VALERIA POV
Matamlay akong naglakad sa hagdan tungo sa dorm ko. Nakakainis naman. Pagdating ng dorm agad akong dumiretso sa kwarto ko at pabagsak na umupo. Napapikit nalang ako ng maalala ko ang nangyari kanina.
----FLASHBACK----
" Ano bang luto to? Ha!!? Ang alat"
"Wag kang mag reklamo sinabi ko naman na wala akong alam sa pag luluto Diba? ""Hindi mo ba tinikman to!! " bulyaw ni Drey hindi naman ako kumibo. Mahigpit nitong hinawakan ang braso ko, a yan na naman yong itsura niya bat ba ang bilis uminit ng ulo niya.
"Sinasadya mo to no!!! " tinitigan ko lang siya, umiling lang ako bilang sagot.
"sinabi ko naman sayo Diba hindi ako marunong magluto" tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko.Nakatitig lang ito at humahakbang palapit sakin, ako naman umaatras pa. Napahinto ako ng tumama sa likod ko ang isang bagay dahilan para pareho kaming mawalan ng balanse sa katawan. Nanlalaki ang mata kong napatitig sa kanya habang nakapatong sa taas niya at magkadikit ang mga labi.
"Hala sh*t sorry" turan ng isang boses dahilan para itulak niya ako mula sa pagkakapatong."Pasensya na, nakakaistorbo ba kami?" Tanong ni Rence dali dali akong tumayo at inayos ang itsura ko tuloy hindi ko alam ang gagawin ko.
"Nakita ko yon" segunda ni Kyle na kalmado lang.
"Natin ano ka ba? " gatong ni Lander na mas lalong nakapagpapikit sakin.
"Sana nilock nyo yong pinto" tila nanghihinayang na saad ni Brill.
"SHUT UP!!" Sigaw ni Drey habang napapaiwas ng tingin, sa sobrang hiya ko agad na akong tumakbo palabas ng dorm nila.----END OF FLASHBACK----
Napapikit nalang ako at nagpapadyak habang nakahiga bwesit!!!! Nakita nila yon haysss bat hindi ko napansin na nasa pinto ako nakakainis talaga..... Tinakpan ko nalang ng unan ang mukha ko.. Bwesit talaga!!!!
----KINABUKASAN----
Nagising ako sa tunog ng phone ko kanina pa ito tumutunog kaya hindi na din ako makatulog. 7:30 na ng umaga pero ito ako ngayon nakahiga pa din, wala akong ganang pumasok ngayon. Bumangon na ako at sinagot ang tawag.
"HOY BALIW NA BABAE HINDI KA BA PAPASOK!!!? LATE KANA WALA AKONG MAUTUSAN!! " Pinatay ko kaagad ang tawag, napapailing nalang ako.Papasok ba ako? Nakakainis kapag pumasok ako makikita ko siya tapos maaalala ko ang nangyari kahapon, hayssss bwesit nakakainis naman. Kapag hindi naman ako pumasok magagalit si halimaw tapos paaalisin niya ako dito sa academy. Haysss Bwesit talaga. Bahala na nga, tuluyan na akong nag ayos ng sarili ilang minuto lang lumabas na ako ng dorm... Dali dali akong napatalikod sa pinto ng dorm ko dahil sa gulat.
Nakita ko kasi si Brill nakasandal ito sa pader ng dorm ko.
"Ano ka ba!!? Ayos lang yong hindi ka magsalita pero wag kang manggugulat"
"Buti naman at lumabas kana" seryoso lang nitong saad, tiningnan ko lang ito. Ano bang ginagawa niya dito?.
"Wag ka ng magtanong pinapasundo ka ni Drey" tulad ng sinabi niya hindi nalang din ako kumibo. Sumunod lang ako... Ang cool niya.Bahagya akong napangiti feel ko nawala ang hiya ko doon sa nangyari kahapon ang bait niya nga talaga.
KAYE POVpapasok na sana ako sa room ng mahagip ng mata ko si Val kasama si Brill, nauunang naglalakad si Brill habang nakasunod naman si Val. Bakit sila magkasama? Napaisip ako sa puntong iyon. Talaga namang mabilis makaagaw ng atensyon si Val, bukod sa inosente nitong mukha mabilis talaga siya makaagaw ng atensyon isa pa napakakalmado niyang tao.
"Val!!??" sigaw ko sa pangalan nito tumingin ito sa direksyon ko kaya tumakbo na ako palapit sa kanila.
YOU ARE READING
THE GANGSTER WORLD
RandomThe world of game, GANGSTER WORLD Dalawang salita ngunit kinatatakutan binubuo ng dalawang lugar na may limang sikat na gang. Sangay ng kabutihan kaakibat ng kasamaan, dalawang taong mula sa ibat ibang maimpluwensiyang gang. Bukod tanging magkaib...