CHAPTER 21

4 0 0
                                    

LANDER POV

Napatakip ako ng bibig ng bigla nalang akong humikab, inaantok na ako gabe na kasi pero tuloy pa din kami sa pag hahanap sa Kaleidoscope gang. Si Kyle nga na sanay sa computer parang nakakaramdam na ng sakit sa mata. Mula pa kasi kaninang umaga nakaharap na kami sa monitor. "May nahanap na ba kayo? " tanong ni Kyle. Umiling lang kami bilang sagot, wala naman kasing makikita e.

"Wala akong mahanap maliban sa mga background na ordinaryong nagaganap sa isang tao" Brill
"Ako din, ilang beses ko ng inulit ulit ang info na meron sila pero wala talaga" naiiling na turan ko. "Parang pinag handaan talaga nila ito, malinis nilang iniwan ang lahat sa Japan, imposible pang makakita tayo dito ng kakaiba. Mas mabuti siguro kung pag usapan nalang natin sila" napapangiting turan ni Kyle. Teka tama ba ang nakikita ko? Interesado siya?

"lumapit kayo" turan pa nito,  napapailing akong lumapit dito. Hmmm may gusto kaya siya sa isa sa mga kaibigan ni Val?
"Ano bang iniisip mo? " Brill.
"I'm just looking for more info, i think we should look far about them" sagot pa nito tumango nalang kami.
"Galing sila sa mayayamang pamilya maliban kay Val, si blue ang pinakamatanda sa kanila, he's the son of the former president of Japan" Kyle.

"Walang pag dududa dito bro, hindi naman sila mayayaman just because of their own dahil yon sa pinagmulan nila, maliban kay Val." Ako.
"E ito? Gusto kong malaman ang tungkol kay Alias" Brill.
"sila ang nangungunang Entrepreneurship sa buong mundo, marami silang branch lalo na sa pilipinas if i'm not mistaken family nila ang kakompitensya ng mga Chavez" tinaasan ko naman ito ng kilay.

"Ano bang sinabi mo Kyle? Garcia siya pareho na ba sayo ang De La Fuente at Garcia? Sa pagkakaalam ko De La Fuente was the main brach you're talking about" Ako.
"May nabasa ako about this mahilig ang dalawang matandang De La Fuente sa mystery, naisip ko na baka isa iyon sa dahilan kaya De La Fuente ang ginamit ng mga ito instead of Garcia" Brill.

"Sila pala yon? But unfortunately lahat ng branch nila ganon ang pangalan. I'm so amaze kakaiba sila mag isip no wonder kung bakit sila ang kakompitensya ng mga Chavez" Ako.
"Well actually, nabasa ko din na magulang mismo ni Alias ang nag isip no'n, now i know how alias do her moved as clean as what her parents do" napaawang ang bibig ko sa sinabi ni Brill, habang natatawa naman si Kyle.

"Someone get his attention" napapailing naturan ni Kyle,  habang nakatuon na ang atensyon sa monitor.
"Itong si Bindi? What do you think?" Ako.
"Private ang buhay niya, walang specific na info about her life, pero tulad ni blue at alias mayaman din ito bukod doon wala na akong mahanap" tumango naman ako, pareho din pala kami.
"Pareho pala kayo Lander" tiningnan ko naman si Brill.

Nakakabasa ba siya ng isip ng tao? Hindi nalang ako sumagot ayukong inaasar ako. But i find her interesting.
"Itong si Anna naman anak siya ng  Prinsipe ng Spain, iyon lang talaga ang nahanap ko bukod doon wala ng iba" nakakapagduda nga yon.
"Lahat sila mayayaman maliban kay Val, pero bakit pinili nilang mamuhay ng tahimik kesa maging isang taga pagmana! " naiiling naturan ko.

"Mali ka don, nakakapagtataka din tong si Val. Mahirap lang siya pero may kakaunting business ang family niya, actually nalaman kong sa isang buwas apat o limang beses umaalis ang mga magulang niya para magtravel, kung ako ang tatanungin hindi yon magagawa ng mga taong tulad nila na hindi naman ganon kayaman, mas maraming beses ang mga ito kung umalis kumpara sa mga magulang ng kaibigan ni Val" pagpapaliwanag ni Kyle.

"Baka naman kompanya yon" huwesyo ni Brill, nagkibit balikat nalang kami. Naglakad ako pabalik sa upuan ko, para sakin nakapagtataka nga iyon pero hindi sapat para masabing sila ang hinahanap namin. pabagsak na umupo sa sofa si Brill.
"Kahit ano man yon, walang kahit na anong nag uugnay sa kanila tungkol sa Kaleidoscope ibig sabihin lang noon wala sila dito" Ako.

THE GANGSTER WORLDWhere stories live. Discover now