B POV
Nakatayo lang ako dito sa loob ng kwarto sa dorm. Hindi mawala sa isip ko ang nangyari kahapon, nakita kaya yon ni Drey? Napailing nalang ako. Bakit nag aalala ako imbes na isipin ang ginawa sakin ni Arman? Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito. Mataman ko itong tiningnan. "Alias? May problema ba? " kinakabahan ba siya?
"Anong nangyari? Bakit parang nababagabag ka? " umupo ito sa sofa at humugot ng malalim na hininga."Hindi ko alam kung makakatulong ako sa setwasyong to B, lalo na ngayon Masyado ng magulo ang lahat"
"Ano bang sinasabi mo? "
"Narinig ko ang usapan nila Rence at Lander. Hinahanap ka ni Storm pursigido itong malaman kung nasan ka at....." tinaasan ko ito ng kilay at hinihintay na ituloy ang sasabihin.
"Sabihin mo na nakikinig ako""May hinala sila kung nasaan tayo anong gagawin natin? " tiningnan ko lang ito.
"Ikaw? anong gagawin mo kapag nakaharap mo ang kaibigan mo? Papatayin mo ba siya to prove your loyalty?" Mabilis itong tumayo at hindi makapaniwala sa mga narinig niya. Bahagya akong ngumiti dito.
"Anyway kung yon ang ginagawa nila, ayukong mahirapan sila sa paghahanap satin. Iparating mo kay rence na darating si Black ngayon gabi""Rhea"
"Bakit Alias natatakot kang makaharap ko sila?" tinalikuran ko ito.
"Hindi na to maitatago pa dahil sa koneksyong nag uunay sa inyo" muli ko itong tiningnan. Alam ko kung gaano kaharap ito para sa kanya. "Ito lang ang magagawa ko para maligtas kita saka ko na iisipin ang kaparusan mo sa ginawa mo ngayon" napayuko nalang ito kasunod ng paghikbi nito."Hindi ko maisip ang dahilan nito kung kaibigan mo lang ba talaga siya. Sabihin mo sakin kung paano nag umpisa ang lahat baka sa puntong yong maunawaan kita"
"I'm sorry, Hindi ko naman ginusto to. Basta nalang nangyari at hindi ako naging handa para dito kaya wala akong magawa kundi ang maglihim sayo"
"Talagang hindi mo gugustuhin Alias. Kung sinabi mo agad sakin baka mas napaghandaan ko ito ng mabuti nauunawaan mo ba!!!! "Hindi na ako makapag pigil at Mabilis kong hinawakan ang braso nito, ramdam ko ang pag baon ng mahahaba kong kuko sa balat nito. " B, please tatanggapin ko lahat ng kaparusahan wag lang si rence nag magmakaawa ako sayo. Si Storm lang ang pumatay kay Jungwoo siya lang ang pagbayarin mo" pakiiusap pa nito... Biglang bumugso ang inis ko dahil sa sinabi nito... Bakit tila biglang ayaw kong marinig ang pangalan na yon o kahit maugnay sa ano mang usapang may kinalaman sa nakaraan.
"ganon ba siya kahalaga sayo para magmakaawa ka sakin!!!! Naglihim ka Alias at ngayon nagsisinungaling ka pa!!!!" maharas kong binitawan ang braso niya na nakapagpaupo sa kanya. Napaawang nalang ang bibig ko, bigla bigla Hindi ko makontrol ang sarili ko.. Nabubuhayan na naman ako ng galit sa mga tulad nilang nalilihis ang landas at mas pinipiling mag traydor sakin!!! Pagod na akong magtago sa sulok at walang ginagawa kahit na niluluko na ako ng mga taong nasa paligid ko!!!
"umpisa palang, malinaw kong sinabi sakin inyo wala akong ititirang buhay sa kanila.!!! At kapag napatunayan ko yon mark my word wala akong oras na sasayangin at hindi ko maipapangakong mabubuhay ang lalaking pinoprotektahan mo!! "
"Bakit ba ganya ka katigas Black!!! Si storm lang ang pumatay sa kanya Bakit lahat sila pagbabayarin mo!!! Ibig mo bang sabihin ang buhay ni Jungwoo ay katumabas ng buhay nilang lima!!!!! ""Oo!!! Ang gang war na yon pilit kong hinaharangan para sa kapakanan mo at nang iba pero hindi ko akalaing habang abala ako sa pagprotekta sa inyo niluluko mo na pala ako!!! Imbes na pigilan niya ang grupo niya para itigil ang gulo at para sa kapakanan mo itinuloy parin nila. May kakayahan siyang pigilan ang gulong yon!!! Iniisip mo siya pero hindi ka niya inisip alias!!!!"
"Alam mo na umpisa palang? " mapapikit nalang ako.
" iyon ang dahilan kaya nanahimik ako ng matagal, umaasa na sasabihin mo yon sakin. Dalawang taon yon alias DALAWANG TAON!!!!! " ramdam ko ang paghinahon ko ng maramdaman ko ang kamay nito.
"I'm begging you, Hindi ko din alam kung bakit pero ayukong masaktan siya parang hindi ko kaya yon." napayuko ito habang pinagmamasdan ko.
YOU ARE READING
THE GANGSTER WORLD
RandomThe world of game, GANGSTER WORLD Dalawang salita ngunit kinatatakutan binubuo ng dalawang lugar na may limang sikat na gang. Sangay ng kabutihan kaakibat ng kasamaan, dalawang taong mula sa ibat ibang maimpluwensiyang gang. Bukod tanging magkaib...