VALERIA POV
Hindi ko maiwasang hindi kabahan. Nakatayo ako sa gitna ng kalsada, nakapiring ang mga mata. Pandinig nalang ang pwedi kong gamitin. Matagal na akong hindi nag kalaro nito wala din akong insayo kaya kumpyansa ako na baka hindi ko matamaan ang inner bullseye pero kung hindi ako magpupursiging patamaan ito makakapatay ako ng tao, bakit ba ang lupit ng pagkakataon at nagagawa niyang mangyari at mangdamay ng inosente..? Bumuntong hinga ako.
Umayos ng tayo at sinimulang hilain ang bowstring ipinuwesto ang finger thumb at nagsimulang umasinta. Tatlong arrow ang hawak ko kailangan mapunta silang lahat sa inner bullseye dahil buhay ng tao ang nakasalalay sa bawat panang bibitawan ko at dahil wala akong nakikita mataman kong pinakinggan ang paligid, bahagya kong iginalaw ang ulo ko at ng makahanap ako ng pagkakataon doon ko sabay sabay na binitawan ang pana papunta sa direksyon kung nasaan ang target.
Tahimik ang paligid, wala akong narinig na kahit na anong ingay mula sa mga taong nanonood samin. Tanging sunod sunod na tunog lang ng sasakyan ang naririnig ko. Agad kong tinanggal ang blindfold ko. Kita ko ang gulat sa mga mata ni Rence habang nasulyapan ko naman ang bahagyang pag iling ng babaing humamon sakin.
"Val!!! " sigaw ng isang boses. Anong nangyari? Bakit ang tahimik nila. Senyales ba iyon na papatay ako ng tatlong tao kapalit ng tatlong pana na hindi tumama sa inner bullseye?Kita ko ang pagtakbo ni Drey papalapit sakin, napapikit nalang ako na siyang biglang pagpulupot ng dalawang braso sa likod ko.
"Buti naman at dumating ka" dinig kong tinuruan ni Rence.
"Anong nangyayari dito? " matutunugan sa boses ni Drey ang pag aalala, napamulat ako at kita ko ang sinsiridad ng pag aalala nito.
"Nasan si Panter? " tanong ni Lander.
"Congrats, natalo mo ko" napabitaw ako ng yakap kay Drey at diretsong tumingin sa babaing nasa harapan ko.Kinuha ko ang iniaabot nitong dart. Nanlalaki ang mata kong tumingin kay rence, is this for real?
(PICTURE)"Val ang galing mo!!! " turan ni rence kasabay ng pag alog nito sakin na agad kong ikinangiti.
"Ikaw ang umasinta niyan? " Tumango ako sa tanong ni Brill.
"Ang galing mo" mas lalo akong napangiti ng masilayan ko ang ngiti ni Lander, nakita ko din itong ngumiti.
"Naka pasa ka sa pagsubok ko, tulad ng napag usapan susundin ko lahat ng nais mo" turan ng babae."Pagsubok? Para saan yon? "
"Ikaw ang babaing gusto ng superior namin. Nasa tradisyon namin na subukin ang babaing iibigin siya iyon ang paraan namin para malaman kung karapatdapat ka ba para sa kanya at hindi magiging pabigat at kahinaan" paliwanag niya, tiningan ko lang si Drey. Bakit hindi niya sinabi sakin.
"hindi mo pa rin dapat ginawa!! ""Pasensya na storm, hindi ako obligadong humingi ng tawad dahil sa ginawa ko, o baka gusto mong ipaalala ko sayo na susunod lang ako sa lahat ng utos mo pero hindi mo ko pweding pakialam sa kung anong gusto kong gawin. Isa pa matalino siya kaya wala kang dapat na pag ipag alala" madiin kong hinawakan ang laylayan ng damit ni Drey ng maramdaman ko ang kakaiba nitong presensya.
"Hindi mo kailangan ipamukha sakin yan Panter, gusto kong malaman mo na pag aari ko ang pinapakialam mo" madiing turan ni Drey.
YOU ARE READING
THE GANGSTER WORLD
RandomThe world of game, GANGSTER WORLD Dalawang salita ngunit kinatatakutan binubuo ng dalawang lugar na may limang sikat na gang. Sangay ng kabutihan kaakibat ng kasamaan, dalawang taong mula sa ibat ibang maimpluwensiyang gang. Bukod tanging magkaib...