CHAPTER 35

1 0 0
                                    

VAL POV

Pumasok ako sa isang builing kung saan walang tao. Nasa tapat ako ng isang shop kung saan naroon ang pakay ko. Habang naglalakad ako hindi mawala wala sa isip ko ang itsura ni kaye. Kita ko kung gaano ito kahina pagdating sa kapatid niya at sa setwasyon niya gulong gulo ito at parang Hindi malaman kung ano ang gagawin niya. Napapaisip tuloy ako, ano ba ang gagawin ko kapag sakin nangyari ang bagay na iyon? Mananatili ba akong kalmado at magiging tapat sa batas na ginawa ko? O magiging marahas ako sa ma's mababa ang antas kumpara sakin?

----FLASHBACK----

"Anong nangyari?" Blue
"Hindi po ako sigurado pero parang may hindi pagkakaunawaan doon sa babae at lalaki nakita ko pa nga pong naglaban sila kaya lang biglang humarurot ang truck palapit doon sa babae kaya tinakbo ng lalaki ang kinaroroonan nito dahilan para magkasabay na masagasaan ang dalawa"

----END OF FLASHBACK----

Sa muling pagkakataon bumugso ang galit ko. Pakiramdam ko hindi ko na mapipigilan pa ito. Isa lang ang alam ko hindi ako nakikipaglaro ng hindi tapos, sinisiguro kong ngayong gabi mismo kami maghaharap at pagbabayaran niya ang ginawa niya. Mabilis akong pumasok sa loob ng building at tuloy pa din sa paglalakad. Nang marating ko ang kwarto ng building na hindi naman ganon kataas ay agad akong pumuwesto.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Alias.
"Nasan ka?" Mabilis na tanong ko ng sagutin nito ang tawag.
"Nandito ako sa hospi-"
"I'll text you the address puntahan mo agad ako ngayon na isama mo na din si Brill"
"Per-" Hindi ko na ito pinatapos pa at agad na pinatay ang tawag... Kinuha ko ang snipe gun at dali dali ko itong inasimble.

Nang maayos ko iyon ay agad kong itinutok sa target, saglit akong nahinto ng may maisip ako. Hindi magiging maganda ang ending ng laro kung papatayin ko agad siya siguro bibigyan ko muna siya ng ma's magandang regalo na hindi niya kailanman makakalimutan bago niya harapin ang kamatayan.
"Pasensya na kailangan kong gawin to" mahinang bulong ko, kinasa ko ang snipe gun at sunod sunod kong binaril ang mga tao sa shop kung nasaan naroon ang pakay ko.

Napangisi ako ng makita ko ang kakaibang reaksyon sa mukha nito. Halatang hindi niya iyon inaasahan. Nabaling ang tingin ko ng tumunog ang phone ko.
" nandito na kami" pambungad nito sakin ng sagutin ko ang tawag...
"Gawin nyo ang ginawa niya"
"Ano ba tong ginagawa mo B?"
"Sundin nyo nalang ang gusto ko. Nasa taas ako" tumingin ito sa building na kinaroroonan ko.

"Don't worry tatakutin lang natin siya just wait for my sign" muling saad ko. Agad Kong pinatay ang tawag at binalingan ng tingin ang target. Dahil gusto Kong marinig ang sasabihin niya agad ko itong tinawagan hindi pa man nakakailang ring ay agad na nitong sinagot ang tawag.
"Hey there Mr. Seven Torres?" Pagbanggit ko sa pangalan nito habang nakangiti. tumayo ako sa pagkakaupo at binitawan ang snipe bago tumungo sa isang bintana kung saan tanaw ko si Seven.

"Sino ka?" Kumunot ang noo ko ng magsalita ito, hindi pa naman siya patay pero natatakot na siya?
"Someone you should fear" seryoso akong nakatingin dito habang patuloy ito sa pagpapalinga linga.
"Yong ginawa mo? Hinding hindi ko yon palalampasin. There's only one way humans are born but there is countless way to die"
"Anong sinasabi mo!!? Alam mo ba kung sino ang kinakalaban mo!!?"

Bahagya akong tumawa sa sinabi nito.
"I know you more than anything. I just wander which way would suit you the best".
"Sino ka ba!! Bakit mo ginagawa sakin to!!!?" Napailing nalang ako habang napapasinghal. Ang tao nga naman talagang makikita mong wala silang magagawa sa ganitong setwasyon lalo na kung kamatayan ang naghihintay sa kanila.

Tumingin ako sa direksyon nila Alias, kahit medyo malayo ito alam kung nakikita niya ako kahit papaano. I give her a sign at tila naintindihan naman nila iyon. Kita ko ang pagharurot ng kotse tungo sa isang shop. Kita ko ang gulat at pagkatakot ni Seven ng bigla namang huminto ang kotse sa harap mismo ng shop. Nakapikit si Seven at unti unting dumilat ngunit bago pa man nito imulat ang mga mata nakaatras na ang kotse na ginamit nila alias at muling bumalik sa kaninang pesto nito.

THE GANGSTER WORLDWhere stories live. Discover now