CHAPTER 31

3 0 0
                                    

RENCE POV

----KINABUKASAN----

Nandito ako ngayon sa dorm nagkakape mag isa habang iniisip ang mga napag usapan kahapon. Hindi ko na nagawang umuwi dahil sa letching pag aalala na kahapon ko pa nararamdaman. Nakakainis naman talaga. Napasulyap ako sa phone ko ng tumunog ito. Nag text lang sakin si Lander kaya agad ko iyong binasa.
"Bro? Nasan ka? papasok ka ba?" basa ko sa text nito.
"Oo, bakit?" reply ko naman.

Humihigop ako ng kape ng muling tumunog ang phone ko. Agad ko iyong tiningnan habang nasa bibig ang tasa.
"gago bilisan mo na!!! Late ka na naman" napabuga nalang ako ng kape dahil sa nabasa ko. Napatayo na din ako at hinanap ang relo at dahil nga kagigising ko lang at hindi pa nakapag ayos ng sarili, Anong oras na ba? tumingin nalang ako sa wallclock. F*ck 5 minutes na akong late nag mamadali kong tinakbo ang kwarto ko para mag ayos ng sarili.

----TIME SKIP----

Pagkatapos kong maligo nag magmadali na akong nag ayos, hindi ko na din nakuha pang magsuklay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Shit ang gwapo ko talaga!! Gwapo pa din ako kahit hindi nakakapag suklay. Kahit gusot naman ang buhok ko sigurado akong bagay lang ang ayos nito sa damit na suot ko. Nang masiguro ko iyon ay agad na akong lumabas ng dorm. Patakbo kong tinungo ang whole way patungo sa room ko ngunit wala akong naabutang estudyante roon.

"Nasan sila?" bulalas ko nalang. Iginala ko nalang ang paningin ko at doon ko nakita si Bindi naglalakad itong mag isa kaya agad ko itong tinawag, huminto naman ito at agad na din akong lumapit sa kanya.
"May itatanong ka? Feeling close?" nginitian ko nalang ito.
"Alam kong hindi tayo close, pero di ba nga matatawag na iyon na magkaibigan?" Kunot noo itong sumulyap sakin bago tumaas ang kilay.

"Ahh bindi nasan ang mga tao rito?" Nakangiting tanong ko.
"Nasa Audi sila" sagot niya. Tumango naman ako bago magsimulang maglakad kumaway nalang ako rito. Langya ka talaga Lander hindi ako nakapag ayos ng sarili ko dahil akala ko pa naman may pasok ngayon... Bwesit!!! Tika anong meron? Bat nasa Audi sila? Nagsimula akong maglakad at tulad ng dati ay napapangiti sakin ang mga nakakasalubong ko.

"Hi rence" kaway pa ng mga ito tanging ngiti nalang ang itinugon ko. Napaatras ako ng dumugin agad ako ng grupo ng kababaihan.
"Hi Terrence, ang gwapo mo talaga "  turan ng babae sabay hawak sa laylayan ng damit ko at tila ba nanunukso pa ito.
"Don't mind them. Alam nila ang ginagawa nila" tukoy nito sa mga babaing kasama niya na nakapalibot sa amin.

"So shall we go now? San mo gusto?" Napangiti ako sa sinabi nito.... Ganito sila pumulupot sakin at dahil sila na ang nagbibigay motibo wala akong karapatang tumanggi hindi ba? Pinasadahan pa nito ang leeg ko gamit ang hintuturo nito.
"You better stay your index finger away to my man or else I'll break your bone" malamig na dinig KO mula sa isang boses babae. Matapang na hinarap ng babaing nasa tabi ko ang babaing kanila lang ay nagsasalita.

"And who is she?" Tanong ng babae sabay taas baba ng tingin nito sa kaharap niya. Ma's lalong pumangit ang timpla ng mukha nito ng haplusin pa ng babae ang buhok niya. Mabilis na tinapik ni alias ang kamay nito at nakipagsukatan ng tingin. Ang ganda niya lalo kapag nagagalit siya. Kakaiba siya ngayon.
"Kung siya hindi mo pweding hawakan ma's lalong wag ako" naalerto ako dahil mabilis nitong sinikmuraan ang babae.

Mabilis akong lumapit dito at pumagitna sa kanila.
"Hey miss are you okay?" Tumango naman ito kaya agad kong hinarap si Alias.
"Alias ano kaba? Bat mo ginawa yon!" Turan ko.
"I warn her, is it not obvious? Wait, kinakampihan mo ba ang babaing to?" Kumunot lang ang noo ko. Haysss umiral na naman ang pagiging mainitin ng ulo niya.
"What? It's not like that, pero hindi mo naman kailangang pag buhatan siya ng kamay"

Mabilis nitong hinawakan ang kwelyuhan ng damit ko at sa hilatsa ng mukha nito ay talagang galit na ito.
"Hindi ako basta bastang babae na nakikipagsabunutan sa mga katulad niya. Tingin mo ba ikinagwapo mo ang pinagkakaguluhan ng mga babae sa harapan ko!?" Ano bang problema niya?bakit bigla bigla nalang siyang nagagalit?Mabilis na gumalaw ang kamay nito at umikot pa ito mula sa pagkakahawak sa kwelyo ko bago dibdiban ang babaing papalapit sa kanya.

THE GANGSTER WORLDWhere stories live. Discover now