DREY POV
Nakaupo lang ako sa labas ng kwarto kung saan nakaconfine sina Anna at Kyle, hinihintay ko si Val. Nag aalala ako okay lang kaya siya? Bahagya akong napangiti ng masulyapan ko itong naglalakad papalapit sa direksyon ko.
"Val? Are you okay? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?" Tanong ko dito.
"I'm fine, anong ginagawa mo dito sa labas? Bat hindi ka pumasok sa loob?"
"Hinihinatay kita Val" sumulyap ito sakin at binalingan ng tingin ang direksyon ng pintong nasa harapan namin."Nasan sila?" Ako lang kasi ang nagbabantay kay Anna ngayon.
"Nasa labas ang dragon storm, medyo mabilis ang pangyayari kaya inaasikaso muna ng grupo ko ang problema para hindi ka punteryahin ng mga pulis si alias at bindi naman pinasama ko kay kyle para magpahangin" tumango lang ito at nagsimulang humakbang papasok sa kwarto, agad naman akong sumunod dito. Nilapitan nito si Anna na mahigpit ang pagkakapikit ng mga mata."Kamusta siya?"
"Okay na siya Val stable na ang lagay niya magigising na siya anytime" napansin ko ang pagbuntong hininga nito. Hinawakan niya ang kamay ni Anna at marahang hinaplos.
"Wake up Anna I really need you right now. Hindi ka ba napapagod matulog? Ilang araw ka ng nakahiga dyan" litanya nito. Bahagya akong nailing ngayon ko nalang ulit narinig ang mga pabiro nitong salita...
"Val?" Umayos ito ng tayo at tumingin sakin."Pasensya na. Hindi mo dapat nakikita ang ganitong eksina" umiling lang ako.
"Wala yon, lahat tayo may kahinaan at kung may inaasahan pa akong ibang reaksyon mula sayo maiintindihan ko yon i know how Annabella means you a lot" Hindi ko alam pero gusto ko siyang hawakan at nagawa ko naman iyon hindi naman siya umalma ngunit kita ko ang pagkurba at pagkalukot ng kilay nito.
"Mula ng malaman kong ikaw si black ni minsan hindi ko inasahan na makikita ko kung gaano mo kamahal ang grupo mo""Hindi ko sila kagrupo, mga kaibigan ko sila kaya kahit inuuod na ang katawan ng leader ng Memphis hindi iyon sapat dahil bawat oras na nakahiga si Anna dito mahalaga at katumbas nuon ang panggambang baka hindi siya magising" tumango naman ako. Nauunawaan ko naman pero kasi iba siya gumanti hindi sapat ang isang buhay bilang kabayaran, o baka naman pinapakita niyang muli kung gaano siya kalakas kesa sa ibang grupo.
"Val, nag aalala ako sayo. Pakiusap hayaan mo nang ako ang lumutas ng problemang ito" kumunot lang ang noo nitong tumingin sakin.
"Anong sinasabi mo? Pinipigilan mo ba ako? Storm?"
"Hindi, hindi sa ganon alam mong mali ang ginagawa mo at maaari kang mapahamak" suminghal lang ito.
"Drey, walang Mali sa ginagawa ko." Tumingin ito sakin habang may nakakalukong ngiti.
"Tingnan mo si Annabella, alam mo bang bawat araw na pananatili niya dito ay isang kapahamakan sa kanya? Kaya hindi ako papayag na maging maligaya ang gumawa nito sa kanya habang siya ay nakaratay sa kamang to""Val... Hayaan mong gawin ko ang trabaho ko. Hindi bat karapatan ko din na parusahan ka ngayon dahil gumagawa ka ng hakbang laban sa mga nasasakupan ko. Nandito ka sa pilipinas kung saan sa mundong ginagalawan ng mga tulad natin ay batas ko ang sinusuway mo" tumango naman ito kasabay ng pagngiwi nito.
"Sabihin mo sakin, may gusto ka ba sakin?" Bahagya akong nagulat dahil sa sinabi niya. Napaiwas na din ako ng tingin dahil sa wala akong maisagot sa mga tanong niya."What? Ano bang sinasabi mo?"
"Malinaw na tanong iyon storm" bakit ba hindi ko masagot ang tanong niya.
"I don't like you, I just want everything to be fine while you're here in my territory"
"Then let me be, Hindi batas mo ang makakapigil sakin. Soon you will know the truth behind this at kung sinuway ko man ang batas mo i will gladly accept your punishment"
"Ano bang sinasabi mo, wala naman sakin yon Val kaya lang ma-" she didn't let me finish my word."It means nauunawaan mo ko. Tama ako Hindi ba? Nitong nakaraan nagkaroon ng pagpupulong ang lahat, Maliban sakin na hindi dumalo. Alam nating pareho kung patungkol saan ang pagpupulong na yon. Queen is looking for someone napapalit sa trono niya" tumingin ito sakin bago umupo.
"Para sa kanya isang maliit na problema lang itong kinakaharap ko, hindi ito mabigat sa mata ng iba pero bakit hirap akong ituwid ang lahat kung ganon ito kadali?"
YOU ARE READING
THE GANGSTER WORLD
RandomThe world of game, GANGSTER WORLD Dalawang salita ngunit kinatatakutan binubuo ng dalawang lugar na may limang sikat na gang. Sangay ng kabutihan kaakibat ng kasamaan, dalawang taong mula sa ibat ibang maimpluwensiyang gang. Bukod tanging magkaib...