Chapter 14

224 7 2
                                    

Princess' POV

Natapos ang christmas vacation namin at masasabi kong naging masaya ito para sa akin sapagka't nakabonding ko pa ang aking pinakamamahal na si James.

Nandito kami ngayon ni James sa MOA at napagesisyunan naming magskating at in fairness may mga fake pang snow ang nahuhulog kaya parang nasa ibang bansa ka rin lang naman.

"Sige na, Princess. Let's skate together."

"Ayoko."

"Bakit?"

"Hindi ako marunong eh."

"Don't worry, your handsome boyfriend ang bahala sa'yo."

"Promise na hindi mo ako pababayaan."

"Syempre naman. Promise ko 'yan sa'yo," sabi nito at nagpapanatang makabayan pa para maipakita na nangangako nga siya.

"Sige na nga," sabi ko at pumasok na nga kami sa rink.

"Huwag mo kong bibitawan ah."

"Aba! Hindi naman pwede 'yun. Paano ka matuto kung hindi kita bibitawan?"

"Eh basta. Gusto ko lagi mong hawak-hawak ang kamay ko para hindi ako mahulog."

"Kung mahuhulog ka man, nandito naman ako para saluhin ka eh."  Aniya dahilan upang pumula ang pisngi ko.

"Uy tama na 'yang blush mo. Napaghahalataan ka tuloy." Tukso niya sa akin.

"Che. Halika na nga at turuan mo ako," sabi ko at tinuturuan nga naman ako nito.

"Bibitawan na kita ah."

"Pero. . ."

"Remember, 'yung sinabi ko kanina."

"Sige na nga," sabi ko at bumitaw na siya.

"Woah! Tingnan mo ko oh. Marunong na ako."

"Oo nga eh. Nice."

"Hoy, ano bang iniisip mo diyan?" Nabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses ni James.

"Oh, James. Nandito ka pala."

"Kanina pa kaya ako nandito. Ano bang iniisip mo? Siguro, ako ang iniisip mo. Sinabi ko naman kasi sa'yo na huwag mo akong masyadong isipin dahil hindi naman ako mawawala."

"Huwag kang feeling."

"Aminin mo na kasi."

"Wala naman akong aaminin dahil hindi naman talaga."

"Ok. Sabi mo eh." Aniya at nagkibit-balikat.

"Hindi naman kasi talaga," maktol ko rito habang hinila-hila pa 'yung polo niya.

"Oo. Hindi na ngayon. Bitiwan mo na ang polo ko dahil kawawa naman," sabi niya kaya binitawan ko na at padabog na tumingin sa unahan habang nakapout.

"Ang cute talaga ng girlfriend ko," sabi nito habang pinipinch ang cheeks ko.

"Ouch! Tama na mashakit."

"Ok. Kawawa naman ang Princess ko. Dapat niyan kiss," sabi nito at nagpout siya at papalapit na qng lips niya sa cheeks ko kaya naman agad ko siyang binatukan.

"Sakit naman nun." Aniya habang hinihimas ang ulo niya

"Bagay 'yan sa'yo."

"Diyan ka nagkakamali. Tayo kaya ang bagay."

"Ewan ko na nga talaga sa'yo." Mataray kong sipi pero napangiti naman.

"Sus, pero kinilig na naman 'yan."

"Che!" sabi ko at tumayo at nagsimula ng magalakad.

"Princess," rinig kong tawag niya sa akin at ramdam ko naman na sumunod siya.

Ysabel's POV

Imbis na mag-enjoy ako whole Christmas vacation ay nairita lang ako at naiinis. Paano ba naman kasi lagi na lang silang magkasama ni James at halata naman na napaksweet nila sa isa't-isa at kung hindi naman magkasama sila James at Princess masyado naman siyang mapapel sa bahay kaya siya na naman ang napapansin lagi ni daddy.

Umagang umaga pa lang ay sinundo na ni James si Princess sa bahay.

"Sige tito 'tsaka Ysabel, alis na kami ni James."

"Sige, basta ingat ah. James ikaw ng bahala kay Princess ah."

"Syempre naman po tito."

"Good," sabi ni dad at umalis na ang magsyota.

Mga hapon na nang bumalik si Princess.

Dumiretso na siya sa taas after niyang magbigay ng galang kay dad.

Na-realize kong maghapon nagtrabaho si dad kaya tumayo na ako at palapit na sa kanya upang tanungin sya kung anong gusto niyang snack pero...

"Tito, mukhang pagod na kayo ah."

"Oo nga eh."

"Ano ho bang gusto niyong kainin ng maihanda ko na kayo?"

"Kahit sopas na lang dahil masyadong malamig eh."

"Ok po."

Bumalik na lang ako sa pagkakaupo dahil sa nangyari.

See, hindi lang talaga malandi at mangaagaw ang babaeng 'yun. Mapapel pa. Tsss!

"Oh. Unang araw ng pasukan, nakabusangot ka diyan."

"Busangot?"

"Ano ba, Ysabel? Eh di simangot."

"Eh kasi naman William. Nakakainis si Princess."

"Bakit na naman?"

"Lagi na nga niyang nakakasama si James nung vacation ay masyado pa siyang mapapel kay daddy."

"Alam mo, Ysabel. Malamang lagi nung kasama si James. Eh sa magsyota 'yung dalawa eh at 'yung tungkol naman sa daddy mo nagiging thoughtful lang talaga 'yun."

"Kahit na. Anong gusto niyang palabasin? Na hindi ako thoughful?"

"Ysabel, wala naman kasi talagang competition na nangyayari sa inyo eh. Ikaw lang naman ang nag-iisip na meron." Aniya pero inirapan ko na lang siya.

Pinagtatanggol niya pa si Princess.

James' POV
Magkasama kami ngayon ni Bryan na nakatambay sa liblib na parte ng corridor sa school.

"Sabihin mo nga sa akin, pagpapanggap pa rin ba ang ginagawa mo kay Princess o talagang nahulog na ang loob mo sa kanya?" tanong sa akin ni Bryan.

"A-ano ka ba naman syempre it was all an act."

"You mean si Ysabel pa rin talaga at hanggang ngayon? Front mo lang si Princess?"

"What? You still do love me James?" nakangiting tanong nito kaya agad naman kaming napalingon ni Bryan.

"Ysabel!"

Prissy PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon