Chapter 7

356 13 2
                                    

Princess’ POV
Lumipas na ang isang lingo magsimula nang niligawan ako ni James. May activity ngayon sa campus at syempre meron din mga contest. May duet, dancing contests oration pero ni isa dun wala akong sinalihan. Gusto ko sanang sumali kahit isa man lang pero huwag na lang dahil mas maganda rin kasing manood na lang para ma-enjoy ang program.

Si James ay di ko pa nakikita. Wala pa ata siya rito sa campus eh. Oh well, kasama ko rito 'yung mga naging friends ko na rin sa campus.

"Princess, kumusta naman ang feeling na nililigawan ka ni James Ruiz, ang heartthrob ng school?” tanong sa'kin ni Nina pero ngumiti lang ako.

“Alam mo Princess, kung ako sa'yo pahirapan mo 'yan para malaman mo kung talagang seryoso,” ani Kristine.

“Naku kung mahal mo edi sagutin mo na 21st century na at huwag ng magpakipot at baka maunahan ka,” ani Nina.

“Pero Kristine di ba nga isang casanova si James, maaring pinaglaalruan n'ya lang si Princess tulad nang ginagawa n'ya sa ibang babae."

Isang Casanova pala si James, ngayon ko lang nalaman.

“Pero nagbago naman s'ya, di ba? Nakita natin kung paano n'ya minahal si . . .”

“Princess.” Tawag ni Ingrid na kalalapit lang sa amin.

Kumunot ang noo ko. “Bakit?”

“Tinatawag ka na dun sa backstage.”

“Bakit?”

“Magprepare na daw 'yung mga contestants sa duets.”

“Akala ko ba, di ka sumali?” tanong ni Nina.

“Di nga.”

“So paano ka nakasali?” Tanong niyang muli.

“Oo nga naman,” si Krisitne naman ang nagsalita.

“Um Ingrid baka nagkakamali ka lang. Di ako nagpalista eh 'tsaka isa pa wala akong ka-duet kaya. . .”

“Princess, si James 'yung nagpalista sa'yo at s'ya rin ang ka-duet mo.”

“Ano?”

“Ayieee,” narinig kong sabi nung dalawa.

“Mabuti pa sumama ka na sa akin,” sabi n'ya tapos hinila na ko sapat para mapasama ko sa kanya.

“Sandali,” pero di n'ya ata narinig.

Nandito na ko sa backstage kasama ang mga contestants.

“Princess,” tawag sakin ni James tapos pumunta siya sa kinaroroonan ko.

“Sige ha, maiwan ko na kayo,” sabi ni Ingird tapos umalis na.

“Ikaw ah. Ba’t di mo sinabi sa akin na nilista mo pala ko? Kailan ka pa nagpalista, ha?” tanong ko sa kanya habang nakapamewang.

“Ikaw naman napakamatampuhin mo,” sabi ni niya habang niyayakap daw ako. Tinutukso pa kami ng mga tao sa backstage.

“Hoy, ano ka ba! Nakakahiya.”

“Ba’t ka naman mahihiya eh future girlfriend naman kita?” sabi niya kaya ako naman ay inalis 'yung pagkakayakap n'ya.

Tinaasan ko siya ng kilay. “At paano ka naman nakakasigurado na sasagutin kita?”

“Sa gwapo ko ba naman na 'to. Di ka kaya ma-inlove sa akin?”

“Oo na nga. Gwapo ka na ngayon sagutin mo na 'yung tanong ko. Kailan ka pa nagpalista at bakit di mo sa akin sinabi?”

“Monday last week at di ko sa'yo sinabi kasi gusto surprise eh.”

“Loko ka talaga. Eh paano ang kakantahin natin, di nga tayo nakapagpractice?”

Prissy PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon