----JAPAN (NFU)----
BLUE POV
Hey!!!! Blue Lewis here, 20 years old. anyways naglalakad ako ngayon papunta sa mga kaibigan kong mga libro, gusto ko na namang magbasa may bagong librong labas ngayon e kaya gusto kong hanapin yon. Isa lang yon sa hilig ko at kilala ako sa pagiging mahilig sa libro, malaking pakinabang nito sakin. Dahil dito kaya kong kabisaduhin ang nakasulat sa isang aklat ng isang buong araw.
"Hi" salubong ng isang estudyante sakin syempre ngumiti ako."Hi blue" ngumiti ulit ako, mukhang maganda ang gising nila ngayon a. Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko ang isang taong naglalakad papalapit sakin. Seryoso ko itong tiningnan at nanatiling nakatayo.
"Nag iisa ka yata."
"Mali... Anim kami" kumunot naman ang noo niya.
"Dalawang kamay, dalawang paa, isang katawan at higit sa lahat isip ko. Kaya kung ano mang pakay mo wag mo ng ituloy""epekto ba yon ng pagbabasa ng libro at pagkabisado ng importanteng bagay sa buong araw? " tumango naman ako sabay ngiti.
"Kapag wala kang magawa wag mo kong bibisitahin sa lungga ko" nilapitan ko ito bago tapikin ang balikat niya.
"Baka sa susunod hindi kana makalabas ng buhay dito" napangisi ako ng makita ko ang pagkainis nito. Nagulat nalang ako at agad na Napatiad sunod sunod na sipa ang natanggap ko.Napailag ako sa suntok nito ngunit sa panghuling suntok niya ay nahawakan ko ang kamay niya.
"Sa galing kong magkabisado ng importanteng detalye, nababasa ko na ang isip at galaw mo. Binibalaan kita wag na wag mo kong susubukan" marahas kong binitawan ang kamay niya... Seryoso ko itong tiningnan. akmang susugod pa sana ito ng biglang sumigaw ang isang boses
"Arman Chavez tumigil kana!!" naglakad ito palapit samin."Wala ka sa teritoryo mo kaya umayos ka" napangiti nalang ako ng makita ko ang matalim na tingin nito sakin.
"Tandaan mo to, hihintayin ko ang pagbabalik mo" inis itong umalis at kinuha ang phone nitong nalaglag yata nung mag warm up kami. Kumaway pa ako sa nakatalikod na si Arman, napahawak naman ako sa balikat ko ng makatanggap ako ng malakas na hampas.
"Ano bang ginagawa mo!!? Bat nagalit na naman yong tao" tanong ni Bindi."wala naman akong ginawa e, mainitin lang talaga ang ulo niya" nakangiting sagot ko
"Tsk tumigil ka nga blue, hindi siya gangster tulad natin kaya umayos ka" alias
"Siya ang Pagsabihan nyo, bigla bigla siyang sumusugod dito" napangiti nalang ako ng may maisip akong kalukuhan.
"Sinabi ko lang naman na may naaamoy ako nang magkaabutan kami"
"Ano bang naamoy mo? "Alias. Mas lalong lumawak ang ngiti ko."Ewan, baka iniisip niya na may putok siya kaya nagalit" kibit balikat kong sagot sabay hagalpak ng tawa.
"Anong itsura yan hahahahaha wag nyong sabihin may bad odor yong taong yon" tawa ko ulit.
"Blue Lewis!!!! " iritadong sigaw ni Bindi sa pangalan ko, awtomatiko akong tumakbo ng marinig ko yon, aalis na ako dahil magbabasa pa ako ng libro.. Nahinto ako ng maalala ko ang nangyari.ARMAN CHAVEZ??? ANO AT BIGLA KANG NAGPAKITA SAMIN...!!!!
------- PHILIPPINES -----
SAPPHIRA POV
Nandito ako ngayon sa C. M. kasama si Val medyo masama ang timpla ko ngayon at wala akong mapagsabihan ng sama ng loob kaya kahit may pasok siya minabuti ko ng sunduin para hindi na siya tumanggi pa. Si Drey sana ang kasama ko kaya lang...........
----FLASHBACK----
hinihintay kong makauwi si Drey, aligaga at hindi na ako mapakali.
"Ate bakit gising kapa? " napatayo ako ng makita ko itong nasa pinto kunot noong nakatingin at may bahid ng pag aalala sa mga mata.
"You're asking me now, sa tingin mo bakit?" inis na saad ko. Nilampasan ako nito at pabagsak na umupo sa sofa.
"Haysss oo na. May kailangan lang naman akong asikasuhin kanina kaya kita pinaalis" napapikit nalang ako.
YOU ARE READING
THE GANGSTER WORLD
RandomThe world of game, GANGSTER WORLD Dalawang salita ngunit kinatatakutan binubuo ng dalawang lugar na may limang sikat na gang. Sangay ng kabutihan kaakibat ng kasamaan, dalawang taong mula sa ibat ibang maimpluwensiyang gang. Bukod tanging magkaib...