niya na ang tunay niyang ama ay si tito Diego pero wala na siyang nagawa kundi tanggapin na lang 'yung totoo pero ikaw Ysabel hindi mo man lang sinubukang tanggapin 'yung katotohanan."
"Ipagpalagay na nating nagmahal kayo ng iisang lalake pero sinong mas nasaktan sa huli? Di ba siya rin naman? Ang gusto niya lang naman ay 'yung matanggap mo siya at magkabati na kayo. Please, Ysabel. I am not doing this for Princess, I am doing this for you, Ysabel. Mahirap magtanim ng galit panghabang buhay 'tsaka wala ka nang magagawa kung sakali mang iyon ang katotohanan. The only thing you can do is just to accept it," sabi ni William at umalis na siya.
Aaminin kong marami akong na-realize sa mga sinabi niya.
Feeling ko ang sama-sama kong tao. Iniisip ko lang 'yung sarili kong nararamdaman samantalang ipinagsawalang bahala ang nararamdaman ni Princess.
Princess' POV
Nagbabasa ako ng libro dito sa garden ng biglang may nakita akong paa kaya naman napaangat ang tingin ko
"Pwede ba tayong mag-usap?"
"Ayoko ng gulo, Ysabel," sabi ko sabay tayo at aalis na sana pero pinigilan niya ako.
"Hindi naman ako nandito para makipag-away," sabi niya pero hindi na ko kumibo at hindi na rin ako nagpatuloy sa paglalakad.
"Alam kong marami akong kasalanan sa'yo at alam kong hindi sapat ang sorry lang. Na-realize ko na mali ako. Na-realize ko na ang sama-sama kong kapatid. Iniisip ko na ako lagi ang biktima pero hindi ko man lang naisip na mas nasasaktan ka pala kaysa sa akin. Lagi mo na lang ako iniintindi at pinagpasensyahan pero ano ang ginanti ko? Sinisi kita sa lahat na nangyari sa buhay ko. Sinaktan kita sa pamamagitan ni James. Napakasama kong kapatid para gawin 'yun sa'yo," sabi niya at base sa naririnig ko ay umiiyak siya.
"It's hard to say I'm sorry still with all my heart I am asking for your forgiveness. I'm sorry, Princess," sabi nito kaya naman humarap na ako rito nang umiiyak na rin
"Buti naman at na-realize mo na 'yung mga pagkakamali mo at natanggap mo na magkapatid tayo."
"Oo. Kaya nga humihingi ako ng tawad eh."
"Huwag kang mag-alala at napatawad na kita . . . ate," sabi ko at mas lalo siyang naiyak at niyakap ako.
Maya-maya pa ay bumitaw na kami sa pagkakayakap.
"Alam mo bang noon ko pang gustong magkaroon ng nakakabatang kapatid na babae?"
"Talaga?"
"Oo naman at buti naman at may kapatid na ako."
"Eh bakit parang ayaw mo sa akin?"
"Syempre akala ko kasi dati ay inaagaw mo sa akin ang lahat ng sa akin, 'yun pala ay iniisip ko lang 'yun."
"Buti naman at natauhan ka na," sabi ko at tumawa.
"Oo nga eh."
Masaya ko ngayon at magkabati na kami ng nag-iisa kong kapatid.
Magkabati na kami ni Ysabel at gusto kong magpasalamat sa Panginoon at dininig na Niya ang aking dasal.
BINABASA MO ANG
Prissy Princess
Teen FictionYsabel Garcia grew up to get anything that she wanted. She also has almost all what a person could ask for; a loving father, natural beauty, excellent grades, fame and popularity. However, everything changes when she met Princess Monteros, a lady wh...