CHAPTER 14

3 0 0
                                    

----KINABUKASAN----


KAYE POV

Kanina ko pa hinihintay si Val dahil gusto kong malaman kung ayos lang ba siya.
"Guys natalo daw no'ng newbei si Panter kagabe"
"Talaga? Ang galing naman niya "
"Oo talagang magaling alam nyo bang dahil doon pinuri pa siya ni Panter dahil natalo siya nito"
"WOW ang swerte naman niya"
"Tapos kagabe may nakakitang hinatid ni superior yong girl tapos parang nag aaway" napapikit nalang ako.

Anong oras na hindi ko pa din makita si Val, dahil ba sakin kaya sila nag away? Dapat ko na bang ipaalam sa kanya na ako ang nakalaban niya kagabe?. Nakita kong papalapit sakin si Drey kasama ang iba.
"Nasan si Val? "
"Bakit mo sakin hinahanap?" madiing nitong hinawakan ang braso ko at nanlilisik ang matang tumingin sakin.
"kapag nalaman kong may ginawa ka sa kanya, magtago ka nalang"

Napataas ang kilay ko sa tinturan niya.
"Pinagbabantaan mo ba ako Superior?"
"Hindi yon pagbabanta.!!! Gusto ko lang sabihin sayo dahil kanina ko pa siya hinahanap at hindi ko siya makita"
"Wag kang mataranta dahil hindi naman siya lumabas" pagbabalita ni Kyle na kadarating lang.
"Nasan siya? " tanong ko dito.
"Nasa dorm lang siya at hindi pa daw lumalabas" sagot nito agad namang tumakbo si Drey kaya sumunod na kami.

DREY POV

Halos hindi na ako mapakali kakahanap kay Val,  hindi ko din maintindihan ang sarili ko ang alam ko lang kasalanan ko kapag may masamang mangyari sa kanya. Walang tigil ang pagtakbo ko hanggang sa marating ko ang dorm nito, dahil alam ko ang doorcode niya ay agad na akong pumasok napahinto ako agad ng makita ko ang isang lalaki na nasa pinto ng kwarto ni Val, pakiramdam ko biglang nabuhay ang galit ko na kagabe ko pa nararamdaman.

Dali dali akong tumakbo tungo sa kinaroroonan ng lalaki ng mapansin kong bubuksan nito ang pinto ng kwarto ni Val.  Mabilis kong hinawakan ang likod ng damit nito at inambangan ng isang malakas na suntok, napahiga ito kaya muli kong hinawakan ang kwelyo nito akmang susuntukin ko pa sana to ng magsidatingan ang mga kasama ko kasunod ng paglabas ni Val sa kwarto nito.

"Anong ginawa mo!!!" bulyaw nito sakin
"Bakit parang kasalanan ko pa!! "
"Drey tama na yan" awat ni Brill
"Sino ang lalaki to? Bat nandito siya? " Lander.
"Blue ayos ka lang?" mas lalong uminit ang ulo ko dahil concern pa siya sa lalaking to.
"Ang lakas ng loob mong pumasok dito!! " akmang susugod pa sana si Rence ng hawakan ito ni Kyle kasunod ng pag sigaw muli ni Val.
"Ano ba!!!?  Tumigil na nga kayo, ako dapat ang nagtatanong niyan, bakit pumapasok kayo sa dorm ko ng hindi ko alam!! "

Napangiwi nalang ako sa inasta niya.
"Nag iisip ka ba? Kung hindi ako dumating baka may ginawa na sayo ang lalaking yan!! " inis kong saad.
"Ano naman ang gagawin niya? Kaibigan ko siya naiintindihan mo ba yon!!!  Wala kang karapatang pagbuhatan siya ng kamay"
"Val, girlfriend ka ni Drey natural lang naman na mag alala siya sayo" kyle
"Nag aalala kami sayo dahil hindi ka pumasok" Depensa ni Lander

"Boyfriend mo ko, bat sya pweding pumasok dito kahit kaibigan mo lang siya,  bat ako hindi ko pweding gawin yon! " inis na turan ko.
"Magkaiba yon!!" tinulungan niya yong lalaki at hinawakan pa ang labi nito na mas lalong nakapagpainit ng ulo ko..!!!
"Bahala ka nga sa buhay mo!! " inis kong asad at agad ng umalis. Bwesit ano bang pinagsasabi ko? Hayssss

VALERIA POV

"Okay ka lang ba blue? " tumango naman ito habang hawak hawak ang panga, gusto kong pagtawanan ang itsura nito dahil alam kong gusto niyang gumanti ng suntok kanina pero nag pipigil lang siya. Mula sa kinauupuan namin nakatayo naman ang apat na lalaki at isang babae.
"Ano ba kasing ginagawa mo at bigla bigla ka nalang sinugod ni Drey" tanong ko kay Blue.
" Wala akong ginagawa pwedi ba?" inis na sagot nito.

THE GANGSTER WORLDWhere stories live. Discover now