CHAPTER 12

3 0 0
                                    

LANDER POV

Naglalakad kaming lima ngayon tungo sa dorm ni Val, nagmamadaling tinapos ni Drey ang ginagawa niya ng mabalitaan niya mula kay Kaye ang nangyari. Kita ko ang tunay na pag aalala nito para sa peki niyang girlfriend. Hindi ko inaasahan na concern siya sa babaing inilagay niya sa kapahamakan.
"Alam naman nating mangyayari to, at dahil hindi ka nakinig samin ito ang nangyayari ngayon" Kita ko ang seryosong mukha ni Rence, himala yata at wala siyang babae ngayon.

"Rence? Wala nang babae? "tanong ko nalang.
"Meron syempre ako pa" mayabang na sagot niya na ikinailing ko naman.
"Sagutin mo ko Drey. Tingnan mo ang nangyari ngayon aligaga tayo dahil sa ginawa ni Phyton at dahil hindi niya natamaan si Val tingin mo titigil siya hanggat hindi nasusugatan ang peki mong girlfriend? " Napahinto kami sa paglalakad at napabuntong hininga nalang si Drey.

"Kaya nga ako nandito Diba? Pwedi ba, alam ko namang mali ang naging desisyon ko,  hindi nyo ba kayang manahimik muna?" natahimik nalang si Rence sa sagot ni Drey. Muli kaming nagpatuloy sa paglalakad ngunit saglit lang ay muli na naman kaming napahinto
"Nandito na tayo" anunsyo ni Brill, pinindot niya muna ang door bell, nakailang doorbell muna si Brill bago bumukas ang pinto. Bumungad samin si Val na maayos naman ang itsura nito, bahagya kong tiningnan ang kamay niya na ngayon ay may benda.

"Brill anong ginagawa niyo dito?" tingin lang ang naging sagot ni Brill kasunod no'n ang paghawi ni Drey kay Brill na bahagyang ikinaatras nito. Agad niyang dinaluhan ang kamay ni Val na agad din naman binawi nito.
"Sinong naglagay niyan? " tanong ni Drey, sumulyap lang ito samin.
"Si kaye" sagot nito.
"Hindi mo ba kami papasukin? "Kyle.
"Ahh s-sige pasok kayo" bahagya itong nagbigay daan kaya agad na kaming naglakad papasok.

"upo muna kayo? " Pinasadahan ko ng tingin ang buong silid, maayos naman ang itsura nito mukhang komportable naman siya.
"Anong ginagawa nyo dito? "
"Wala, gusto kong kumain" diretsong sagot ni Drey napailing nalang si Kyle sa inasta niya. Style niya talaga bat hindi siya sabihin na nag aalala siya?
"Ahh sige, magbibihis lang ako" agad itong tumalikod ngunit agad din namang napahinto.
"Bihis? Bakit may lakad ka ba?" Drey.
"Diba sabi mo gusto mong kumain? ".
"Oo nga kaya magluto kana"

Seryoso itong tumingin kay Drey habang kami ito nakikinig at nakatitig lang sa kanila.
"Yan ka na naman, hindi nga ako marunong magluto Diba? "Val.
"Masarap yon salamat" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Drey kahit yong tatlo nagulat din.
"WHAT!!!!! " halos sabay sabay naming bigkas "Hoy!! Tama ba ang narinig ko?" bulong na tanong ni Kyle kay Brill.
"Ayos ka lang ba Drey?" Rence
"Baka nilalagat ka? " Segunda ko. Napailing nalang kami.

"Ibang klase.. Si Val na hindi marunong magluto masarap pa din pero kapag si Lander nagluto at marunong magluto hindi masarap? Aba..... Anep trip mo Drey" naiiling na turan ni Brill.  Napailing nalang ako na bahagyang ikinangiti ko. Ngayon ko lang nalaman na nasasarapan siya sa luto ko tsk tapos panay sabing hindi masarap pero panay subo naman.
"Manahimik nga kayo!!!" bulyaw niya tumawa lang si Rence sabay appear samin..
"Sige na magluto kana" baling pa nito kay Val. Agad namang sumunod si Val at nagtungo na sa Kitchen niya.

"Napansin nyo ba? Dati umaalma si Val kapag inuutusan, ngayon talagang ginagawa nalang niya without complaining" takang saad ko. Ilang minuto lang ang lumipas ay natapos na siyang magluto.
"Drey nandito na kumain kana" turan ni Val, tumayo naman si Drey kaya sumunod na kami,  nakakapagtaka talaga tong babaing to.
"Anong tinawag mo sakin? " Drey
"Drey" sagot ni Val.
"Yan na naman sila" bulong ni Rence kay Brill.

"Wag mo kong tawaging Drey" seryosong saad nito,  hindi iyon sinabi lang utos yon.
"Matagal na kitang tinatawag ng ganon bat ngayon mo lang sinabi yan? "
"Matagal na ba? " Drey. Hayssss napailing nalang ako
"masyado siyang halata" bulong naman sakin ni Brill na ikinatango ko lang.
"Kahit na" kalmadong saad nito.
"Ano bang gusto mong itawag ko sayo? Babe? " napabuga naman ako ng tubig.

THE GANGSTER WORLDWhere stories live. Discover now