LANDER POV
Pag dating sa hospital mabilis na inasist ng mga doktor at mga nurse sila Anna at Kyle.
"Sir/Ma'am dito nalang po kayo bawal po sa loob" pagharang saamin ng isang nurse. Hahakbang pa sana si Bindi na umiiyak pero mabilis itong nahawakan ni Blue at alias.
"Alias" malumanay na pagtawag ni Blue at Bindi sa kaibigan na walang humpay ang iyak.
"Tahan na, magiging maayos ang lahat" muling saad ni Blue. Mabilis naman lumapit si Rence para iabot ang panyo."Ano bang nangyari?" Hindi man halata ngunit alam kong naguguilty na naman si Rence dahil wala na naman siyang nagawa para kay Kyle. Ganon din ang nararamdaman ko pero parang umuurong ang mga dila ko at hindi ako makapagsalita.
"Hindi namin alam, nag uusap lang naman kami kanina. Nag paalam lang din si Anna pagkatapos ng performance ni Bindi at Alias pero hindi ko alam kung anong ginagawa doon ni Kyle" napapikit nalang ako sa paliwanag ni Brill."Si kyle?" Biglang sulpot ni Drey, Hindi naman nakasagot ang iba samin. Kapag ganitong setwasyon ma's gusto naming manahimik muna mabilis ang pangyayari at wala pang kasiguraduhan. Iba ang ugali niya. Mabilis uminit ang ulo kahit sa maliliit na bagay. Narinig ko nalang ang pag buntong hininga nito.
"Nakausap mo siya Brill. Wala bang nakakita kung sino ang may gawa?" Alias. Tiningnan ko lang ito. Kahit pala ang tulad nila ay nakakaramdam ng sakit.Ito din ang unang beses na may nakakita sa mga reaksyon nila... Sa mga naririnig ko ni minsan walang umiiyak sa kanila maliban nalang kay Alias na lingid sa kaalaman ng lahat talaga namang mabilis kumawala ang emosyon nito.
"I will definitely kill that idiot once I know who is behind this" Pabulong na saad ni Blue ngunit sapat na iyon para maranig namin.
"Kahit gawin mo yon, ikaw din ang magiging masama sa mata ng nakararami. Alalahanin mong nasa pilipinas tayo at ang batas namin ay hawak ng panlabas tao"Kita ko ang pagngisi nito bago tumingin sakin matapos ko iyong sabihin.... Aaminin ko dismayado din ako sa batas na ginawa ni drey sa mundo ng gangster dahil wala kaming kakayahang makialam o ipaghiganti ang mga taong malalapit samin. Kapag ganito na ang setwasyon biglang wala na kaming magawa.
"Batas? Batas ba kamo ang basihan nyo?" Napaiwas ako ng tingin bago ito sumulyap kay Drey."Walang batas sakin pagdating sa mga kaibigan ko" kita ko ang mahigpit na pagkapit ni Alias sa laylay ng damit ni Blue.
"Blue, tama na hindi magugustuhan ni Anna na ganyan ka" umiiyak na turan ni Alias.
"Kayo laban samin noon ay mahabang panahon na naging mag kaaway, lagi kaming nasa batas kahit hindi sakop ng gobyerno namin ang batas na ginawa ni Val" kita ko ang inis sa mukha ni Drey pero nagpipigil ito."Si Anna?" Sabay sabay kaming nagawi sa direksyon nito pawis na pawis ito at hinihingal.
"Rhea? Si anna" iyak na sumbong ni Alias.
"Nasa O.R siya" Sagot ni Bindi. Matalim na tumingin si Val kay Drey.
"Anong ginagawa mo Drey!? ANONG GINAGAWA MO!!!?" malakas na sigaw nito naagaw ang atensyon ng mga taong nasa whole way dahil sa nakakabinging sigaw ni Val. Nakakatakot siya, parang halos lahat kami walang gustong magsalita"B, kumalma ka muna please" napapalunok na turan ni Blue. Napangiti nalang si Val kasabay ng pagngiti nito.
"Kumalma?" Humarap ito kay Blue at ngumisi ng nakakaluko, pakiramdam ko umatras din ang tapang na meron ako parang Hindi ito tao.
"I've only fought against the villains to this days. Dalawang bagay lang yon, it was kill or be killed but only within our world" malumanay na litanya ni Val."Black alam namin na Mali to, but please let us do our job like what we have talked" pangungimbinsi ko kahit nangangatog ang tuhod ko dahil sa tambol sa dibdib ko pero pag-iling lang ang sabot nito.
"This two weren't a villain at all. Wala silang kasalanan trabaho nila ang pagiging gangster they weren't even close to being one. Drey, for me they are innocent ako ang pakay nila at damay lang sila" humakbang ito at tumingin sa OR kung saan naroon sila Kyle at Anna.
YOU ARE READING
THE GANGSTER WORLD
RandomThe world of game, GANGSTER WORLD Dalawang salita ngunit kinatatakutan binubuo ng dalawang lugar na may limang sikat na gang. Sangay ng kabutihan kaakibat ng kasamaan, dalawang taong mula sa ibat ibang maimpluwensiyang gang. Bukod tanging magkaib...