---- KINABUKASAN ----
VALERIA POVMatapos ang party hindi na ako nakatulog pa kaya maaga palang umalis na ako sa dorm at pumunta dito sa library para mag basa nalang ng libro. Wala din akong ganang pumasok. Napapikit nalang ako ng maalala ko na naman ang nangyari kagabe, hindi ko inaakalang iyon pala ang ibig niyang sabihin pero sana sinabi niya para naman nakapag handa ako hindi yong pabigla bigla siya.
"Pweding makiupo?" napamulat ako at napaangat ng tingin."Ate Sap anong ginagawa mo dito ng ganito kaaga? Wala ka bang pasok? " malungkot itong umiling.
"Pasensya kana kagabe Val" paghinging paumunhin niya na ikinailing ko.
"Ayos lang yon" turan ko at ibinalik ang atensyon sa librong hawak ko.
"Hindi niya ako kinausap kagabe, sigurado akong nagtatampo yon, tsk baka nga galit pa yon" natigilan ako sa pagbabasa at bahagyang sumulyap sa direkayon ni ate Sap."Bakit naman siya magtatampo?" hindi ito sumagot sa halip tumingin ito sakin.
"Val bakit hindi mo agad sinabi sakin na girlfriend ka niya? "
"Ate Sap sinagot ko na po yan kagabe"
"Alam kong hindi lang yon ang dahilan"
"Bakit kailangan mo pang alamin? Hindi pa ba sapat sayo ang naging sagot ni Val kagabe? " agad naman napatayo si Ate Sap mula sa pagkakaupo.
"Drey" bigkas ng nakatatandang kapatid nito."Kelan ka pa natutong maging interesado sa pang araw araw na buhay ko? " seryoso lang itong nakatitig sa kapatid niya habang napapailing naman si Ate Sap, kita ko ang pagtaas baba ng balikat nito na ikinaalala ko. Umiiyak siya?
"Drey alam kong galit ka per-" napatayo ako ng hilain ni Drey si Ate Sap palabas ng library. Dali dali akong sumunod. Gusto ko siyang pigilan pero parang may pumipigil sakin. Bakit nakakaramdam ako ng pag aalinlangan kapag nagagalit ka?"Tell me now. Anong palusot mo Sapphira" gigil nitong saad at tinawag pa ito sa pangalan niya. Ramdam ko ang takot ni ate Sap.
"I-im s-sorry " umiiyak at nauutal nitong saad sa galit na galit nitong kapatid.
"Kahit anong gawin nyo hinding hindi nyo makokontrol ang buhay ko, at pakisabi sa magaling mong kapatid wag niya akong pakikialaman. Hindi man magandang pakinggang pero sinisiguro ko na hindi niya gugustuhing kalabanin ako"Marahas nitong binitawan ang kamay ni Ate Sap agad agad naman akong lumapit ng tuluyan ng makaalis si Drey. Pinagbabantaan niya ba ang sarili niyang kapatid? Ano ba talaga ang nangyayari?.
SAPPHIRA POV
Nanginginig akong niyakap ni Val.. Doon ko lang naramdaman ang totoong lungkot at galit sa sarili ko dahil wala akong magawa para sa kapatid ko ng dahil sa nakaraan palagi niya akong pinipintasan minsan iniisip ko nalang na para bang pakitang tao lang ang minsang pagiging kalmado ni Drey kapag kaharap niya ako.
----FLASHBACK----
Naglalaro si Drey sa sala, i was 18 years old at nasa 15 years naman ang kapatid ko. Libanagn niya ang rubrics kapag nasa living area kami, masayang nakatitig samin si mama. Sabi sakin ni mama humiling ako na magkaroon ng kapatid na lalaki and god never failed me... Palagi niyang sinasagot ang dalangin ko kaya nung dumating si Drey sinabi kong mamahalin at poprotektahan ko siya sa magulong mundong kinalalagyan namin. Bata palang wala na talagang reaksyon ang mukha niya.
Ipinanganak siyang seryoso ang mukha at talaga namang hindi makikitaan ng emosyon kabaliktaran yon ng totoong nararamdaman niya kasi mabilis siyang magalit at mabilis uminit ang ulo bibihira din itong kumibo.
"Drey, gusto mo paligsahan tayo sa pagbuo ng rubrics? Kapag natalo kita matutulog na tayo dahil masyado ng malalim ang gabe pero kapag natalo mo ko sasagutan ko ang mga assignments mo? " nakatitig lang ito sakin sa halip na sagot ay nag simula na itong buuhin ang rubrics.
YOU ARE READING
THE GANGSTER WORLD
RandomThe world of game, GANGSTER WORLD Dalawang salita ngunit kinatatakutan binubuo ng dalawang lugar na may limang sikat na gang. Sangay ng kabutihan kaakibat ng kasamaan, dalawang taong mula sa ibat ibang maimpluwensiyang gang. Bukod tanging magkaib...