"Buti naman at gising ka na Princess. Maupo ka na nang makakain na tayo," sabi ni tito at umupo na ako.
"Pakiramdam ko ay may hindi ako nalalaman dito. Dumoble ata ang hindi niya pag-imik sa isa't isa 'tsaka bakit maga ang mata mo Princess?"
"Wala po 'to. Sige mauna na ko," sabi ko at tumayo na kahit hindi pa ako tapos kumain at nauna na ako sa campus.
I try to look so normal tulad ng dating ako.
Pinapakita ko sa kanila na parang wala akong problema kahit sa totoo lang ay talagang nasasaktan ako.
Wala akong magagawa. Nangyari na ang nangyari. Nasaktan na ako kaya ang maaaring magawa ko na lang ay magpanggap na parang walang problema.
Tutal, I'm good at hiding my feelings naman eh.
Naglalakad lang ako sa corridor ng makasalubong ko si James.
Tiningnan niya ako at ganun rin ako sa kanya. Ako ang naunang nagbawi ng tingin at nilampasan ko na lamang siya.
"Hi Princess."
"Oh, Willliam. Ikaw pala." I said as I tried my best to smile at him.
"Kasabay mo bang pumasok si Ysabel?" tanong nito kaya agad naman napawi ang ngiti. Pero agad ko naman ibinalik ang ngiti.
"Hindi eh," nakangiti kong sagot sa tanong niya.
Tss. What a fake smile!
"Oh, Ysabel."
Nang marinig ko ang pangalan na iyan ay napawi ang mga pekeng ngiti sa aking labi pero nakarecover naman agad ako.
"Ah sige. William, una na ako," sabi ko at akmang magsasalita pa siya pero umalis na kaagad ako roon.
Ysabel's POV
"Sayang at umalis na kaagad si Princess. Yayain ko pa naman sana siyang sumama sa atin."
"Hayaan mo nga 'yung prissy princess na 'yun William. Buti nga at hindi siya nakikijoin sa atin dahil hindi naman talaga siya belong."
Kumunot ang noo niya. "Ano bang problema kay Princess at ganyan ka sa kanya? Mabait naman 'yung tao ah."
"Mabait? That's your definition of mabait William? Walang mabait na nang-aagaw ng pag-aari ng iba."
"Ano bang pinagsasabi mo?"
"Inagaw niya sa akin ang popularity ko sa campus na 'to. Tapos kinuha niya na rin ang atensyon at pagmamahal ni daddy. Then ngayon ikaw naman buti nga hindi niya pa totally nakuha si James sa akin."
"Anong ibig mong sabihin dun Ysabel?"
"Well, niligawan lang pala siya ni James para iparealize sa akin na I love him and it works."
"Eh gago pala 'yung James na 'yun!"
"Hey, bakit ka ba nagagalit kay James? Tama lang naman 'yung ginawa niya ah. Ginising niya sa katotohonan si Princess na hindi lahat ng bagay makukuha ng Princess na 'yun."
"Ano bang nangyayari sa'yo, Ysabel? Hindi ka naman dating ganyan na makasarili ah. Wala namang ginagawang masama sa'yo 'yung tao Ysabel but still you thinks na inaagaw niya sa'yo lahat in fact wala naman talaga!" Sigaw niya sa akin.
Natameme ako sa sinabi ni William.
Never pa niya akong pinagsalitaan ng ganyan. Never pa tapos ngayon ay nagawa niya para lang sa Princess na 'yun.
How could she?
Princess' POV
Lumipas ang oras ko sa school na nagpapanggap lang akong ok.
Fake smile here, fake smile there.
Hanggang dito sa bahay ay pinapakita ko na parang hindi ako nasasaktan.
Nanonood ako ng TV ng biglang may pumatay nito at pagtingin ko si Ysabel pala na may masamang tingin sa akin.
"Bakit mo pinatay 'yung TV? Hindi mo ba nakikitang nanonood ako?" Malamig kong tanong sa kanya.
"So feeling at home ka na talaga rito sa bahay. Baka nakakalimutan mo Princess kung sino ka sa bahay na 'to! So matuto kang lumugar sa tamang lugar," sabi nito kaya naman tumayo na lang ako at lalampasan na lang sana siya pero hinawakan niya ang braso ko at marahas na binitawan ito.
"Huwag mo kong tatalikuran hangga't nagsasalita pa ako!"
"Akala ko tapos ka na magsalita eh. Sorry, my bad. Hindi pa pala."
Simula nung nangyari ay nawalan na akong ganang makipaglapit kay Ysabel.
Kung ayaw niya sa akin then it's fine with me.
"Wag mo kong pinipilosopo. Ano bang meron sa'yo at lahat na lang ay ikaw ang gusto samantalang ang nakikita ko lang naman sa'yo eh masyado kang pa-prinsesa na nakakasukang tingnan dahil wala ka sa royal kingdom, princess." Sarkastiko niyang saad.
"Pues, kung nasusuka ka ay wala na kong pakielam dun. You know what, Ysabel. I never gave you a reason to hate me. You're just creating your own little drama of pure insecurity."
"Hindi ako insecure!"
"Talaga? So anong tawag mo sa sarili mo ngayon? Inggitera?"
"How dare you?" sabi niya at akmang sasampalin na ako pero nahawakan ko agad ang kanyang kanang kamay at binitawan ko ito ng marahas.
"Ysabel, nakakaawa ka dahil nagagalit ka sa akin ng walang dahilan samantalang ako nga dapat ang magsabi ng sinabi mo ngayon dahil ako ang sinaktan mo."
"Do you think magagalit ako sa'yo ng walang dahilan? No! Nagagalit ako sa'yo dahil kinukuha mo lahat sa akin. Nakapagbitaw sa akin ng masasakit na salita si William because of you tapos kung ituring ka pa ni daddy ay parang ikaw 'yung anak niya well in fact ako naman talaga 'yung anak niya eh. So tell me, bakit hindi ko kailangang magalit sa'yo?" Umiiyak ng saad ni Ysabel pero ramdam ko pa rin ang galit at hinanakit doon.
"Hindi mo kailangang magalit sa kanya Ysabel dahil kapatid mo siya. Sapat na bang dahilan 'yun?" sabi ni tito na bigla na lang dumating.
Ysabel's POV
I can't process what I just heard."W-what?"
"Totoo ang narinig mo, Ysabel. Kapatid mo si Princess. Nagkaroon kami ng affair ng mommy ni Princess kaya si Princess ang naging bunga at nang nalaman ito ng kanyang asawa na ang akala ni Princess ay kanyang ama, pinatay niya ito at ang kanyang sarili. Bilang ama ni Princess tungkulin kong alagaan siya."
"No, hindi totoo 'yan. Lalalala wala akong narinig," kanta ko habang tumutulo pa rin ang mga luha at nakatakip ang dalawang kamay sa aking tainga.
"Makinig ka sa akin, Ysabel. Totoo lahat ng narinig mo. Kaya please huwag ka ng magalit kay Princess dahil wala naman talaga siyang inaagaw sa'yo," sabi ni daddy pero hindi ko na kaya dahilan upang tumakbo na ako pataas patungo sa aking kwarto.
Umiyak ako nag umiyak.
Kapatid ko si Princess. Half sister ko siya.
Buti pa dati dahil alam kong wala siyang karapatan kay daddy pero ngayon alam kong meron na. Kapatid ko ang babaeng pinakaayaw ko sa buong mundo.
How unlucky I am?
Akala ko, ok na dahil ako ang pinili ni James pero hindi pa pala dahil kapatid ko pala talaga siya. Kapatid ko ang kaagaw ko sa lahat ng bagay.
BINABASA MO ANG
Prissy Princess
Teen FictionYsabel Garcia grew up to get anything that she wanted. She also has almost all what a person could ask for; a loving father, natural beauty, excellent grades, fame and popularity. However, everything changes when she met Princess Monteros, a lady wh...