----KINABUKASAN----
ANNA POVNakatayo lang ako sa labas ng Academy, masugid ko itong pinag masdan. Malaki ang lugar na ito imposibleng magkita kita kami rito. Kadarating lang namin galing Japan, bahagya kong sinulyapan si Alias at Blue.
"Blue, kanina pa kita tinatanong. Nasan si B? Bat hindi siya sumama para sunduin kami? " tiningnan ko lang si Blue ng ngitian lang nito si Alias.
"Isinama siya ni Kaye sa C. M. para mamili ng mga gamit" sagot ni Blue."Namili? Bakit naghihirap na ba si B para ilibre siya at hindi kami sunduin?" seryosong tanong ko.
"Hindi naman sa ganon. Tulad ng sinabi ko she need to pretend as storm's girlfriend, mahirap lang siya sa pagkakaalam ng mga ito" napasinghal nalang ako.
"Crazy!! " mahinang asik ko bago magsimulang maglakad. Hindi namin kasama si Bindi ngayon dahil dumiretso siya sa condong binili niya. Siguro dadalaw nalang yon depende sa kung ano ang magagawa ni B para manatili siya dito sa DHA na to kasama namin.Madali kaming nakapasok dahil sa koneksyon ko, hindi naman sa nagmamayabang ako pero isa sa mga founder ang dad ko sa DHA na to, isang beses palang akong napunta dito at ito ang pangalawang beses ko rito. Habang naglalakad nasa amin ang tingin ng mga estudyante, sa tingin ko bilang na nila ang hakbang namin.
"Bat hindi nalang niya pinatay ang taong yon!?" seryosong saad ni Alias."Kung susuriin wala naman siyang kasalanan and we're here because we wanted to get revenge from red" napailing nalang ako
"Sigurado ka ba? Anong we? baka kami lang, fyi lang halata namang ayaw mong gumanti sa traydor na yon!! " naiiling na saad ko
"Hindi sa ganon, naging kaibigan ko din naman si Red. Kung gaganti man ako sapat na ang maparusahan siya dahil buhay ang kinuha niya dapat siyang makulong""Walang puwang ang kulungan para sa mga katulad niya, hindi sa labas ng arena niya pinatay si Jungwoo kaya hindi batas pangtao ang nararapat para sa kanya" taas kilay na saad ni Alias.
"Isa pa anong wala? Baka nakakalimutan mo kaya ipapaalala ko nalang sayo, papatayin ni storm si B when he finds out na ang babaing pinagpapanggap niyang girlfriend was the one he was looking and accusing for killing Adonis Kang" litanya pa ni Alias. Agad naman akong napahinto."Kang? " kunot noo kong tanong tumango lang ito habang pagtataka naman ang namutawi sa mukha ni Blue, kalaunan naman ay tila napagtanto ni alias ang sinabi niya.
"What's wrong? " Alias.
"Wala naman, napansin ko lang na magkaapelyedo sila ni Jungwoo" sagot ko nalang.
"Oo nga no? Napansin ko rin yon" segunda ni blue habang napapailing. Ilang minuto lang narating na namin ang dorm ni B, agad kaming pumasok at doon nalang namin napagpasyahan maghintay sa kanya."So dahil naihatid ko naman kayo dito ng maayos, aalis muna ako saglit if you want to go out sige lang enjoy your pamamasyal" kaway ni blue bago isara ang pinto. Sira ulo!!! Pasalpak akong umupo sa sofa habang tinatanggal ang Jacket.
"Ano bang ginagawa niya? Bakit ba siya pumayag ng ganon nalang" reklamo pa ni Alias. Kahit ako hindi ako makahanap ng dahilan. Ano ba talaga ang plano niya? Balak niya bang pahulaan sa amin ang mga gagawin niya? Haysss"we can't do anything but to trust her. Maybe she have a better plan why she needs to get this far" umiling naman ito na para bang hindi siya kombensado.
"Nandon na tayo, hindi ko maintindihan. Si storm ang pinunta niya rito, alam niya na pala bakit niya pa pinapatagal? That jerk killed Jungwoo nakuha niya pang magpanggap as a fake girlfriend!!" kahit ganito siya alam namin na napag isipan niya ito ng mabuti siguro kailangan lang namin maghintay ng tamang oras para makita ang kalalabasan ng ginagawa niya ngayon."Masarap gumanti kapag planado ng mabuti." tumingin lang ito sakin na bahagya kong ikinangiti. Masyadong nakatuon sa patakaran si B kaya kahit isa siyang gangster malinis niyang nagagwa ang plano dahil bukod sa maprinsepyo siyang leader tama ang pagbibigay niya ng parusa, dinadalangin ko lang na sana hindi ito humantong sa matinding paghihiganti. Ibang iba magalit si Black hindi ko alam kung ano ang posisyon niya dati pero alam kong hindi magugustuhan ng lahat ang gagawin niya kapag may humarang sa mga plano niya.
YOU ARE READING
THE GANGSTER WORLD
RandomThe world of game, GANGSTER WORLD Dalawang salita ngunit kinatatakutan binubuo ng dalawang lugar na may limang sikat na gang. Sangay ng kabutihan kaakibat ng kasamaan, dalawang taong mula sa ibat ibang maimpluwensiyang gang. Bukod tanging magkaib...